Chapter 18

745 25 2
                                    


"Kumain ka na ba, Drax?"

"Hindi pa."

Gumalaw si Mad para e-on ang maliit na lamp na nakadikit sa dingding. Nang balingan niya si Drax, nakangiti ito pero maaaninag ang pag-aalala sa mga mata nito. She wiped the remaining tears in her eyes and took a deep breath.

"Okay na ako. Salamat." Muli siyang tumabi rito. Nang idantay nito ang braso sa balikat niya ay kusang gumalaw ang ulo niya para ihilig dito. "Pasensya ka na. Nag-dra-drama ako."

"Bakit mo ihihingi ng pasensya ang kalungkutan mo?" tanong nito ni Drax. "You shouldn't, Maria Dave. Normal iyan dahil tao ka."

"Naaabala kasi kita."

"Ako naman ang dahilan kung bakit nararanasan mo iyan."

"Pero wala akong balak na ipamukha sa iyo iyon, Drax. Sadyang, hindi ko lang kayang lumabas at magpanggap na okay lang ako sa harapan ninyo kahit sa loob ay hindi. Minsan lang ako nakakaramdam ng ganito kaya hindi ko nakokontrola ang mga luha ko."

"Tears are there to fall and make you feel better. Kasi kapag kinimkim mo, mas masasaktan ka. That's why, every time you want to cry, just cry. It's okay to hide but don't stop it. Hindi iyan ipinagbabawal sa iyo."

Tiningnan ito ni Mad sa mukha. Ang inakala niyang aabutin ng magdamagang pag-iyak ay nauwi sa halos isang oras lang mula nang pumasok si Drax sa kwarto niya. She didn't want anyone to disturb or know her loneliness that moment. Ang kaso, kusang bumuka ang bibig niya at nagsalita para ipaalam dito na nalulungkot siya.

Gusto niyang kastiguhin ito dahil ayaw nitong umalis at iwan siyang mag-isa. But now, she was thankful he didn't. Dahil ramdam na ramdam niyang may kasama siya ng mga oras na iyon. Hindi nga siya nito bibitawan gaya nang pangako nito.

"You're so gentle," ani Mad at sinalat ng hintuturo ang pisngi nito. "Parati mo na lang akong pinapa-konsensya sa mga ginagawa ko at ikaw itong naaapektuhan."

Nabahala ito. "Maria Dave, I didn't mean to-"

"I know. Pero kapag sobra na, sawayin mo naman ako, Drax. Huwag mo ako masyadong konsentihin dahil nasasanay na ako."

"I am here to pamper you, to make you feel comfortable. Iyon lang ang magagawa ko."

"Your presence is enough." Namilog ang mga mata nito. She smiled; her heart was melting because of his gentleness. "Sabihin mo sa'kin kapag hindi pwede 'yong mga gusto kong gawin. Susubukan ko namang mag-adjust. Kapag hindi ko kaya, sasabihin ko naman sa'yo."

"Hindi ka na maglilihim? Gaya nang pagkukulong mo rito?"

"Hinanap kita kanina," pag-amin niya. "Kaso may pinapagawa raw ang emperador sa'yo. Kaya hindi na kita inabala."

"You mean..."

She nodded. "I needed a diversion. Kung kailan naman kailangan ko ang pangungulit mo, saka ka naman hindi available. But I understand. May mga dapat ka ring pag-aralan at-" Kinabig siya nito at niyakap.

"I'll tell them next time that no matter what I'm doing, kapag hinanap mo ako ay dapat ipasabi sa'kin."

"Drax, kasasabi ko lang na-"

"No, Maria Dave. Hindi pwedeng wala ako kapag kailangan mo ako. You are more important than anything," may kumbiksyon nitong sabi. "Call me anytime and I'll be there as fast as I can."

"Okay."

Iyon na lang ang tanging masasabi ni Mad. Drax is too stubborn, too gentle, and too sweet for her to say no. Nakakahiya nang tumanggi kung ang benepisyaryo ay siya.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon