Chapter 19

1.1K 57 3
                                    

Hirap man sa una, nasasanay na kami ni Elena sa buhay dito sa barrio. Dahil sa walang linya ng kuryente dito, walang source of entertainment. Ang mga bata dito ay naglalaro ng putik o buhangin, dahon ng mga halaman, at kahit ano sa tabi na pwedeng gawing laruan. Minsan ay naglalaro sila sa malaking kumpol ng dayami tsaka maliligo sa ilog. Nakita ko kung gano ka-simple ang buhay ng mga kabataan ngayon...simple pero, masaya.

"Kuya, kausapin ka daw ni Tatang!" sigaw ni Elena mula sa ibaba. Itinigil ko ang pagtutupi ng damit at bumaba.

Si Elena lang ang nakita ko sa sala. "Nasaan si Tatang?"

"Bumalik sa kusina."

Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Tatang na naghihiwa ng kalabasa. "Tatang, bakit po?"

"Tiago, maaga kang gumising bukas. Sumama ka kina Luis sa bukid," sabi niya nang hindi tumitigil sa kanyang ginagawa.

"Saan po?!"

"Sa bukid."

"Ano pong gagawin namin doon?"

Itinigil niya ang paghihiwa at tinignan ako. "Alam mo ba na ang mga ginagawa mo dito sa bahay ay gawain ng mga babae?"

"Eh, kayo nga po ngayon-"

"Ako lang ang taga-hiwa...baka masugatan si Nanang mo," patawang sabi ni Tatang. "Magtatanim kayo ng palay bukas."

"A..a...ano po?"

"Huwag na huwag kang pumirmi sa gawaing bahay, Tiago."

"Ito lang po ang kaya kong gawin sa ngayon...at hindi po ako marunong magsaka at hindi pa ako nakakatapak sa putikan."

"Nakatapak ka na ba sa pilapil?"

"Ano yun?"

-

Naawa ako sa walang sapin kong mga paa at ngayon kailangan ko itong itapak sa pilapil na rice paddies pala. Hindi ito ang ine-expect kong pilapil na super madulas, may mga tumubong mga damo dito at halos hindi ko ramdam na tumigas na putik ang aking dinadaanan. Napapa-aray lang ako sa mga natatapakan kong makahiya or something.

Pagkarating namin sa isang punong kahoy na nasa gitna ng maluwang na rice field ay agad akong naghugas sa narrow na ilog malapit dito.

"Tiago, marugtan kan tu met lang madamdama!" sabi ng isa sa mga kasama naming magsasaka maya-maya. Tumawa ang iba dahil sa sinabi niya. Pinagsasabi niya?

-

Nakatayo ako sa pilapil at inabutan ako ni Manong Luis ng isang bundle ng green grass.

"Tara na sa linya."

Tumango ako pero, hindi ako makagalaw. Pinanood ko siyang tumapak sa napaka-muddy na pagtataniman namin ng palay. "Halika na!"

Tumapak ako at ramdam ko na medyo mainit ang tubig ng maputik na bukid na ito. Half of my legs were buried. Tinitigan kong mabuti ang inaapakan ko at may mga nakita akong maliliit na itim na shells. Ito ba ang tinatawag nila na kohol?

Nasa pinakagilid ako at katabi ko si Manong Luis. Ilang sandali pa ay may isang lalaki na may dalang lumang gitara ang pumagitna sa linya. Tinignan ako ni Manong Luis at sinabi niya na dapat sabayan ko sa pagtanim ang bawat kumpas ng gitara.

Santiago (Sequel of Stuck in 1945)Where stories live. Discover now