Chapter 20

775 25 2
                                    


"Pinabibigay ni Master Drax."

Wala sa sariling tinanggap ni Mad ang pumpon ng iba't-ibang klase ng bulaklak na inabot ni Bana. Nang bigyan niya ito ng nagtatanong na tingin ay ngumiti lang ito at isinara ang pinto. She took the card that's in it.

"Meet me at the Emperor's haven."- Drax

"Ano na naman ang trip ng isang 'yon?"

She smelled the flowers and smiled. Unang beses siyang nakatanggap ng bulaklak sa tanang buhay niya. Iyon pala ang pakiramdam. Parang wala lang pero makulay ang dating dahil sa bulaklak.

Dahil naka-pantulog na si Mad ay nagbihis siya ulit. Kadarating lang nila kanina sa Zemlya Khrabrykh kaya pipiliin niya sanang maagang magpahinga. But hanging out with Drax isn't bad either. Napuna niya ang kakaibang mood nito kahapon nang e-meet nila si Kazuki at baka kailangan nito ng kausap.

She went out. Pagkarating sa haven ng emperador ay napansin niyang medyo madilim ang paligid.

"Drax?" tawag niya.

A wonderful melody filled the place. Kaya agad natuon ang mga mata niya sa pinakagitnang bahagi. Then there he is- Drax and his dancing fingers on the keys.

May ngiti sa labing pinanood ni Mad ang binata. Unti-unting lumiwanag ang paligid at nakita niya ang maamong mukha nito habang pinapatugtog ang piano. Mali si Yuliya nang sabihin nitong walang interes si Drax sa anumang bagay. Because seeing and listening to him now, playing soulfully that reached her know-nothing-when-it-comes-music heart... Dalang-dala siya at hindi maiwaglit ang mga mata rito. Nakatuon ang lahat ng senses niya sa tanging taong nandoon at sa musika nito.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya nang matapos ito. Tumayo si Drax at tumingin sa kanya. Ang una niyang napansin ay ang kakaibang itsura nito at dating.

Is it the new haircut? The prince uniform? tanong niya sa isip. His gaze? His smile? Hindi siya sigurado. Basta ang gwapo nito ngayon na mas nagpapakabog nang husto sa puso niyang hindi na naging normal ang tibok mula nang magkakilala sila.

Drax walked slowly towards him. Something inside Mad urged her to run. But what for? Kinakabahan siya na hindi niya mawari kung bakit pero hindi naman siya natatakot. She stopped thinking when he stopped, standing in front of her still not leaving her eyes alone.

"Maria Dave..." magiliw nitong banggit sa pangalan niya. Pati pagkakasabi nito, kakaiba!

Ano ba ang nangyayari at may kakaibang ganap na hindi ko alam?! "Ba-bakit?"

"Nagustuhan mo ba 'yong mga bulaklak?"

"Ahh... yes? Napangiti nila ako."

"Mabuti naman." Umangat ang kamay nito at idinantay sa pisngi niya. His thumb caressed her cheek. Muntik na siyang mapapikit sa kaingatan ng kamay nito. "You never seize to look more beautiful than yesterday, Maria Dave."

Another hard thumped from her chest. Lumunok siya. "Drax?"

"Yes?"

"What's happening? Pinapakaba mo ako. You're acting weird."

Natawa ito. "Are you worried?"

"Oo." Pero hindi naman siya rito nababahala. Kundi sa sarili niyang bubulagta na yata anumang oras dahil sa tindi ng reaksyon ng puso niya.

"Then I'll stop running around the bush."

Nasundan na lang ito ni Mad ng tingin nang iluhod nito ang isang tuhod. From his pocket, he took out a small velvet box. Her mind ran somewhere.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now