Prologue

1.7K 46 1
                                    


Palinga-linga ang batang si Mary Dave at pilit hinahagilap ng mga mata ang mga kasama. Sa sobrang pagka-aliw ay hindi na niya namalayan na wala na pala sa tabi niya ang mga magulang.

Naglakad siya patungo sa ibang parte. Nasa loob siya ng isang malaking gusali. Binilhan kasi siya ng maagang regalo ng ama't ina dahil sa karangalang natanggap niya sa paaralan.

Isiniksik niya ang sarili sa kumpol ng mga tao, nagbabaka-sakaling makita ang hinahanap. Bumungad sa kanya ang isang palaro. Sumali siya at nagpatuloy sa pag-aliw sa sarili. Nakalimutan ang mga magulang hanggang sa mabilis lumipas ang oras at gumabi.

"Mama... Papa..." sambit niya, muling naglakad-lakad.

Nakita ni Mary Dave ang pintuang pinasukan nila kanina. Lumabas siya, iniisip na baka naghihintay ang mga magulang sa labas gaya ng tuwina'y sinusundo siya ng mga ito sa paaralan. Tumuloy siya sa pasakayan at tiningnan ang bawat taong lulan ng mga traysikel na nakaparada subalit bigo siya.

Mangiyak-ngiyak na napa-upo siya sa hagdan ng mall, nakapangalumbaba habang patuloy pa rin sa paglumikot ang mga mata. Napatayo siya nang makita pamilyar na pigura.

"Papa!" tawag niya habang mabilis ang takbo para makahabol.

Nasa kalagitnaan siya ng kalye nang mawala sa paningin niya ama. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Gabi na, mas maraming taong naglalakad at nagsisipag-uwian mula sa pamimili.

Nang hindi na ito makita ay gusto niya na namang maiyak.

"Mama, papa, saan na ba kayo?" Bago pa man tumulo ang mga luha sa mga mata ay mabilis niya itong pinahid. "Mad, kaya mo 'to. Girls scout ka, di'ba?" paka-usap niya sa sarili. "Ano ba ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon?"

Sa murang edad ay may katalinuhang taglay si Maria Dave. Aktibo rin siya sa mga aktibidades ng paaralan kaya masasabing angat ang kanyang kakayanan kumpara sa mga batang kasing-edad niya.

Nag-bilang siya ng sampu at saka humugot ng hininga. Saglit na nag-isip at nakangiting hinarap ang dagok na ibinigay sa kanya.

"Pulis. Kailangan kong makahanap ng pulis na pwede kong malapitan. Sila ang pwedeng magdala sa'kin kay Mama at Papa."

Muli siyang naglakad. Napapalayo na siya sa gusaling pinagmulan subalit hindi niya iyon alintana. Kapag nakahanap siya ng pulis, sasabihin niya kung saan siya nakatira at maihahatid na siya. Isa iyon sa trabaho ng mga ito. Ang ihatid ng ligtas ang mga nawawalang bata na gaya niya.

Napahinto si Mary Dave nang may dalawang lalaking humarang sa daraanan niya. Pulang-pula ang mata ng mga ito habang nakatitig sa kanya. Nagpasintabi siya subalit hindi siya hinayaan ng mga ito na makaraan. Kinabahan siya nang ngumisi ang dalawa. Mabilis na nag-isip siya kung ano ang nararapat na gawin.

"Tumakbo," aniya sa isip. "Kailangan kong tumakbo. Isa... dalawa... tatlo."

Pagtalikod niya sa mga ito ay hindi na niya naisagawa ang balak nang mabunggo siya sa isang katawan. At napag-alaman niyang kasama ng dalawa ang taong iyon dahil sabay-sabay pang tumawa ang mga ito.

"Halika rito," ani ng isa at binuhat siya na parang sako.

"Huwag!" tili niya subalit tinakpan ng isa pa ang bibig niya samantalang ang isa ay nagpalinga-linga, marahil tinitingnan kung may makakakita sila.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now