Chapter 28

1K 43 2
                                    

1989

"Pinsan, bibili ka na nga ng bagong sasakyan yung old model pa!" giit ni Jerry nang makita niya ang bago kong Dodge Colt.

"Nagtitipid ako at tsaka bumili din ako ng de bateryang all-in-one na music player," taas kilay kong sinabi.

Tumawa si Jerry. "Iba ka, Tiago!"

"Let's go for a ride!" Inayos ko ang aking buhok na may magkahalong itim at puti, sinuklay ko palikod at gumamit din ako ng hairspray. Tinignan ko ang muka ko sa salamin ng kotse. "Sana pala Harley-Davidson Motorcycle nalang binili ko...kulang nalang sunglasses at bandana, muka na akong kasali sa isang biker gang."

"Tapos kapag naki-angkas ako, magmumuka na tayong notorious riding-in-tandem." Bago sumakay si Jerry, kumuha siya ng isang cassette sa loob ng kanyang bahay. Pinatugtog niya ito sa aking bagong music player. Kinandong niya ang aking player na parang bata at nang mag-play, halos nagulat ako dahil sa lakas ng volume.

"Hinaan mo nga ng konti! Alam mong magda-drive ako, eh." Hininaan niya pero, literal na 'konti' lang.

May dala rin pala si Jerry na sunglasses. Nang isinuot niya ito sabi niya, "Let's go!" at pinaandar ko ang sasakyan.

Nakisabay ang kanta ng KISS sa aming unang biyahe, at para kaming mga siga sa kalsada pero, parang mga bata kami ni Paquito Diaz lalo na't naka-faded blue denim jacket si pinsan at ako naman ay naka-white sando at leather jacket. Dahil hindi masyadong mausok sa dinadaanan naming hi-way, binuksan namin ang mga bintana ng kotse.

"Stand up, you don't have to be afraid.

Get down, love is like a hurricane.

Street boy, no, I never could be tamed.

Better believe it!

Guilty, 'til I'm proven innocent.

Whiplash! Heavy metal accident.

\ Rock on! I wanna be president...

'Cos I love it...LOUD!

I wanna hear it loud right between the eyes!

Loud! I wanna hear it loud, don't want no compromise!"

Sana hindi kami habulin at pahintuin ng mga pulis lalo na't wala pa talaga akong lisensya.

-

Makalipas ang halos kalahating oras, nakarating kami sa bahay nina Grace at Mateo. Narinig siguro ni Grace ang malakas na tunog galing sa loob ng sasakyan, lumabas siya nang may pagtataka sa kanyang muka.

Pinatay ni Jerry ang music player at lumabas kaming pareho.

"Matanda na ata kayo para sa ganyan," natatawang sabi ni Grace.

"Matanda?! Si Tiago lang ang matanda, ah!"

"Gago!" Agad akong napatingin kay Jerry. "Alam mo ba na kahit 65 na ako, muka pa rin akong 30! Upakan kita diyan, eh!"

"Papa, talaga..." nagyakapan kami ni Grace.

"Nasaan ang aking gwapitong apo?"

Pumasok kaming tatlo sa loob ng kanilang bahay. Tulog si Marco at gustong-gusto ko na talaga siyang gisingin.

"Papa, Tito Jerry, meryenda po muna kayo." Naglapag si Grace ng dalawang bote ng Sarsi at isang plato ng puto sa mesa.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now