Chapter 29

1K 52 0
                                    

June 1991

Dalawang bahay lang ang may telebisyon dito sa barrio, kaya tuwing sasapit ang gabi ay parang may blockbuster dito sa loob ng bahay...dahil isa kami sa may TV. Kahit may telebisyon kami, hindi ko matagalan ang manood ng mga palabas, lalo na ang mga patalastas.

Minsan ay sumisilip ang ibang kapit bahay sa bintana dahil puno na ng tao sa sala, ang pintuan naman ay bukas din at dun nakatayo ang ibang nakikinuod.

Pero, ngayong gabi ay kami lang ni Tatang ang nasa bahay. Nagkaroon na naman ng brown out, kaya walang palabas ngayon sa amin.

Inalalayan ko si Tatang na umakyat ng hagdan. Katatapos naming maghapunan at siya'y inaantok na. Inilapag ko sa mesa na katabi ng kama niya ang maliit na gasera at tsaka ako umupo sa gilid ng kama niya, katabi siya.

"Tatang, kanina pa kayo walang kibo...may nararamdaman ba kayong hindi maganda?" tanong ko kay Tatang Martin nang may matinding pag-aalala.

Hindi niya ako tinignan. "Kailan natin makakamit ang kalayaan?"

"Tatang, matulog nalang po kayo..."

Napatingin sa akin si Tatang at sa hindi masyadong maliwanag na paligid, lalo kong napansin ang muka ni Tatang at mas napagtanto ko na matanda na ang aking ama. Napupuno na ng age spots ang kanyang kulubot na balat, ang kanyang matipunong katawan dati ay napalitan na ng payat at mahinang pangangatawan, ang kanyang iilang puting buhok ay sa iba't-ibang direksyon nakaturo, at idagdag pa ang kanyang boses na namamaos na.

Biglang umiyak si Tatang at agad ko siyang niyakap. Ramdam na ramdam ko ang kanyang nangiginig na katawan. "Tatang, tahan na...tahan na.."

Halos parating ganito ang eksena. Bigla siyang iiyak...iyak na halos wala nang lumalabas na tunog pero, patuloy ang pagdaloy ng mga luha. Nung una ay napapa-iyak ako pero, nasanay ako at ngayo'y pilit kong tinatatagan ang aking loob...para kay Tatang.

Ilang sandali pa ay tumigil siya sa pag-iyak at muli niya akong tinignan. Pero, sa pagkakataong ito, nakita ko siyang ngumiti...isang ngiti na matagal hindi nagpakita.

"Santiago, anak..." mahina niya sabi at hinawakan niya ang aking pisngi.

Nagulat ako sa sinabi ni Tatang. Hindi na niya ako tinawag sa pangalang Anghelo at hindi niya tinanong kung sino ako. Nagsimula lahat nang dapuan siya ng Alzheimer's disease.

Ngumiti ako at hinawakan ko ang kanyang kamay. "Tatang, iyan na lang ang nagpapasaya sa akin ngayon...ang maalala niyo ako."

"Alam mo ba, Tiago, may nagsabi sa akin noon na kapag lumaki ang mga anak ko ay lilisan nila ako...pero, nagkamali sila dahil hindi mo ako iniwan kahit ang tanda-tanda ko na. Anak, buti nalang hindi ka nag-asawa," biro ni Tatang.

"Kahit naman po may asawa ako, hindi ko makakayanan na iwan kayong mag-isa."

Sa gabing ito, naisipan kong samahan sa kwarto si Tatang. Naglatag ako ng banig sa sahig malapit sa kama. Hindi malamig ang gabi kaya ang kinuha ko lang sa aking kwarto ay unan.

Hindi ko na pinatay ang nakasinding gasera para mas maging panatag ako. Habang lumalakas ang aking antok, may biglang pumasok sa aking isipan. Ang ngiti ng isang dalagang may maamong muka...oo, siya nga...ang babaeng ayoko nang maalala.

-

"Hala! Malapit na ang katapusan ng mundo!" pag-aalala ni Elena habang nakikinig kami ng balita sa radyo.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now