Chapter 6

1.7K 65 1
                                    

February 4, 1945

"Maghanda kayo, aatake tayo ngayon kasama ng mga bagong dating na mga Amerikanong sundalo," paalala ni Gabriel na halos maubusan na ng hininga. Nagkatinginan kaming tatlo nla Miguel at Diego.

"Sa tingin ko ay handa ka na, Santiago," ang sabi sa akin ni Diego.

Kalmado lang ako at tinanggap ko ang baril mula kay Diego. Napunta na ako sa sitwasyong ito dati at nung una'y hindi nagging madali. Ngayon, sa tingin ko'y handa na talaga ako. Hindi na ako natatakot na pumatay dahil matagal nang may bahid ng dugo ang aking mga kamay.

Mula sa Santo Tomas ay papunta kami sa Pasig River. Nasa likuran ako nina Miguel at Diego, sa likuran ko ay isang gerilyang Kano. Hindi ko makita kung nasaan ang iba dahil sa nagdidilim na paligid. Gumilid ako at sumandal sa pader. Nilingon at nilapitan ako nina Miguel at Diego. Hindi tumigil ang iba at nagpatuloy.

"Santiago, ayos ka lang ba?" ang tanong ni Diego at hinawakan niya ang aking balikat.

"Diego..." Biglang pumatak ang luha mula sa mata ko. "Diego, nakita ko ang pagkamatay mo...sa isang tulay..."

"Ano ba yang pinagsasabi mo, Tiago?" tanong ni Diego at kita ko sa mga mata niya ang takot.

"Maniwala ka sa akin, Diego. Hindi ako manghuhula pero alam ko."

"Wala namang masama kung maniwala tayo sa kanya, Diego," giit ni Miguel.

\"Diego, tandaan mo, huwag na huwag kang tatapak sa tulay na yun. Magpahuli ka sa linya at-"

"Sandali. Paano kung nagkakamali ka lang?" Hindi pa rin ako pinaniniwalaan ni Diego.

"Diego, ikaw lang ang mamamatay sa grupo natin. Malalaman mo na totoo yung sinasabi ko kung nakita mo kung paano pasabugin ng mga Hapones ang Quezon Bridge. Sumunod ka nalang sa paalala ko sa'yo," pagmamakaawa ko sa kanya.

Tumango siya at wala na silang nasabi pa ni Miguel. Pinagpatuloy namin ang pag-abante.

May tumapik sa kanang balikat ko at nang linungin ko ay nakita ko ulit ang pagmumuka ni Hugh Stevens.

"You said earlier that you are not a killer, then why are you here?"

"No nation can survive without its killers."

Tumango lang siya at nagpatuloy pa rin sa pagtanong. "Do you still have your family, James?"

"Yes, but they're far away," sagot ko.

"Mine's on the other side of the globe. I have been away from them for almost three months, I think, and I have a baby coming," nagbago ang pananalita niya at alam kong umiiyak siya. "I promised my wife that I won't leave our unborn baby fatherless. Let's just pray to God that our side is right."

Tinapik ko siya sa likod. Siguro, kailangan ko din iligtas mula sa kamatayan ang isang ito.

Palubog na ang araw nang makalapit kami at ang iba ay nasa tulay na mismo. Walang senyales ng mga kalaban pero maingat ang lahat. Sa other end ng tulay ay may roadblock at sand bags. Magiging mabilis na ang mga next events.

Itinulak ko ng malakas si Stevens at napadapa ito sa maalikabok na sahig. Mabilis akong nakadapa sa tabi niya at umalingawngaw ang mga putok ng baril. Nilingon ko ang nasa tabi ko at nakita ko si Stevens na humihinga ng mabilis. Tatayo na sana siya nang pinigilan ko siya. "Wait!"

Pero parang hindi niya ako narinig. Tumayo siya at aatras na sana nang bigla ulit siyang napahiga at muli kong nakita ang kanyang duguang muka. Napamura ako at nainis sa yumaong si Stevens. Kung nakinig lang siya sa akin, edi sana makikita pa niya ang anak niya at sana hindi lalaki yung bata na walang tatay.

"FALL BACK!! FALL BAAAACK!!"

"EVERYBODY! FALL BACK!"

Sa lahat ng mga sigawan sa paligid ay isa ang nangibabaw sa akin, "Santiago! Salvacion!" May humawak ng mahigpit sa kanang braso ko at mabilis ako nitong itinayo. Si Miguel. Napangiti ako nang makita ko kung sino yung kasama niya. Buhay si Diego.

Mabilis kaming tumakbo papalayo sa tulay. Biglang nagkaroon ng malakas na pagsabog na nanggaling sa tulay. Binomba ng mga Hapon ang Quezon Bridge at ito'y bumigay.

Tumigil kami sa pagtakbo nina Miguel at Diego para maghabol ng hininga. Tinignan ako ni Diego. "Salamat, Santiago."

Dahil sa pagod ay di ako nakapagsalita at tumango lang ako. Hindi ako mapapagod ng ganito kung nag-e-exercise lang sana ako dati.

"Sa atin munang tatlo ito," suggestion ni Miguel.

-

Pagkabalik namin sa kampo ay agad kaming pinaghain ng dinner na unseasoned lugaw. Dahil sa pagod at gutom ay tahimik kaming kumain. Nasisiyaham ako dahil kompleto kami ngayon kasali na sina Juan, Jose at Isko.

Natulog na ang iba naming kasamahan at kami nalang ni Kap Francisco ang gising. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. "Sama ka, Tiago?"

"Saan po tayo pupunta?"

"Magpapalipas ng oras sa tabi ng ilog."

Naglakad kami ng walang kibuan papunta sa ilog. Maliwanag ang buwan at nakikita namin ang daanan.

Tumigil kami nang makarating kami sa mismong tabi ng ilog. Naglabas si Kap Francisco ng cigar at inihagis niya ito ng malakas sa ilog.

"Kapitan, bakit-?"

"Alam mo, Tiago, tanda ko pa yung huling pagkakataon na nanigarilyo ako. Yun ay bago ang digmaan nang bisitahin nila ako. Magkakasama kami ng dalawa kong kapatid na lalaki at masayang nagkwe-kwentuhan sa bahay n gaming magulang. Ang daming baong kwento si kuya mula sa bansang Amerika at yung bunso naman sa pamilya naming ay madaming baon na tabako." Tumawa siya ng mahina at nagpatuloy. "Hindi namin namalayan na halos maubos na naming tatlo yung dala ni Fernando. Hanggang sa puntahan kami ni Nanay sa aming pwesto para sabihing handa na ang hapunan. Nagalit si Nanay nang makita niya ang mga upos ng tabako... sa edad namin ay nagawa pa niyang paluin ang mga pwet namin. Tapos, pumasok na kami sa bahay at sama-samang naghapunan kasama sina Tatay, si Isko at ang mga pamangkin ko kay kuya."

"Kapitan, nasaan na po sila ngayon?" tanong ko. Hindi niya ako nilingon at nakatingin lang sa direksyon ng ilog.

"Sa pamilya namin, kami nalang ng anak kong si Isko ang natira," mahinang sagot niya.

"Pasensya na po."

Ngumiti siya at hinarap ako. "Kaya ko itinapon ang tabakong iyon dahil gusto ko na ang huling pagkakataon na nakapag-sigarilyo ako ay nung nagsama-sama kaming tatlong magkakapatid. Santiago, kapag kasama mo ang malalapit sa'yo, lagi mong punuhin ng kasiyahan ang bawat sandali...dahil ano mang oras ay pwede silang bawiin ng Diyos."

Tumango ako at niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko na nagulat si Kapitan sa ginawa ko, pero niyakap niya ako pabalik. "Ikaw talagang bata ka, hindi ko mahulaan ang totoong ugali mo."

"Salamat po." Humiwalay ako at tinignan siya eye to eye. "Maraming salamat sa lahat, Kapitan."

"Santiago, wala ka namang kailangan ipa-salamat."

"Basta, Kapitan. Alam niyo po, ma-swerte ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan tulad niyo at sina Miguel, Diego, Andres...lahat sila dun. Pati na rin si Herrerias na parang ayaw sa akin." Tumawa kami ni Kap Francisco at nanumbalik ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

"Ganun talaga yung si Herrerias. Halika na, bumalik na tayo," sabi niya at muli naming tinahak ang daanan na naliliwanagan ng maliwanag na buwan.

Alam ko na mapagkakatiwalaan si Kap Francisco, pero nagda-dalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. Parang may takot ako na sabihin ang lahat sa kanya...at parang may mangyayaring hindi maganda kapag nalaman niya ang totoo at binabalak ko. Hindi ko dapat siya pag-isipan ng mga masasamang bagay, kaya lang....iba ang sinasabi instincts ko. 

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now