Chapter 15

741 40 0
                                    



"Drax, tantanan mo nga ako!"

Binilisan ni Mad ang pagmamartsa. Drax was so persistent, making her blood boils. Kanina pa ito nangungulit at wala siya sa mood na patulan ito. Nasa cycle siya kung saan nagsu-super saiyan ang init ng ulo niya sa puntong hindi niya nakokontrola at naiirita sa lahat ng bagay. She's been asking him to leave her alone but he keeps on pestering her.

"Maria Dave, video games tayo. Sige na! Sige na!"

Marahas na hinarap niya ito. "Shut up, will you?!" bulyaw niya.

Hindi nito inaasahan ang biglaang paghinto niya kaya nabangga siya nito. Nawalan ito ng balanse. Mas lalong kumulo ang dugo niya nang pati siya ay natumba nang mahagip nito ang baywang niya kaya siya nadala.

"Drax!" napakalakas na ng boses niya. Buti at nasa loob sila ng library. Sila lang ang nandoon kaya walang ibang naiistorbo sa dumadagundong niyang boses.

"Aww," maarteng daing nito saka lumabi.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Huwag mo akong dramahan."

Mad tried to stand up to move away from top of him. He didn't let her. Handang-handa na siyang bigwasan ito nang gumapang ang isang kamay nito sa batok niya at minasahe iyon.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" mahinahong tanong ni Drax. "Nag-aalala ako."

The massage feels so good so that makes her drowsy. Wala sa sariling naihilig niya ang pisngi sa dibdib nito. Iyon ang problema sa babae. Their mood swings up and down. Kapag panahon talaga ng buwanang dalaw o 'di kaya ay paparating pa lang, nag-iiba ang timpla ng mood nang hindi namamalayan. It's something about the blood and it isunexplainable. Parang ang daming enerhiya ng katawan niya pero pagod na pagod naman ang pakiramdam niya.

"Iwan mo na muna ako. Mapapahamak ka sa ginagawa mo." Kung noon kasi, wala namang nangungulit sa kanya dahil mag-isa lang siya. Hindi gaya ngayon na wala yata itong magawa at siya parati ang nakikitang gustong makasama.

"Bakit nga? Are you possessed by some bad soul, Maria Dave?"

Mahina siyang natawa. Bakit ba ang inosenti nito? "Drax, magbasa ka tungkol sa cycle ng babae. Para magka-ideya ka." Umalis na siya sa pagkakadagan nito. "Alis na."

"I want to stay," patuloy nito.

"Hindi nga pwede."

"Maria Dave-"

"Drax!" He stopped walking towards her. "Please, leave. Sasaktan na talaga kita kapag hindi ka tumigil."

Bumalik si Mad sa pagkakaupo sa harapan ng sandamakmak na libro. She started reading the story Bana asked her to read. But due to how it is written in different character, parang pinipiga ang ulo niya para intindihin iyon.

Matalim ang tinging ibinigay niya kay Drax nang hablutin nito ang libro. Naupo ito sa tabi niya.

"I'll read it for you."

"No!"

Inilayo nito ang libro nang akma niyang kukunin. Napapikit siya at napahilot sa sentido. Patawarin nawa siya. Gusto na niya talagang saksakin si Drax. At bago pa niya magawa iyon, lumayo na siya.

"Maria Dave-"

Hindi na nakapagtimpi si Mad. She turned around upon lifting her right leg. In fast movement, she kicked Drax without restraining. Pero para hindi direkta ang impak dito, nagawa niya pang maisip na isagang sa katawan nito ang librong inagaw nito sa kanya na hawak pa rin nito.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now