Chapter 2

1.2K 38 1
                                    


"Maria Dave! Pumayag ka na! Pumayag ka na!"

Tinakpan ni Mad ang magkabilang tainga. Walang balak si Alexis na tantanan siya kahit pa nga ang daming tao. Mukha pang sinasadya nitong lakasan ang boses at hindi nahihiya marahil dahil pamilya ng asawa nito ang mga nandoon.

"Mad, patulan mo iyan. Sige lang. Kahit bugbugin mo iyan. Huwag mong isipin ang mga tao rito. Hindi ka naman nila kilala."

Napabaling siya sa nagsalita. Isang matangkad, payat at tsinitang babae ang katabi ngayon ni Ran. It was Ashlie. Isa ito sa tatlong matalik na kaibigan ng mama niya.

"Ashlie, 'wag kang makialam dito. Kinakausap ko siya ng matino."

"Walang katinuan sa katawan mo, Tita Lex!" hindi niya nagawang pigilan ang sarili at binulyawan ito. Pero anak ng tinapa! Tinawanan lang siya at hindi sineryoso.

"Hindi kami magiging magkaibigan ng Mama Ran mo kung iyon din ang tingin niya. Alam mo, nagiging kaugali mo na si Darylle kahit kay Ran ka naglalagi. It's not a good sign," tugon ni Alexis.

"Ano naman ang problema mo sa ugali ko?" seryoso at mababang tanong ng babaeng mukhang foreigner pero diretso mag-tagalog. Kararating lang nito at nakipag-beso-beso kay Ran at Ashlie.

"Malaki. Dati pa. At bad influence ka kay Maria Dave."

"Tita Ryle, nandito ka rin? Huwag mong sabihing nag-asawa ka na rin ng isa sa mga nandito?"

Mad took a deep breath and absorbed everything. Kung nandoon ang mga ito, ibig sabihin ay parte na ang mga ito ng pamilya Yatsunaga dahil event iyon ng naturang pamilya. Goodness! Hinakot ng isang pamilya ang pinakamamahal at iniidolo niyang mga babae sa mundo. Ibig sabihin, ganoon kabuti ang angkan na iyon at napa-oo ang mama at mga tita niya? She knows them very well. Matigas ang mga ito at hindi basta-basta.

"Nag-asawa nga ako, Mad," pangungumpirma ni Darylle.

"Bakit hindi ko alam?!" bulalas niya. "Bakit hindi man lang ako inimbitahan?" She's close with the four ladies. Kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng pagtatampo dahil huling-huli siya sa balita.

"Paano ka iimbitahan, e, hindi ka nga mahagilap kakaakyat mo ng bundok at kakatago sa liblib," ani Ashlie. "Pero, Mad, tumira ka nga sa'kin ng isang taon para matutunan mong ngumiti. Sigurado akong hindi iyon kayang ituro ni Ran sa'yo."

"Salamat, Tita Ash, pero ayoko." Kontento na siya sa pamamahay ni Ran na nasa private village.

"Huwag ka nang magtampo, Mad. Kapag ikaw ikinasal, present kaming apat," nakangising sabi ni Alexis. Nanunukso na ito, tiyak. Alam na alam nito kung ano ang tingin niya sa mga lalaki at halatang gusto lang nitong asarin siya. "Mad, just this one. Tapos wala na akong hihilingin. Pagbigyan mo lang ako," pagpupumilit nito.

"No, Tita Lex. Hindi magbabago ang isip ko. Sa dami namin dito, bakit ako pa?" aniya. Wala siyang balak pagbigyan ito kahit pa napupundi na ang pasensya niya.

"Dahil ikaw ang gusto ko."

"Mamili ka na lang ng iba."

"You're making me lose my patience, Maria Dave."

"Sige lang."

Bumuntong-hininga si Alexis. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at inilapag iyon sa mesa. "I don't want to do this. Pero tinutulak mo talaga ako. Kapag hindi ka pumayag, I'll show this to your brother. Alam kong hindi kayo in good terms ngayon pero tingin mo makakawala ka sa kanya kapag nakita niya 'to? No, you won't get away. Not unless I get rid of the evidence."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now