Author's Note

1.6K 83 26
                                    

Author’s Note

Una sa lahat, maraming salamat. Mas mahirap isulat ito kaysa sa Stuck in 1945 dahil mabilis ang daloy ng mga dekada. Buti nalang at may mga lolo at lola akong ka-kwentuhan kaya nagkaroon ako ng insights nung mga nakaraang dekada.

    Karamihan sa kwento ay hango sa mga naging karanasan ng aking mga lolo, lola, mama at pati ng ibang tao. Gaya nalang ng pagsabit ni Santiago ng watawat sa bintana; ganun palagi ang ginagawa ng anak ng kapit-bahay naming WWII veteran. Maski ang kalawanging lata ng biscuit kung saan nakalagay ang mga lumang litrato, may ganun ang lola ko, kaya dun ko ibinase yun. Yung burol naman na may puno…may ganun sa aming baryo at malapit ito sa sementeryo; gustong-gusto ko yung pinupuntahan dahil as in napaka-ganda at relaxing sa tuktok nito.

    Maski ang ilan sa mga pangalan sa kwento ay hango mula sa aking pamilya. Ewan ko ba, pero nahihirapan akong magbigay ng pangalan sa mga karakter ko minsan. Kaya ayun, kailangan kong alamin ang aking genealogy.

    Sa naunang drafts ng kwento, may lovelife dapat talaga si Santiago…mga bandang 1950s, kaso naisip ko na hinding-hindi magbabago ang pagmamahal niya kay Marcella. Tsaka, itinuon ko nalang ang pagmamahal ni Santiago sa kanyang pamilya lalo na kay Grace.

    Hindi masyadong nasagot ang katanungan kung bakit o paano nangyari ang ganun kay James…well, hindi naman ata talaga nasagot. Kahit kathang-isip lamang ito at pwedeng kong isulat ang nais kong isulat, mahirap pa rin para sa akin na lagyan ng explanation ang misteryo sa buhay ni James. Kung sa bagay, sa reyalidad ay mahirap intindihin at bigyang sagot ang mga bagay na pilit nating binibigyan ng kahulugan.

    Maaabutan din dapat ni Santiago ang pagkamatay ni Grace, pero hindi ko na yun kayang isulat ☹.

    Sana may mga aral kayong napulot mula sa simpleng nobela na ito ☺. Sana rin po respetuhin natin ang ating mga nakakatanda dahil hindi natin tunay na alam ang kanilang naging buhay. Sa mga anak at apo diyan na nakakauwi pa rin sa bahay ng kanilang mga magulang at grandparents…Saludo ako sa inyo!

    Muli, maraming salamat po ☺! Hanggang sa susunod. God Bless!

    PS. May bago akong sinusulat na kwento at sana suportahan niyo din po ito kapag na-publish ko na dito sa Wattpad. Tungkol ito sa isang digmaan na hindi masyadong nakasulat sa mga history books dito sa Pilipinas.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now