Chapter 39

1.7K 44 14
                                    


Nilagpasan ni Mad si Drax na tinakasan ng kulay. She heard everything, loud and clear. Every word, every event, every pain she felt all through out these years were gripping her all of a sudden. Bigla siyang parang na-suffocate kaya kailangan niyang mapag-isa para makapag-isip. It will be dangerous for her to be with anyone that moment.

Tumuloy siya sa silid niya sa bahay na iyon at pabalibag na isinara ang pinto. She walked back and forth then sat down at the side of the bed. Inisa-isa niya ang bawat pangyayari noon kung paano sila nauwi sa kasalan dahil nanganganib ang buhay niya.

Napapikit siya at napahugot ng pagkalalim-lalim na hininga nang marinig ang pabukas ng pintuan.

"Drax, leave me alone for now. I need to think," kalmadong wika ni Mad. Hindi niya kailangan lumingon para tingnan kung sino nga ang pumasok. She could feel his gaze.

"Alam kong galit ka kaya gusto kong ilabas mo mismo sa'kin."

"No. Not yet. Inaabsorba ko pa. Namamanhid na naman ako kaya umalis ka muna. Pakiusap."

Mad brushed her hair. Doon niya inilalabas ang inis at frustration dahil hindi lumilinaw ang daloy ng isip niya. Napahilamos siya ng mukha. All this time, hindi siya nanganganib. Naging parte lang siya ng ekperimento bilang paghahanda kay Drax na magiging sunod na emperador.

She felt betrayed and being toyed. Lagpas limang taon ang ginugol niya at nakulong sa isang kasunduang tinanggalan siya ng maraming karapatan. She left her family who's as well hurting that moment. Napakuyom siya nang maalalang ang daming nasaktan dahil lang doon.

"Maria Dave, I can explain. Baka makatulong para makapag-isip ka."

Marahas an binalingan niya si Drax. Sa iilang pagkakataon na nakita ni Mad na nabahala, nag-alala, nalungkot, at nanlumo ito nang husto, sa mga oras na iyon ito parang wala nang pag-asang natitira sa katawan. His aura was so gloomy she wanted to bridge their distance and soothed him for feeling so down.

Tumayo siya. She crossed her arms over her chest and took a deep breath again. "Sige. I want everything, Drax. As in lahat-lahat. Ayaw ko nang may ititira ka. I already asked you if there's something that's bothering you but you denied it. Tapos malalaman kong may ganito pa pala. May istorya pala sa likod ng kagaguhang ito. I badly need a freaking explanation why your father ended up toying my life!"

Tumango-tango si Drax. Akmang lalapitan siya nito pero itinaas niya ang isang kamay para pigilan ito. Nasaktan ito. But stayed at place.

"Kung narinig mo lahat, tama ka. Sina Bana, Greg at Caro ang puno't-dulo kung paanong nakaroon ng kopya ang ama ko sa mga ginawa natin sa Isla Himaya. Including the physical contact. They ought not to betray me, making sure their full loyalty will only to me. Kaya lang, hindi nila napigilang iungkat kay Papa ang tungkol sa'yo nang ilang buwan na ay hindi pa rin ako nakapili ng mapapangasawa."

Saglit itong huminto at tiningnan siya. She remained silent.

"Lingid sa kaalaman ko, kada-linggo na pala pinapatawag ng emperador ang tatlong bodyguard ko. Parati niyang tinatanong kung kailangan na bang ihanda ang kasal at sino raw ang napili ko. They always covered me by saying I have five women in my mind I considered. Kaya naman hinayaan muna ako ni Emperor Arkady. But months passed with the same reasoning. Hindi na kayang paniwalaan ni Papa ang rasong iyon kaya naman gumamit na siya ng posisyon. And they spilled the bean."

"That you're not really choosing anyone. Dahil hindi mo na kayang mamili sa mga babaeng iyon." It was more of a statement. Pero gustong kumipirmahin ni Mad kung iyon nga.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now