Chapter 17

1.2K 62 1
                                    

Nagising ako sa isang kwarto na maaliwalas. Ang nagpapaliwanag sa kwarto ay ang liwanag ng araw mula sa bintana. Nakaramdam ako ng lamig pero, ramdam ko din ang malagkit kong pawis. Hindi maganda ang pakiramdam ko at parang mabigat ang aking katawan. Napa-hawak ako sa aking noo at may nakapa akong basang towel. Hinawakan ko ang aking leeg at ramdam ko ang init ng aking balat. Nilalagnat ako...

Halos dumilim ang paningin ko nang pinilit kong umupo sa kama. Nanginginig ako kaya hindi ko na pinulot ang nahulog na towel mula sa noo ko. Huminga ako nang malalim at ipinikit ko ang mga mata kong medyo mahapdi.

Nang medyo nawala ang panginginig ng aking katawan ay tumayo ako at nilapitan ko ang bintanang nakabukas. May mga natatanaw akong ilang bahay kubo at halos lahat na ay bukid at mga puno. Napagtanto ko din na hapon na.

Lumabas ako ng kwarto at una kong napansin ang katapat na kwarto, sa left side ko ay may hagdanan. Kahoy lahat at halata ang mga gasgas sa dating polished walls and floor.

Bumaba ako nang dahan-dahan sa hagdan at napunta ako sa isang sala. May mga mahahabang upuan na gawa sa kahoy at rattan, may maliit na lamesa sa gitna at ilang furniture na nakikita ko lang sa mga ancestral houses.

Naka-agaw ng aking pansin ang mga pagkain na nasa ibabaw ng maliit na mesa na nasa isang sulok. Agad ko itong nilapitan at natakam ako sa platito ng kakanin, saging, isang nilagang manok at isang tasa ng tubig. Uumpisahan ko na sanang kainin ang lahat ng ito nang may sumigaw na lalaki na aking ikinagulat.

"Huwag mong kainin 'yan!"

Agad akong kinabahan kaya nilingon ko siya. Sa tapat ng bukas na pintuan ay nakatayo ang isa sa mga tumulong sa akin malapit sa bangin. Mabilis siyang naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

"Pasensya na po, gutom na talaga ako," pagkasabi ko ay napahawak ako sa aking tiyan.

"May pagkain sa kusina. Ang nakahain diyan ay alay sa mga patay."

Nagulat ako sa sinabi niya. "HA?! Hindi ko alam na-"

"Kaya nga may nasindihang kandila diyan, eh."

Dahil siguro sa sobrang gutom, hindi ko na napansin ang nakatirik na kandila.

"Halika, dun tayo sa kusina."

Malapit na kami sa may dining area nang may mapansin akong family portrait na nakasabit sa dingding sa kaliwang bahagi. Tumigil ako sa tapat nito at tinignan kong mabuti ang black and white na litrato.

Napatingin din si Manong Luis sa litrato. "Sila ang tunay na nakatira dito. 'Yang dalawang nakaupo ay sina Don Martin Castañeda at ang asawa niyang si Doña Cresencia, ang nakatayo sa tabi ni Don Martin ay ang panganay nilang anak na si Arturo, ang katabi naman ni Doña Cresencia ay si Felicidad at ang nakaupo sa paanan ni Don Martin ay ang bunsong si Anghelo. Namatay si Anghelo ilang araw matapos silang magpa-litrato dahil sa malaria...pitong taong gulang lang siya."

"Nasaan po sila ngayon?" tanong ko at napatingin kay Manong Luis.

"Nasa simbahan sa bayan sina Don Martin at ang asawa niya. Si Felicidad ay napatay sa unang taon ng digmaan at si Arturo naman ay nakipaglaban pero ngayon hindi namin alam kung nasaan siya. Hindi na umaasa sina Don Martin na muling babalik ang anak nila dahil ilang taong na ang nakalilipas na wala silang balita tungkol sa kanya...at siguro'y nasali siya sa mga inilibing ng mga Hapon."

"Sobra sigurong nalungkot ang mga magulang nila..."

Huminga nang malalim ang katabi ko. "Walang magulang ang dapat maglibing sa kanyang anak."

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now