Chapter 34

1K 51 4
                                    

Naumpisahan na ni Greg, kaya sinabi ko na sa kanya na basahin niya hanggang sa kasalukuyan kong sinulat. Magkatabi kami sa gilid ng kama. Nagbabasa siya at ako naman nakatingin lang sa pintuan. Ilang minuto lang ay isinara ni Greg ang kwaderno at tinignan niya ako.

Nakahanda akong sagutin ang kanyang mga katanungan, pero iba ang mga inilabas niyang salita.

"Maganda ang sinusulat niyong kwento...tapos sinali mo pa yung totoo mong kwento, Lolo," sabi niya nang nakangiti at walang pagdu-duda.

Tumango lang ako.

"Hindi ko muna tinapos basahin kasi may pupuntahan pa ako, Lo. Tumigil ako sa parte kung saan nagkita kayo ni Miguel sa Intramuros," tumayo siya at iniabot sa akin ang kwaderno.

Lumabas siya mula sa kwarto at hinigpitan ko ang pagkaka-hawak ko sa kwadernong naglalaman ng katotohanan.

Binibisita pa rin ako ni Greg, pero hindi na niya binabanggit ang tungkol sa sinusulat kong "kwento" at nawalan siya ng interes doon. Mas maganda na siguro yung ganito, yung hindi niya sineryoso ang mga nakasulat.

-

2015

Pinuntahan ako ni River sa kwarto at masayang ipinakita ang regalo ng kanyang Daddy Marco na kauuwi lang kaninang umaga. "Lolo, tignan mo, oh! Tablet!"

Tinignan ko ang hawak niyang kulay itim na tablet at parang may sumagi sa isipan ko, isang déjà vu na naman. Hindi ko nalang pinansin. "Wow! Ang ganda naman niyan..."

Sumunod si Maya. "Lo, iPhone ang binigay ni Daddy sa akin! Selfie tayo!"

Wala kaming ginawa mag-hapon ng mga kasama ko kundi ang kumuha ng litrato at maglaro ng games. Natawa ang mga bata sa akin dahil sa bilis kong matutong gumamit ng gadgets.

Pero, bago matulog ay sinabihan ko ang kanilang magulang na sana turuan ang mga bata na limitahan ang paggamit nito, sinabi ko rin na huwag muna nilang payagan ang mga bata na magkaroon ng mga nauusong Facebook at kung anu-ano pa. Dose anyos palang ang kambal at sa tingin ko ay masyado pa silang bata para sa mga bagay na ganun, lalo na't baka maagang mawala ang kanilang pagiging inosente.

Isang araw, pumunta sa bahay si Jerry at halos maluha ako sa tawa nang makita ko siya. Naka-elephant pants at puting long-sleeves siya, may bandanang pula sa kanyang ulo at naka-sapatos ng itim na leather.

"2015 na, gago!" sigaw ko sa kanya at sabay kaming tumawa. Ngayon lang ulit ako tumawa nang ganito at ang sarap sa pakiramdam. Parang muli kaming naging bata ni Jerry.

Pagkapasok niya sa bahay ay agad siyang naupo sa sofa. "Wala ka bang napansin, pinsan?" tanong niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Bukod sa costume mo...hmmmm...hindi ka nagtanggal ng sapatos bago ka pumasok."

"Tiago, hindi na ako iika-ika sa paglakad ..." sabi niya nang pabulong.

Tinabihan ko siya. "Oo nga!"

"Arthritis is just a word," sabi niya nang nakangiti.

Kung saan-saan napadpad ang usapan namin ng aking pinsan. Hanggang umabot sa mga makabagong imbensyon.

"Naku, yung mga apo ko walang ina-atupag sa Sabado at Linggo kung hindi ang mag-selpon!"

Sumang-ayon ako. "Pati sina River at Maya...ayaw ko umabot sa punto na ito ang dahilan para lumabo ang mga mata nila."

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now