Chapter 9

1.4K 59 0
                                    

February 19, 1945
Bago kami pumunta sa Calle Herran ay agad kong pinuntahan si Kapitan Francisco. Nang makita ko siya ay kausap niya sina Diego at Andres sa gilid ng isang military truck.
Binati ko silang tatlo at tinignan ko sa mata si Kapitan Francisco. "Pwede ko po ba kayong makausap?"
"Mauna na kayo sa hanay, susunod kami," sabi niya kina Diego at Andres. Nang naka-alis na sila ay hinarap ako ni Kap Francisco. "Ano yun, Tiago?"
"Kapitan, ngayong araw mamamatay sina Herrerias at Gabriel. Paano natin sila ililigtas?" Nagpa-panic na ako inside out at hindi na ako makaag-isip ng mabuti.
"Saan sila mamamatay at paano sila namatay?" tanong niya.
Pinilit kong alalahanin ang lahat. "Uhm...sa Calle Herran mismo, Kapitan. Nabaril sa ulo si Herrerias at nasabugan ng granada si Gabriel. At naalala ko na hindi nakasuot ng metal cap si Herrerias."
"Pipilitin ko na magsuot ng metal cap si Herrerias at sa tabi ko lang si Gabriel," sabi niya at arang sigurado na siya na magiging mabisa ang kanyang gagawin.
"Kapitan, kayo na pong bahala sa kanila," sabi ko at nagpaalam na ako sa kanya.
-
Nagpalitan na ng mga putok ng baril mula sa dalawang panig. Hindi ko sinundan ang aking mga kasamahan at pumunta ako sa likod ng isang gusali. Muli kong nakita ang sundalong Hapon.
Napansin niya ako at agad siyang tumayo at itinaas ang dalawang kamay. Ibinaba ko ang aking rifle at nilapitan ko siya. Bigla siyang umiyak nang mahina.
"Can you understand English?" Nakakaintindi naman siguro siya ng Ingles. Hindi siya sumagot.
"If you want to see your family again, you must-" natigilan ako nang ma-realize ko na tinutulungan ko ang isang kalaban. Parang may nagtulak sa akin na barilin siya. Itinutok ko ang aking rifle sa kanyang dibdib at ang mga kamay ko ay nanginig.Nangibabaw ang aking galit.
"You ransacked my country and killed my countrymen mercilessly."
Bago ko kalabitin ang gatilyo ay narinig ko siyang nagsalita. "Hai, wakarimash...ta..."
Ginawa ko ang dapat kong gawin. Kinuha ko ang litrato na nasa kanyang kamay. Tinignan ko ang laman ng kanyang bulsa at may nakita akong isang papel na may sulat. Hindi ko mabasa ang nakasulat at isinama ko ito sa litrato. Sa ngayon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga bagay na ito. Baka balang araw ay maibalik ko ito sa kanyang pamilya sa Japan. Tinignan ko ang kanyang muka. "Sana ikaw na ang taong huling napatay ko sa  buong buhay ko."
Paalis na sana ako nang maalala ko si Herrerias. "Nasaan siya? Dapat kanina pa siya nandito at dapat siya ang nakapatay sa Hapon na nandito." Hindi ako mapalagay at pinuntahan ko sila. Pagkadating ko sa kalsada ay agad akong tinawag ng mga sundalo at gerilya na nakasakay sa isang military truck.
"Sumakay ka na dito," sabi ng isa sa kanila.
"Sandali, hahanapin ko muna ang mga kaibigan ko."
"Susunod naman sila, eh. Dito ka na sumakay, puno na sila sa isang truck at may mga dala silang bangkay."
Sinunod ko nalang sila at sumakay na ako. Sa lapag ako naupo dahil wala nang bakante. Umandar ang sasakyan at nahalata kong mabilis magmaneho ang driver nito.
Napa-isip ako sa sinabi niyang mga bangkay. Tinanggal ko ang negative thoughts sa aking utak. Alam kong buhay sila.
-
Pagkabalik naming sa kampo ay hindi pa nakakarating ang isang truck. Habang hinihintay ko ang pagdating ng aking mga kaibigan ay lalo akong kinakabahan.
Tumigil sa tapat ko ang isang truck at unang bumaba si Kapitan Francisco. Nagkatinginan kami at hindi maipinta ang kanyang muka. May mali ata.
Mabilis niya akong nilapitan at hinawakan niya nang mahigpit ang aking braso tsaka niya ako pilit na inilayo sa truck. Nasaktan ang braso ko at parang kinaladkad niya talaga ako.
"Santiago, didiretsuhin na kita. Patay na sina Herrerias, Gabriel at Diego."
Muli kong naramdaman ang matinding sakit. Mas masakit ito kaysa sa unang beses. Nanghina ako at bigla nalang akong napaupo sa sahig. Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking muka tsaka ako umiyak. "Hindi...hindi ito maaari...nandito ako para iligtas sila...anong nangyari?...saan ako nagkamali?...." Ang simpleng pag-iyak ay napalita ng hagulhol.
Naramdaman ko ang mga kamay ni Kap Francisco sa aking magkabilaang tagiliran at sinubukan niya akong itayo. "Tiago, ginawa mo ang lahat ng kaya mo para iligtas sila, pero tandaan mo na hindi mo hawak ang kanilang kapalaran."
Napayakap na lang ako kay Kap Francisco. Hindi ako makapagsalita dahil alam ko na tama ang kanyang sinabi. Natauhan ako dahil sa simpleng pangungusap na nagmula sa kanyang bibig.
-
Nakatitig ako sa bonfire nang tabihan ako ni Miguel. Napansin ko lang siya nang kausapin niya ako.
"Santiago, nasabi ko na pala kina Jose at Juan ang nangyari sa pinsan nilang si Gabriel. Kasama nila ngayon si Kapitan at Isko. Kamusta ka na?"
Hindi na maalis ang tingin ko sa apoy. "Parang antagal ko nang hindi narinig ang tanong na 'yan...Hindi ko alam kung ayos lang ba ako, Miguel."
Naalala ko na ang bago si Miguel ay si Marcella ang huling nagtanong niyan sa akin. Naaalala ko ang lahat nung araw na yun. Imbes na mapangiti ako ay naiyak ako.
"Kaibigan..."
"Miguel, pasensya na pero kailangan ko munang mapag-isa." Tumayo ako at nagtungo sa tabing ilog kung saan walang makakakita sa akin.
-
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa damuhan, hanggang sa may nagtawag ng pangalan ko mula sa aking likuran. Tumayo ako at hinarap siya. Dahil din sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang pagatak ng luha ni Kapitan Francisco.
"Santiago, patawarin mo ako..."
"Kapitan, tinulungan niyo ako na iligtas sila at hindi mo kailangang-"
"Ako ang pumatay sa kanila." Parang tumigil ang aking sistema sa sinabi niya. "Ang alam ng karamihan ay binaril sila ng mga Hapon, pero ako talaga ang bumaril sa kanila. Isa pa, hindi ko talaga sinabi sa mga Heneral ng hukbo kung saan nagkuta ang mga Hapon."
"Paano mo ito nagawa?!" nagalit ako sa unang pagkakataon sa kanya. Hindi siya kaagad nakasagot kaya sinuntok ko siya ng malakas sa muka. Nawawalan na ako ng respeto sa kanya. Para sa akin ay isa na siyang traydor.
Hinawakan niya ang gilid ng kanyang labi na namamaga na. Tinignan niya ako at iba na ang nakita ko sa kanyang mga mata, galit at pagsisisi. "Alam mo, nung una palang ay hindi na ako sang-ayon sa mga balak mong pagligtas sa kanila...sa amin. Hindi ka isang Diyos! Hindi mo nakikita ang pwedeng mangyari kung...kung pilit mong binabago ang kapalaran ng isang tao. Pwedeng magbago ang lahat dahil lang sa isang pagkakamali, Tiago."
"Hindi ito isang pagkakamali!"
"Makinig ka! Hindi mo ba naisip na baka magbago ang hinaharap dahil may ginalaw o pinalitan ka sa nakaraan? 'Wag mong ilagay sa mga palad mo ang tadhana ng lahat, Santiago." Bumalik na ang kanyang normal na boses.
Naalala ko na nung unang beses akong napunta dito, sinabi ko sa sarili ko na kapag hindi ako nakabalik sa panahon ko ay hinding-hindi ko babaguhin ang mga pangyayari at mangyayari. Kinain ko pala ang mga yun. Dahil sa ayaw kong mawalan ng mga kaibigan, nagawa ko ang bagay na dapat hindi ko ginawa. Naalala ko din ang nabasa ko na dapat ay namatay si Adolf Hitler, pero nabuhay siya dahil iniligtas siya ng isang pari. Totoo nga talagang everything happens for a reason.
"Tama ka, Kapitan. Patawad..." Nabawasan ang pride ko at bumalik na ang respeto ko sa kanya.
"Santiago, may isa sana akong pakiusap sa'yo. Huwag mong sasabihin sa akin kung anong araw kami mamamatay."
"Masusunod po."
  Hindi ko na alam kung magtitiwala pa ba ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Pero, natitiyak kong hindi ko dapat pagkatiwalaan ang aking sarili.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now