Chapter 29

699 23 5
                                    


More than a year ago...

Masayang lumabas si Drax ng kwarto. Ilang araw pa lang mula nang una siyang umapak sa Zemlya Khrabrykh, ang bansang pinamumunan ni Emperor Arkady Vaseliev- ang kanyang ama. Pinatawag siya nito at walang pagpro-protestang nagtungo siya.

He met his father and mother before. But compared to other families who spend their daily life together and live in the same roof, his is different. Lumaki siya kasama ang tatlong bodyguard na nagbibigay ng lahat ng pangangailangan niya. Ito rin ang mga nagturo ng mga kailangan niyang matutunan sa bansa. He knows how to speak different languages. He learns the world's history. Sa dalawampu't apat na taon niya sa mundo mula nang ipinanganak siya, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-aral ng mag-aral.

Naiintindihan niya naman. He belongs to a family who, no matter what, shall and must abide to the law. Kaya hindi rin siya gaya nang ibang kasing-edad niya na nag-aaral sa paaralan o hindi kaya ay nagtratrabaho sa isang kompanya. Ang lahat, natutunan niya sa loob ng bahay na walang ibang nagtuturo kundi ang tatlo niyang kasama.

"Drax, join me."

May ngiti sa labing yumuko si Drax at binati ang kanyang ina. Nasa paborito sila nitong verandas ng palasyo kung saan natatanaw ang halos buong bansa. Maliit na bansa lang ang Zemlya Khrabrykh. Kaunti lang ang populasyon. Pero napakamatiwasay niyon dahil sa pangangalaga ng ama niyang nirerespeto niya nang husto.

"How's your stay? Hindi ka ba naninibago?"

Umiling siya. "I like it here."

"Hindi mo ba na-mi-miss ang Canada?"

"Mas gusto kong nakikita kita, Mama."

Nanubig ang mga mata nito. "You are always sweet and gentle. Alam mo bang nagpapasalamat ako na naiintindihan mo ang sitwasyon ng pamilya natin? Ang mga bodyguard mo, walang ibang sinasabi kundi ni minsan, hindi mo pinasakit ang ulo nila."

"Ganoon din naman siguro ang mga kapatid ko." Ang mga kapatid niyang ni anino ay hindi niya pa nakikita. Kahit ang pangalan ng mga ito, dahil sa regulasyon sa pamilya nila na siyang namumuno ng bansa, ay hindi niya rin alam.

"No. Ikaw ang pinaka-masunurin sa lahat. But I'm not expecting them to live according to the law outside the country they're living. Hindi namin sila masisisi ng ama mo."

"Kanya-kanya na lang siguro iyan, Mama. Intindihin mo na lang din sila."

Kahit sa sitwasyon ni Drax, hindi niya maiwasang mapaisip. Good thing, he wasn't that curious. Ang parating laman ng puso niya ay kung kailan siya makakatuntong ng Zemlya Khrabrykh, makasama ng buo ang pamilya niya, at higit sa lahat, makasabay ang lahat ng miyembro sa hapag-kainan.

There are celebrations including Christmas that he can't ignore. Aaminin niyang naiinggit din siya at nalulungkot. Pero kapag nakikita niya ang mga bodyguard na malayo rin sa kanya-kanyang pamilya, naiisip niyang hindi siya nag-iisa. That he should be contented since there are still those who are beside him, trying to make him happy.

"Ma, may tanong ako."

"Go ahead."

Tiningnan niya ang magandang mukha ng ina. "Bakit ako pinatawag ni Papa? Akala ko makikilala ko na ang mga kapatid ko. Pero ilang araw na akong nandito, wala pang ibang dumarating. I'm expecting that the eldest is already appointed as the new emperor. Pero mukha namang si Papa pa rin ang namumuno at walang pinagkakaabalahan ang lahat para sa pagpapasa ng trono."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon