Chapter 13

780 31 0
                                    


"Stop staring, Drax."

Iniiwas ni Mad ang paningin at tinanaw ang kagandahan ng Zemlya Khrabrykh. Kasama nila ang mag-asawa kanina pero iniwan na sila dahil may gagawin. Nasa paboritong tambayan sila ng empress at sa durasyon na nasa paligid ang emperador, pinanatili niyang tikom ang bibig at hinayaan ang mga itong magsalita dahil wala naman siyang naiintindihan at tiyak walang maiintindihan kung ano man ang topiko ng mga ito, na malamang ay patungkol sa bansa. But Drax was being gentleman to translate everything that she really appreciated.

Ayon sa sinabi ni Bana, hindi malaki ang bansa na binubuo ng tatlong isla. Isa na ang airport na siyempre, walang tumitira. The island where the castle is located consists of three cities. Pero dahil nasa napakataas na party ang palasyo, makikita ang kabuuan ng bansa maliban na lang kung may sira sa mata ang tatanaw. At ang isa pang isla, wala itong sinabi.

"Tantanan mo sabi ako, Drax," sabi ni Mad at nakasimangot na binalingan ito. Pwede siyang magkamali sa inakala pero talagang tinititigan pa rin siya nito.

"The dress suits you, Maria Dave," Drax said smiling, still didn't move away his eyes and even stared at her intently. He was so pleased that made her uneasy. "Para kang nag-co-cosplay gaya nong nasa magazine."

"Magazine?"

"I saw it in Mama Ran's house. May kopya akong nakita."

"At kailan ka pa naki-mama sa Mama Ran ko?"

"I asked her and she is fine with it." His smile became broader. "I like her."

Her eyebrows arched. "She's married."

Natawa ito. "Yeah. Lucky guy. At gusto ko siya bilang mama. Hindi 'yang gaya nang nasa isip mo."

"Wala akong iniisip." Napabusangot siya. "Drax, hindi mo ba ako naiintindihan? Tigilan mo sabi ako kakatitig ng ganyan."

"I can't."

"And you're staring at my legs for too long!" malakas ang boses na reklamo niya. Naka-upo ito samantalang nakatayo siya. At nahuli niya talagang bumaba ang tingin nito sa mga binti niya.

"You have a pair of wonderful legs, Maria Dave," he boldly complimented.

Dahil hindi naman talaga sanay si Mad na pinupuri at hayagang sinasabihan ng mga salitang dayuhan sa bokabularyo niya, normal na ba na bumilis ang tibok ng puso niya? Hindi siya kinakabahan. She wasn't threaten as well. But her heart was in a race.

"Magpa-opera ka at ipagaya ang legs ko sa legs mo. Hindi na ako magpapabayad ng fee," puno ng sarkasmong sabi niya at naupo sa kabilang banda paharap dito.

Drax laughed. "Sigurado akong nakakasuka ang itsura ko kapag ginawa ko iyon." Naalis nga ang mga mata nito sa legs niya pero mukha niya naman ang napagdiskitahan. Kaya itinuon niya na lang ang paningin sa malayo. "Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nag-mo-modelo ka pala. Ibang-iba ka roon kumpara sa Maria Dave na nakilala ko sa Isla Himaya."

"It's a payment for someone's blackmail. Natural na mag-iiba ang awra ko roon," walang buhay na tugon ni Mad.

"Tell me. Gusto kong marinig paano ka na-blackmail? Is it between life and death? Is it... just like our situation?"

"I'm pretty sure if I said no, my Tita Lex won't dare to lay a finger on me." Lumunok siya at humugot ng hininga. Isa pa iyon sa mga dapat niyang bantayan. Ang makapagbitiw ng hindi magagandang salita kay Drax. "No. Sinubukan niya lang talagang ubusin ang pasensya ko hanggang sa sumabog ako dahil napakadali sa kanyang gawin iyon. She showed me a photo while doing a helping-hand in a community."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now