Chapter 17

728 30 1
                                    


Gentle touch woke up Mad. Napaayos siya ng upo mula sa pagkakayukyok sa gilid ng kama. She was welcomed with Drax's bright smile. Nang maalala ang nahihirapan nitong itsura ay mabilis nanubig ang mga mata niya at hindi na napigilan ang maiyak.

"Maria Dave..." Bumangon si Drax. Akmang lalapitan siya nito pero dahil may IV na nakakonek dito, hindi nito nagawa. Marahan nitong hinila ang kamay niya. "Come here."

Sumampa siya sa kama at walang sali-salitang isinubsob ang mukha sa dibdib nito. He comforted her by caressing her hair. Mahigpit rin ang pagkakayakap nito sa kanya at panaka-naka ay malakas na pinapakawalang buntong-hininga.

"I'm sorry I made you worry," usal nito.

"I hate you," may gigil niyang tugon.

"I know." Hinarap niya ito at sinamaan ng tingin. Idinampi nito ang mga daliri sa pisngi niya at tinuyo iyon. "Stop crying. Please?" nahihirapan nitong sabi.

"Kanino bang kasalanan 'to?!" bulyaw niya. "Bwesit ka! Hindi ka pa nakontento nong muntik ka nang malunod. Ngayon, ako pa ang ginawa mong salarin. Bakit hindi mo na lang ako diniretsa para hindi ka na mahirapan pa?!"

"Maria Dave-"

Sinuntok ito ni Mad sa dibdib. But her punch was too soft. Pinilit niya talagang hindi makatulog kanina pero sa sobrang pag-aalala, wala sa sariling sumuko siya sa antok. Her feelings were too exhausted. She kept on blaming herself that she was too stupid not to ask him about his condition. Tinuringan pa naman siyang chef.

Kinuha ni Drax ang kamay niya at hinalikan ang likod nun. "Hindi ko alam ano ang sasabihin ko para mapatahan ka." Nagsusumamong tumitig ito sa kanya. "Pwede bang bumawi na lang ako? Kahit ano."

When he pulled and hugged her again, she let him. Kahit papaano, kumalma na siya dahil nagising na ito.







"Master Drax, please be careful next time."

Nagpasalamat si Drax sa dalawang bodyguard na siyang nag-asikaso sa kanya at lumabas na ng silid, kung saan lagpas biente quatro oras siyang na-confine.

He didn't expect the severe attack of his allergy. Nang malaman niya noon na may allergy siya, ang mga bodyguard niya ang unang naniniguro sa mga pagkaing nakahain at kakainin niya. Sa palasyo naman, alam na iyon ng mga nagluluto at naghahanda kaya walang problema.

Nang mag-crave si Mad ng pizza, masyado siyang naaliw sa dalaga. Nadala siya sa kasiyahan nito habang kumain kaya hindi na niya napansin ang mga sangkap na ginamit nito. He kept on eating until he found himself having difficulty of breathing. Buti na lang at mabilis gumana ang isip ng babae at agad humingi ng tulong.

Tumuloy si Drax sa library. Pagkatapos nitong umiyak kahapon na nagpabigat nang husto ng kalooban niya ay hindi na siya nito ulit dinalaw. Alam niyang galit ito kaya naman susubukan niyang bumawi. Pagbukas niya sa silid-aklatan ay wala ito roon.

"Sa kwarto niya," aniya sa sarili. Nakasalubong niya si Yuliya.

Niyakap siya nito nang huminto sila para batiin ang isa't-isa. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalala nitong tanong.

"I'm okay, Ma. Wala naman nang rebound. It was just a single reaction," paniniguro niya.

"Huwag ka pa ring makampante. Make sure Greg and Caro are on your side always. Kahit magkasama kayo ni Mad. Akala mo siguro hindi ko alam na ang hilig mong paalisin ang mga tao sa paligid kapag kayong dalawa lang," pamumuna nito.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now