Chapter 18

1.1K 54 3
                                    

"Mag-iingat ka, Tiago," bilin sa akin ni Nanang at iniabot sa akin ang nilagang mais na babaunin ko sa biyahe.

"Salamat, Nanang." Hinalikan ko siya sa kanyang kaliwang pisngi. Nagpaalam din ako kay Tatang at kay Manong Luis. Kinuha ko ang bag ko na kanina'y nakalapag sa sahig at sumakay sa sasakyan. Muli ko silang kinayawan nang umandar na ang sasakyan na maghahatid sa akin sa Maynila.

Habang tinatahak ng pick-up truck ang daan, lalong nadagdagan ang pagka-miss ko sa aking kapatid na si Elena. Ayaw ko man siya alalahanin pero, na-miss ko din si Charlie. Sana noon, mas lalo ko pang kinilala si Charlie at siguro mas magiging close kami sa isa't-isa na parang mag-bestfriends.

Sa wakas, makalipas ang halos dalawang linggo, makakabalik na ako ng Manila para kunin si Elena. Isang beses ko lang sinabi kina Tatang at Nanang na kailangan kong bumalik ng syudad dahil nandoon ang nakababata kong kapatid na babae. Sabi ni Nanang na kunin ko siya mula sa bahay-ampunan at isama pabalik ng probinsya. Nag-alangan ako nung una dahil baka mas lalong maging pabigat kami sa kanila pero, handa daw silang tanggapin si Elena tulad ng pagtanggap nila sa akin sa kanila pamamahay. Nasiyahan si Nanang nang husto dahil magkakaroon ng batang babae sa bahay.

-

Makalipas ang halos siyam na oras na biyahe at ilang stop overs, nakarating na din kami sa aming destinasyon. Ipinarada ni Manong ang sasakyan sa tapat ng bahay ampunan.

Pagkababa ko ng sasakyan ay medyo kinabahan ako. Paano kung galit sa akin si Elena dahil sa pag-iwan ko sa kanya dito?

Alas-kwatro na ng hapon at wala akong makitang bata sa paligid. Pumasok ako sa nakabukas na pintuan at nakita kong nakaupo sa lobby si Madre Agnes. Nginitian ko siya nang makita niya ako.

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. "Hijo, kamusta ka na?"

"Ayos lang po. Nakakita na ako ng magandang lugar para sa amin ng kapatid ko. Si Elena po? Hindi po ba siya galit sa akin?"

"Dito ka lang at tatawagin ko siya." Hindi niya sinagot ang aking tanong at lalo akong kinabahan. Paano talaga kung nagtatampo siya sa akin? Paano kung ayaw niyang sumama sa probinsiya? Paano kung ayaw na niya akong maging kuya niya? Masyado na ata akong napapa-isip at parang hinuhusgahan ko na ang bata.

Lumabas si Madre Agnes mula sa pintuan na pinasukan niya kanina at magkahawak sila ng kamay ni Elena. Nang makita ako ni Elena ay bumitaw siya sa pagkakahawak sa kanya ng Madre at mabilis na tumakbo papunta sa akin.

"Kuyaaaaaa!" Agad ko siyang binuhat at niyakap nang nakalapit na siya sa akin.

"Pasensya na, Elena...hindi ko gustong iwan ka dito pero, kailangan," biglang nanghina at nanginig ang aking boses.

Hindi siya umiimik pero, alam ko na masaya siya dahil binalikan ko siya.

Lumapit si Madre Agnes at sinabi niya kay Elena na kunin niya ang kanyang mga gamit. Ayaw bitawan ni Elena ang pagkakayakap niya sa aking leeg.

"Elena, hihintayin naman kita dito, eh. Hindi na aalis si kuya nang hindi ka kasama," bulong ko sa kaliwang tenga niya. Tumango siya nang may alinlangan.

Bago kami muling umalis sa syudad, binisita namin ni Elena ang puntod ng unang umampon sa amin na si Tiyo Tomas. Nag-alay kami ni Elena ng puting bougainvillea na mula sa hardin ni Madre Agnes at nag-dasal kami.

"Tiyo, may bago na kaming pamilya sa probinsya, magiging maayos muli ang buhay namin ni Elena," nakangiti kong sabi sa hangin habang nakatingin sa puntod. "Tiyo, salamat..."

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now