Chapter 31

1K 63 3
                                    

1995

"I WANNA LAAAAAY YOU DOWN ON A BED OF ROSES!

FOR TONIGHT, I'LL SLEEP ON A BED OF NAILS..."

"Hoy, Jerry, 'wag mo ngang sabayan yung kanta! Sinisira mo, eh!" saway ni Felipa sa kanyang asawa na nakatapat sa radyo. Ganyan talaga si Jerry, nakikinig ng awitin at tsaka niya sasabayan.

Nang natapos na ang kanta, kinausap ko ang medyo hinihingal kong pinsan. "Ang tindi ng duet ninyo ni Jon Bon Jovi, ah!"

"Kaya nga! HAHAHAHA! Kailangan ko na siyang palitan bilang –"

At buti nalang sumingit sa usapan si Alice. "Hay, naku, Tatay! Hindi mo nga naabot yung mataas na nota...at dahil 'yan sa edad mong sixty-three. Magaling kang kumanta, Tay, pero..." Huminga nang malalim si Alice.

"Tsaka, napaka-gwapo ni Jon -"

Hindi pinatapos ni Jerry si Dorothy. "Gwapo naman ako, ah! At tsaka, dun nga muna kayo sa kwarto niyo!"

Natapos ang patalastas sa radyo at ang sumunod na awitin ay ang Next in Line ng After Image.

"Uy! Graduation song namin yan!" masayang sabi ni Kiko na unang apo nina Jerry at Felipa. Labin-anim na taong gulang na anak ni Alice.

"What is life to offer me when I grow old?

What's there to look forward to beyond the biting cold?

They say it's difficult. Yes, stereotypical.

What's there beyond sleep, eat, work in this cruel life?

Ain't there nothing else 'round here but human strife?

'Cause, they say it's typical. Yes, stereotypical.

You gotta be conventional. You can't be so radical."

Sumabay na din kami sa chorus.

"So, I sing this song to all of my age.

For these are the questions we have to face.

For in this cycle that we call life, we are the ones who are next in line.

We are next in line..."

Hindi pa tapos ang kanta ay ginalaw ni Jerry ang radyo at nilipat ang istasyon. Padabog na umalis sa sala ang kanyang apo at anak.

"Makinig muna tayo ng balita...baka mamaos tayo sa laging pagkanta," palusot ni Jerry na kay sarap sapakin.

"Alam mo ba na isa kang malaking tarantado?" tanong ko nang seryoso.

"Hindi ah! Malaking panot pwede pa," sagot niya sabay tawa nang malakas.

"...ngayong ika-apat ng Hulyo ay opisyal nang idineklara ang Philippine Eagle bilang pambansang ibon ng Pilipinas. Ang nasabing ibon ay – "

"O, tapos tinanggal nila ang agila sa 50 centavo nung nakaraang taon... dapat ibalik na nila – "

"Jerry, sandali nga! Parehas talaga kayo ni Elena," saway ko.

"Hoy! Hindi ako isang elepanteng balyena!"

Imbes na lalong magalit ay natawa ako sa sinabi niya na halos maluha-luha ako. "HAHAHAHA! GAGO! Wag mo ngang sinasabihan ng ganyan ang kapatid kong daig pa si Buddha!"

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now