Chapter 4

1.9K 82 1
                                    

Ang Umpisa ng Storya ni Santiago

September 22, 2017

Kauuwi ko lang galing school at agad na akong umuwi sa bahay. Pagkarating ko sa kwarto ko ay hinubad ko ang sapatos ko at humiga sa kama. Pagod na pagod ako at agad akong nakatulog.

Heto na naman ako, tumatakbo ng mabilis karga-karga ang isang rifle. Malapit na akong mahabol ng mga Hapon nang bigla akong natisod at nadapa sa mainit na kalsada. Laking gulat ko nang makita ako ang nasa tabi ko. Ang naa-agnas na katawan ni Diego. Agad akong napatayo at tumakbo.

Tumigil ako sa pagtakbo nang mapagtanto kong isa lang itong panaginip. Tumingin ako sa paligid at ako'y mag-isa. Hinagis ko ang rifle sa tabi at napaluhod ako. Ang katahimikan ay napalitan ng aking paghagulhol sa iyak.

"James, gumising ka!" sigaw ko para sa sarili ko. "Diyos ko, tulungan mo ako...hindi ko na kaya...tama na...TAMA NA!" Tumingin ako sa nag-aapoy na kalangitan. "PAKAWALAN MO NA AKO!"

Naalimpungatan ako. Kasabay ng nanginginig kong katawan ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Sa lamig ng kwarto ay pinagpapawisan ako. Sumulyap ako sa wrist watch ko. Ala-una na pala ng umaga. Ang tagal ng tulog ko at gutom na ako.

Bumangon ako at umupo sa paanan ng kama. Dream is not my reality, but I'm falling deep into dementia and obscurity. It is slowly twisting my mind to the point that I'm getting lost within myself.

Muling bumalik ang lahat. Guilt, suffering, anger, agony. Naramdaman ko ngayon ang lahat ng ito all at once. Sa sobrang sakit ay hindi na ako naluha.

Tumayo ako at binuksan ang ilaw sa kwarto. Kinuha ang isang kahon mula sa aparador at hinagis koi to ng malakas sa pader. Ang mga bigay ni Miguel na pistol, rosaryo, bible at piso coin ay nasa sahig ngayon. I'm getting insane from the pain and I need to eliminate the things that remind me of it. At hindi lang ito.

Dali-dali akong pumunta sa kwarto nila Mama at Daddy. Buti na lang at wala pa sila. Pagka-open ko ng ilaw ay agad kong hinalungkat ang drawer ni Daddy sa tabi ng kama. Sunod naman ang kanyang closet. At nakita ko ang hinahanap ko at bumalik ako muli sa kwarto ko.

Nakaupo sa gilid ng kama at hawak-hawak ang baril ni Daddy. Huminga ako ng malalim at itinutok ang baril sa pagitan ng tenga at mata ko. Nawala lahat ng emosyon sa aking damdamin. Gagalawin ko na dapat ang gatilyo nang biglang nasagi ng mga mata ko ang family picture namin sa bedside table. Nakita ko ang mga ngiti nila Mama, Daddy at Charlie. Sa tabi ng picture frame ay ang napakagandang litrato ni Marcella.

Ibinaba ko ang baril at nilagay sa tabi ko. I can't believe that I have fallen prey to weakness. Mas pinairal ko ang kalungkutan kesa sa bright side ng buhay. Humiga ako at bumuhos ang mga luhang pilit kong kinulong. Sa pag-iyak ko ay nakapagtatakang gumaan ang pakiramdam ko. Kailangan ko lang pala pakawalan lahat.

Muli akong bumangon at tumayo. Tinignan ko ang mga binigay sa akin ni Miguel. "Patawad, kaibigan." Lumuhod ako para kunin ang mga ito. Una kong kinuha ang kahon, sunod ang bibliya, rosary, piso coin at ang baril ni Kapitan Francisco. Hindi ako agad nakatayo dahil nakaramdam ako ng kakaiba. Alam ko sa sarili ko na naranasan ko na ito dati at hindi ito maganda. No...not again.

-

Ibinaba ko ang notebook at agad na kinuha ang phone na katabi ko lang. nanginginig ang mga kamay ko habang hinahanap sa Call Logs ang number ni Dr. Cuares. Hindi niya sinasagot ang tawag ko at sinubukan ko ulit siyang tawagan, pero hindi niya pa rin ito sinasagot. Parang sinasadya niya na hindi sagutin ang mga tawag ko.

Ilang minuto siguro akong nakatunganga nang nag-ring ang phone ko. Si Dr. Cuares.

"James-"

Hindi ko na hinintay paliwanag niya. "Doc, ano ba talaga yung binigay mo sa akin? Ako ba ang nagsulat nun? Bait parang sa future ito nangyari? Paano-"

"James! Listen to me. Bago ka magtanong, basahin mo muna ang lahat ng nakalagay sa notebook na yan."

"Lalo lang nagiging magulo ang lahat. Akala ko ba tutulungan niyo ako?" naiiyak na ako at nawawalan na ako ng respeto sa kausap ko.

"Hindi lang ikaw ang tinutulungan ko, James. Tinutulungan ko din ang sarili ko." May lungkot sa kanyang boses.

"Anong ibig mong sabihin, doc?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at naririnig ko lang ang kanyang paghinga.

"Dr. Cuares?"

"James, sa ngayon ay isa mo akong kaibigan at hindi lang isang doctor mo. Hindi ito isang human experiment or something..."

"Okay..."

"James, tapusin mong basahin ang kwento sa notebook at tawagan mo ako agad kapag natapos mo na. Do you understand?"

"Yes, doc." At ibinaba ko ang phone. Tinignan ko ang notebook na nakalapag sa mesa at arang gusto ko na itong sunugin.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang notebook. Itinuloy ko ang pagbabasa sa kwento ng isang "James Salvacion".


Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now