Chapter 26

1.3K 59 11
                                    

1981

Sa unang araw ng bagong taon, ito ang sumalubong sa amin sa radio, "The imposition of Martial Law was lifted by President Ferdinand E. Marcos..." Isa kaya itong magandang bagay para sa umpisahan ang taon?

Isang taon magmula nung ikasal si Antonia kay Percival, ipinanganak si Franklin. Natuwa si Elena nang imbes na sa ibang bayan tumira sina Antonia, napag-desisyunan nila ni Percival na sa tabi nalang ng bahay nina Elena sila magpatayo ng sariling bahay.

Halos limang buwan nang wala sa bahay si Grace. Kumukuha siya ng kursong Nursing sa isang unibersidad sa Maynila. Hawak-hawak ko ang ilang araw nang liham ng aking anak habang naka-ngiti. Uuwi na ang aking unica hija ngayong lingo.

Itinabi ko ang sulat sa lamesita at pinatay ang ilaw. Hindi na kailangang mag-adjust ang aking mga mata sa dilim dahil maliwanag pa rin ang kwarto. Nakabukas ang dalawang bintana at pumapasok ang liwanag ng buwan. Humiga ako at huminga nang malalim.

Nakatingin ako sa kisame at inisip ang buhay ko ngayon.

Hindi ako naghihirap at madaming nagmamahal sa akin. Buti nalang din at binigyan ako ng anak na siyang nagbibigay ng purpose sa aking buhay.

Muli kong binalikan ang mga pagsasama namin ni Grace magmula nung bata pa lang siya. Napangiti ako pero unti-unting naglaho ang kasiyahan nang bigla na namang pumasok sa isipan ko ang dati kong buhay. Mali...ang buhay ni James Savacion na aking pinapatay.

Laging pinapaalala ng aking sarili na ako pa rin si James Salvacion, pero dinidiin ko din na hindi na siya ako at matagal na siyang wala sa mundong ito. Masaya na ako sa buhay ko ngayon...mas masaya kaysa sa buhay ni James Salvacion. Habang lumilipas ang panahon ay namanhid na ang puso ko sa mga natitirang alaala nina Marcella at ang pamilya Salvacion. Hindi na ako naluluha tuwing naaalala ko sila. Kung isa man itong defense mechanism ng utak ko, ito sa pinakamagandang abilidad na nagagawa ko.

Pinaalalahanan ko ang sarili ko na ito ang pinakamagandang parusa at ipinikit ko ang mga mata ko.

-

Makalipas ang dalawang araw...

Naluto ko na ang paboritong ulam ni Grace na Kare-kare. Konting oras nalang ay baka nandito na siya. Nandito na din ang iba naming mga kamag-anak pati ang pamilya ni Manong Luis. Nasasabik ang lahat sa pagbabalik ng prinsesa ng aming maliit na palasyo.

Halos nasa malaking lamesa na lahat ng pagkain nang may kumatok sa harapang pintuan. Sinabi ko sa kanila na ako na ang magbubukas at pinuntahan ko ito. Umaasa ako na sana si Grace ang kumatok.

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si Grace...at ang isang payat na binata sa tabi niya.

Nag-mano si Grace at ang binata na nanginginig ang kamay. Tsaka kami nagyakapan ng anak ko. Tinignan ko nang mabuti ang binata na ngayo'y nakayuko. Sa oras na ito ay parang nilisan ako ng mga emosyon ko na kailangan ko ngayon.

"Hmmm...Papa, siya po pala si Mateo Saldivar," mahinang sabi ni Grace sa akin.

Hindi naalis ang tingin ko sa binata. "Mateo ha?? Bakit ka sumama sa anak ko?"

Si Grace ang mabilis na sumagot sa aking tanong na dapat kay Mateo. "Papa, pinilit ko siyang sumama sa akin para ipakilala sa inyo. Mahal ko kayo at ayokong nagtatago ng sikreto sa inyo, Papa..."

Tinignan ko si Grace at hindi man lang siya umiwas ng tingin.

"Papa, boyfriend ko po si Mateo," sabi niya tsaka yumuko.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon