Chapter 16

1.4K 73 23
                                    

Pagkauwi namin ni Elena mula sa simbahan, may nakita kaming nakatayong babae sa tapat ng pintuan ng bahay. Pinapunta ko muna si Elena sa kanyang mga kalaro sa kabilang kanto.

Nilapitan ko ang babae na siguro'y nasa edad trenta. Medyo maluwang ang suot niyang bestida na hindi bagay sa kanyang payat na pangangatawan.

"Ano pong kailangan nila?" tanong ko.

"Ikaw ba si Santiago?" tanong ng maamo niyang boses.

"Ako nga po. Kayo si?"

"Asawa ako ng pinsan ni Kuya Tomas. Remedios Alvarez," pakilala niya.

"Pasok po kayo." Binuksan ko ang pintuan at pumasok kami sa loob. Pinaupo ko siya at binigyan ng isang basong tubig.

"Santiago, ako at ang pamilya ko ang ngayo'y may- ari ng bahay at loteng ito."

Para akong sinuntok sa tiyan dahil sa narinig ko. "Po? May patunay ba kayo?" Hindi ako naging ma-ingat sa tanong ko. Sapat nang patunay na magkamag-anak sila.

"Nasa asawa ko ang titulo, hijo. Pasensya ka na-"

"Naku, ayos lang po! Kayopo dapat talaga ang makinabang ditto," sabi ko. Pero, deep inside ay gusto kong magmakaawa sa kanya na patuluyin kami ditto ni Elena. "Ginang Alvarez, kailan po ba kayo maninirahan ditto?"

Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Bago pa man sumiklab ang digmaan ay naubog na kami sa utang at nadagdagan pa an gaming utang ngayon. Hindi naming titirhan ito...ibebenta naming ang lupa para may pambayad at pampuhunan sa maliit na negosyo."

"Wala po akong karapatang sabihin ito pero, bakit niyo ibebenta ito para sa utang niyo? Alam ko po na mahirap kumita ng pera ngayon. Galing po sa sakripisyo ni Tiyo Tomas-"

"Santiago, bukas ng tanghali ang usapan naming ng bibili ng lote. Kailangan niyo nang umalis bago pa mag-tanghali." Tumayo siya at binuksan ang pintuan. "Pasensya na, hijo." Lumabas siya nang hindi man lang hinintay ang aking sasabihin. Pero, wala na rin lag magagawa ang aking mga salita.

Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko at napatunganga.

-

"Kuya, saan tayo pupunta?" tanong ni Elena nang makita niya dalawang bag sa sala.

"Sasabihin ko sa'yo pagkatapos mong kumain ng almusal. Nagluto ako ng paborito mong sinangag, tuyo at itlog," sabi ko sa kanya at binuhat ko siya tsaka pinaupo sa tabi ko.

Walang kaalam-alam ang bata na ito na ang huli naming pagsasalo sa bahay na ito.

Pagkatapos kumain ay muling nagtanong si Elena. "Kuya, saan tayo pupunta?"

"Basta."

"Wala ka bang trabaho?"

"Nagtanggal na ako sa trabaho."

"Bakit?"

"Kasi aalis na tayo. Wala nang magtatanong."

May kumatok sa pintuan at pagbukas ko ay nakita ko si Tiyo Roman.

"Magandang umaga, Tiyo," bati ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya kagabi ang tungkol sa pag-uusap namin ni Gng. Alvarez at ang nais kong gawin.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon