Chapter 5

1.9K 72 3
                                    

"Salvacion, bumangon ka na diyan!" isang pamilyar na tinig ang nag-uutos sa akin. Half awake ako at siguro'y panaginip lang ito. Hanggang sa unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. At biglang nagwala ang adrenaline sa katawan ko nang makita ko sa paanan ko ang isang lalaki na dapat hindi ko na nakikita. Nagulat siya sa mabilis kong pagtayo mula sa kinahihigaan ko.

"Herrerias?!" Lumapit ako sa kanya. Anong ginagawa ng kaluluwa mo dito? Dito sa- Hindi. Hindi ito ang kwarto ko. Anong nangyari? Papaano? Bakit? Kinurot ko ang aking kamay at nakaramdam ako ng sakit. Naghanap ako ng orasan o relo sa paligid, meron sa isang pader. Hindi ito isang panaginip. Baka napaghalo ko lang ang nakaraan at imahinasyon.

"Sundan mo ako," sabi niya with a commanding voice.

"Saan?" nakaramdam ako ng takot dahil baka isama niya ako sa kawalan.

"Wag ka nang magtanong. Bilisan mo diyan para hindi tayo mahuli sa almusal mamaya. Ituturo ko ang tamang paghawak at paggamit ng baril," sabi niya tsaka nagumpisang maglakad palabas sa pintuan. Hindi ko siya agad sinundan dahil parang hindi ako makagalaw. Naaalala ko na ang araw na ito.

"Sandali lang, Herrerias," sabi ko ng malakas at napatigil siya sa paglakad. Nilingon niya ako at may pagtataka sa kanyang muka.

"Ano?"

"Hindi mo na ako kailangang turuan. Alam ko kung paano-"

"Akala ko ba...Hay, bahala ka. Puntahan nalang natin yung iba," tugon niya at muli ko siyang sinundan. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi dahil alam ko kung sino ang mga muli kong makikita. Habang naglalakad kami ay naisip ko na kailangan kong mag-act na parang wala akong alam.

-

Naabutan namin sina Kapitan Francisco, Andres at Diego malapit sa ilog at may mga pagkain na sila. Parang sasabog na ang dibdib ko dahil sobra ko silang na-miss. Gusto ko silang yakapin lahat.

Nagbatian kami ng magandang umaga at nilapitan ako ni Diego.

"Heto, Tiago, gatas ng kambing," ang alok ni Diego. Inabot niya sa akin ang tasa at ramdam kong medyo mainit ito.

Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya . Hindi ko na tinignan ang laman ng tasa at agad ko itong ininom. Napapikit ako at parang gusto kong sumuka. Huminga nalang ako ng malalim at inisip na sterilized at chilled milk yung ininom ko. Nakapag-provide pa ako ng libingan ng mga dead bacteria na ngayo'y nasa tiyan ko na.

Dahan-dahan kong nginuya ang tinapay na parang walang asukal or asin man lang. Tsaka ako uminom ng tubig na lasang kalawang.

"Halika, Tiago." Tinawag ako ni Kapitan Francisco pagkatapos kong kumain. "Kailangan mo ng mas maayos na gupit."

Nagtaka ako at hinawakan ko ang buhok ko. Shoulder length at parang magulo. So, as in naulit or bumalik ang lahat?

Tumango ako at ngumiti siya. "Wag kang mag-alala, nag-aral ako ng pang-gugupit mula sa mga Kano kaya maayos ako mang-gupit."

Habang ginugupitan ako ni Kap Francisco ay muli kong narinig ang debate nila ni Andres tungkol sa mga Amerikano. Nawala ang atensyon ko sa mga sinasabi nila dahil sa pag-iisip ko kung bakit at paano nangyari ang lahat ng ito. Inisip ko si Marcella at sina Mama, Daddy at Charlie. Magtataka na naman sila kung bakit nawala ulit ako na wala man lang paalam.

Nagpasalamat ako kay Kapitan Francisco nang matapos. Kunwari ay hindi ko alam at Tinanong ko kung saan ang paliguan at binigyan niya ako ng direksyon. Binagalan kong gumalaw dahil kilala ko kung sino ang sunod kong makikita.

Pa-alis ako nang biglang dumating si Miguel. May binigay siya sa aking color light brown na uniporme ng sundalo. "Malinis iyan at hindi galing sa yumaong sundalo."

"Sa...salamat...Miguel..."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at nagmadali akong naglakad papalayo sa kanila. Sa bawat yabag ng paa ko ay siyang pagpatak ng mga luha kong kanina ko pa kinikimkim. Nananabik ako na muli silang makita pero hindi sa ganitong paraan. Ang sakit sa damdamin na kailangan kong magpanggap...pero mas masakit na muli ko matutunghayan ang kanilang pagkamatay. Unless, kung pipigilan ko ito.

-

Binitbit ko pabalik ang aking university uniform at habang naglalakad ako ay di mawala sa isipan ko kung bakit wala ang kwintas ni Marcella. Nakakapagtaka dahil iyon lang ang kulang sa pagbabalik ko dito.

"Santiago, muka ka na talagang isang Pilipinong gerilya," ang bungad sa akin ni Diego.

"Talaga ba? Gusto ko sanang magmukang heneral, eh," biro ko. Pero hindi siya nag-react at tumango lang.

"Oo, alam ko, hindi yun mangyayari," pagpapatuloy ko at parang nagulat siya sa sinabi ko.

Nilapitan kami ni Miguel at kinuha mula sa akin ang maruming damit ko at sinabi niyang siya na bahala rito. Pumunta siya sa mga grupo ng mga nagkwe-kwentuhang mga matatandang babae at inabot ito sa isang babae at may binulong. Alam kong ipapatago niya ang mga damit ko.

Pagkatapos ay umupo kaming tatlo sa isang upuang kahoy na mahaba. Sa gitna si Miguel, sa kanan si Diego at ako naman sa kaliwa. Tahimik kaming nagmamasid sa paligid nang may dumaang babae na naka-baro't saya.

Huminga ng malalim si Diego at nagsalita. " Naaalala ko yung mga parada ng mga nag-gagandahang mga dilag na nakasuot ng engrandeng baro't saya, naaalala ko din ang ganda ng kalye ng mayamang Escolta..."

"Nasasabik na ang lalamunan ko sa pagkain ng tsokolate at Coca-Cola," dagdag ni Miguel.

"Mas gugustuhin kong matikman muli ang serbesa, Miguel," natatawang sabi ni Diego.

"Uhmm," sumingit ako sa pag-uusap nila. "Paano kung malalaman niyo na ito na pala ang huling araw niyo, ano ang gagawin niyo?" tanong ko sa kanila at tinignan nila ako. Hindi ko maintindihan ang reaksyon sa kanilang mga muka.

Unang sumagot si Diego. "Siguro...hmmm...aaminin ko kay Catalina na mahal ko na siya bata palang kami."

"Eh, ba't di ka na umamin sa kanya ngayon? Sundalo ka na, Diego, at kahit anong oras ay pwede kang barilin. Nasaan ba siya?" tanong ni Miguel.

"Nasa tabi-tabi," ang malungkot na sagot ni Diego.

"Habang hindi pa huli ang lahat, sabihin mo na kay-"

"Huli na ang lahat. Kasal na siya," sambit ni Diego at yumuko.

Medyo nagalit ako nang hindi ko alam. "Kanino ba siya nagpakasal?!" Tinignan ako ni Miguel nang may pagtataka at nanatiling nakayuko si Diego.

Hindi na nakasagot si Diego nang lapitan kami ng naghihingalong si Gabriel. Alam ko na kung ano ang mga susunod na mangyayari. At kailangan ko nang mag-isip kung paano ko maliligtas si Diego mula sa kamatayan.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora