Chapter 36

1.3K 58 10
                                    

(James Salvacion's POV)

Sino ba talaga ako? Nang matapos kong basahin ang nasa notebook, lalo akong naguluhan. Hindi ko na alam ang mga nangyayari...ang nangyari.

Oo, napaka-imposible na magkaroon ako ng dalawang katauhan. Paano at bakit nangyari ang ganito?

Lalong nadurog ang puso ko sa aking nabasa. Napaka-unfair ng mundo. Ramdam na ramdam ko ang saya at lungkot ng kanyang kwento...na sa tingin ko ay kwento ko na din.

-

Pagkapasok namin ni Dr. Cuares sa kanyang clinic, agad akong umupo sa sofa na nasa gilid. Yakap-yakap ko ang notebook at nakayuko lang ako. Unti-unting namasa ang aking mga matang pagod na.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan, hanggang sa may inilapag si Dr. Cuares na luma at kinakalawang na lata ng biscuit sa aking tabi.

"Nandiyan ang mga litrato niya," mahinahon niyang sabi. Nagpaalam muna siya saglit at lumabas.

Inilapag ko ang notebook sa maliit na lamesa sa tabi ng sofa, kinuha ang lata at binuksan ito.

Punong-puno ito ng mga lumang litrato. Una kong nakita ang isang portrait ng binata. Kinuha ko ito at tinitigan. Ako ang nasa litrato...si Santiago. Nakasulat sa likod ang "1950, Santiago Castañeda."

Nakita ko rin ang mga litrato ng mag-asawang Castañeda kasama ang isang ako at ang isang batang babae...si Elena. Meron ding mga pictures ng sinaunang jeeps, kotse at ang ilang lugar sa Maynila. Ang mga sumunod na litrato ay nagkaroon na ng kulay. Nakita ko ang mga litrato kasama sina Grace, Jerry at ilang tao na nakasama sa kanyang kwento. Madami din ang mga solong pictures ng mga iba't ibang tao, sa likod ng bawat isang litrato ay iisa lang ang sinasabi, "Take this photo as a remembrance from me", tsaka ang pangalan nila at date kung kailan ito binigay o kinuhanan.

Ang huling litrato na nasa loob ng lata ay ang matandang Santiago. Hindi ko na ito tinignan pang mabuti, sapat na ang kanyang mga misteryosong mata. Binalik ko ang mga litrato at tinakpan ito.

Totoo nga ang lahat. Ngayon na nakita ko na ang kanilang mga muka, nakaramdam ako ng pagka-miss na hindi ko maipaliwanag at hindi maintindihan. Yung sobrang pagka-miss sa isang bagay na hindi dapat sa akin. Para akong nasa malayo at sabik na sabik nang makauwi.

-

(Dr. Cuares' POV)

Naabutan kong tulog si James sa sofa. Kinuha ko ang lata at notebook na nasa lamesa, inilagay ko ang mga ito sa isang itim na back pack kasama ng mga files ni James...maski ang sariling kwento ni James Salvacion tungkol sa una niyang pagpunta sa ibang panahon.

Kinuha ko ang aking phone at muling lumabas. Nasa gilid ako ng hallway malapit lang sa pintuan. Huminga ako nang malalim at nilakasan ko ang aking loob. Tinawagan ko ang aking Mama na nasa probinsya at agad naman niya itong sinagot.

"Ma, kamusta si Lola Elena?" agad kong tanong.

Hindi nagsasalita si Mama pero naririnig ko ang kanyang pag-iyak. Kailangan ko nang umuwi sa probinsya...at isasama ko si James.

-

(James Salvacion's POV)

Kahit nagda-dalawang isip ako, pumayag ako na sumama kay Dr. Cuares. Hindi ko na inisip kung ano ang magiging reaction ng mga kamag-anak niya kapag nakita nila ako.

Medyo naging maganda ang aking gising kinabukasan. Hindi na ako nakaag-paalam kina Mama at Daddy, pero alam ni Charlie na may pupuntahan ako.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now