Chapter 32

585 25 1
                                    


"Anak, hindi masama ang ilang araw na humilata ka lang pero nakakasama ang hindi kumain."

Pagkalapag ng tray sa side table ay lumabas din agad ng kwarto ang ina ni Mad. Dahan-dahan siyang bumangon at mabilis na inubos ang kanin at ginisang gulay saka bumalik sa pagkakahiga. She stared blankly at the ceiling. Kung gaano ka-blangko ang isip niya ay ganoon din ang nararamdaman niya. She's like a breathing hole.

According to the book of Paanong Mag-move On, it is called numbness. Kapag sobra at halo-halong emosyon ang nararamdaman mo at wala ka nang naiintindihan, kusang nag-shu-shutdown ang lahat at sa huli ay namamanhid ka na. And that's what happening to her.

Sinagot ni Mad ang tumutunog na cellphone. "Hello?"

"Maria Dave, kumain ka na?" tanong ni Jared.

"Inubos ko na ang dinala ni Mama."

Bumuntong-hininga ito. "Mabuti. Akala ko hindi na naman."

"Kumakain ako, Kuya."

"Ng ano? Ng hangin o 'di kaya ay isa, dalawa, o tatlong subo?"

"I'm good. Don't worry."

"Ayusin mo na 'yang sarili mo."

Pagkatapos ng tawag ay bumalik lang siya sa ginagawa. She wanted to think. Pero daig pa niya ang nagka-amnesia na hindi alam kung saan magsisimulang mag-isip.

Nakasisiguro na si Mad na walang masamang mangyayari kay Shana. Ran assured her. Mula mismo kay Emperor Arkady at Empress Yuliya ang mga salitang iyon. Her friends as well made sure, especially Aiea, that everything turned out fine and no one is in danger. Kaya nabunot na ang malaking tinik sa puso niya mula nang malamang ang kaibigan niya si Ivanka Arshavin.

Aside from about Shana's condition, wala na siyang ibang balita sa kahit na sino kasama na si Drax. Hindi rin siya nagtanong. Hindi rin siya nito kinontak. Umalis siya ng mansyon ni Hayami Yatsunaga nang araw rin na iyon at nagpahatid kay Jared sa Pangasinan. Limang araw na siyang naglulungga sa bahay ng mga magulang niya at walang ibang ginawa kundi huminga.

Naihilamos ni Mad ang mga palad sa mukha. Kailangan na niyang kumilos. Hindi pwedeng magtago siya habang-buhay at hindi harapin si Drax. Sa totoo lang, kahit siya hindi malaman ang gagawin kung alin sa mga nararamdaman niya ang susundin.

She's mad, disappointed, and hate him. Pero sa kabilang banda, naaawa at naiintindihan niya ang asawa. He's hurting too and she doesn't want to cause him more pain. Kaya hindi pa siya nagpapakita dahil kailangan niyang e-compose ang sarili. Hindi siya magaling sa larangan ng pagkalma kaya kailangan niya ng panahon. She's so torn in between her head is going to explode out of emptiness any moment.

"Buti naman at inubos mo," sabi ng papa niya saka kinuha ang wala nang lamang tray at pinalitan ng panibago. Tanghali na naman. "Ubusin mo rin ito."

"Salamat, Pa."

Tumabi ito sa kanya. "Kailangan mo ba ng kausap?"

She sighed. "Kailangang may gawin na ako."

"May deadline ka?" Napangiti siya sa biro nito. "Nalilito ka?"

"Sobra, Pa."

"Mahal mo ba si Drax?"

Her heart jumped. "Gusto ko siyang barilin."

Tumawa ito. "E, 'di gawin mo. If that will satisfy you, do it."

"Pero ayaw ko siyang nasasaktan. Ayaw ko siyang saktan sa kahit na anong paraan." Napakagat siya sa ibabang labi. "I really don't know what to do."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now