Chapter 16

781 29 0
                                    


Napabalikwas ng bangon si Mad. Sinulyapan niya ang orasan. Ala una ng madaling araw. Humugot siya ng malalim na hininga. Mariin siyang pumikit at agad napamulat nang ma-picture out sa balintataw niya ang naturang pagkain. Her stomach growled. Her mouth drooled and she couldn't stand it any longer.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at lumabas. Hindi pa man siya nakaka-isang hakbang, napahinto na siya at napatitig sa taong nakaupo sa sahig, nakasandal ang likuran sa dingding at payapang natutulog.

Nakangiting napailing siya. Nag-indian seat siya at pinagmasdan ang mukha ni Drax. He looked tired she wondered what he did. Tatlong araw na silang hindi nagkikita mula nang nagka-buwanang-dalaw siya. Sinabi ni Empress Yuliya na hindi niya kailangang gumalaw at mag-aral kapag nagkakaroon siya. Dahil hindi iyon komportable at kailangan ng katawan niya ng pahinga.

"Bakit ba ang kulit mo?" mahinang tanong niya. Iniikot niya ang paningin sa paligid. Walang katao-tao. Mukhang pinaalis nito lahat. Marahan niya itong tinapik-tapik sa balikat. "Drax, gising na. Bumalik ka na sa kwarto mo."

He moved but didn't open his eyes. "Hmm..."

Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito. "Drax, gising na." Unti-unti itong nagmulat. His light brown eyes looked at her lazily. Napangiti siya lalo. "Gising na. Lumipat ka na sa kwarto mo."

Imbes na sumagot, hinawakan ni Drax ang kamay niya at marahan siyang hinila. Mad landed on his lap. Nahigit niya ang hininga nang gumalaw ang mga braso nito payakap sa baywang niya. He buried his face on her neck.

"Bakit ngayon ka lang lumabas?" nagtatampong tanong nito.

She tried to calm herself. Gusto niyang isiping nananaginip lang ito pero nararamdaman niya ang mahaba nitong pilikmata sa leeg niya tuwing kumukurap ito. "Drax, umayos ka-"

"I miss you, Maria Dave. Hindi pa ba tapos ang period mo?"

Sa kabila nang pagwawala ng laman-loob niya ay natawa siya. "Hindi pa. Kaya bitiwan mo ako dahil baka marumihan kita. At ang baho ko," aniya kahit naligo naman. Iyon ang pakiramdam niya tuwing may dalaw siya.

He loudly smelled her. Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan nang maramdaman ang mainit nitong hininga. "You're not. Mabango ka pa rin."

Hindi na alam ni Mad ano ang sasabihin. Hindi rin gumagana ang isip niya at nabla-blangko sa lakas ng kabog ng puso niya.

"Is it already morning?" Tiningnan siya ni Drax sa mukha at napangiti. "Ang sabi ni Bana, kapag may dalaw kayo, nasa stage kayo na ang pangit niyo. Kaya ka raw nagkukulong. Hindi naman. Ang ganda mo pa rin."

"Hindi ako nagkukulong dahil pangit ako ngayon. Kundi parang sinasaksak ang puson ko sa sobrang sakit. I was having cramps for the last days. Kaya nagpahinga ako."

Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Ganoon katindi?"

Tumango siya. "Normal naman iyon."

"Do you want a pill? Any pain reliever?"

Umiling siya. "Hindi ako mahilig sa gamot. Pero nagugutom ako. May gusto akong kainin." Naglaway na naman siya. "Saan ang kusina?"

"You don't need to move." Pinatayo siya nito. He stood up as well. "Mag-uutos ako ng magluluto. Ano ang gusto mong kainin?"

Umiling siya. "Gusto ko ako ang magluto."

"Pero masama ang pakiramdam mo."

"Gusto kong ako ang magluto, Drax," she insisted. "Na-mi-miss ko na ang kutsilyo, sandok, at lahat ng kaulayaw ko sa kusina. Sige na." She held his hand and swung it side by side.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now