Chapter 4

874 28 1
                                    


Mula sa mataas na bahagi, tumingin si Mad sa ibaba at napangiti dahil sa napakalinaw at pinaghalong kulay asul at berde na dagat. Dalawang araw na siya sa Isla Himaya pero hinding-hindi pa rin siya nagsasawa. She felt recharged, energized, and relaxed all at once. All thanks to the wonderful virgin island she's staying.

Humakbang siya paatras. She counted one to three in her mind before she ran and dove. Tuluy-tuloy siya sa dagat, pigil ang hininga. Sumisid siya at nang maubusan ng hangin ay lumangoy pataas.

"Woah!" nasisiyahang sigaw niya nang maramdaman ang malamig na tubig sa katawan kahit tirik na tirik ang araw.

May ngiting lumangoy si Mad paroon-parito. Nagbabad siya ng husto at nagpalutang-lutang. Pakiramdam niya, pag-aari niya ang mundo. Mundong puno ng kapayapaan at malayo sa masamang tangka ng kapwa tao.

She swam to the rocky part. Umahon siya saka humugot ng malalim na hininga. Bumalik siya sa taas. Pumwesto siya sa pinakadulong bahagi at tumanaw sa pinakamalayong kayang tanawin ng paningin niya. She sat then intertwined her legs. She closed her eyes and started meditating.

Naglalaro pa rin sa isip ni Mad ang mga sinabi ni Natalia. Napaisip siya na panahon na sigurong subukan niya ulit na makisama sa lahi ni Adan at mag-adjust. Hindi man siya ilag sa lahat, tumama naman ito na may mga malapit sa kanyang nadamay. And she will start anew by saying sorry to her father and Kuya Jared.

She smiled. Gumagaan na nga ang pakiramdam niya, iniisip pa lang niyang gawin. That's why she is really looking forward of doing it and spend time to her love ones when she's back to the city. Lalo na at hindi na sila pabata. Tumatanda na rin ang mga magulang niya. Sooner or later, mag-aasawa na si Jared at tuluyang hihiwalay sa pamilya nila. Bago man lang mangyari iyon, makabawi siya sa lahat ng pagkukulang niya.

"Maria Dave Nobleza, fourteen years is enough. Stop pampering yourself with fear. It's time to be the happiest girl in the world."

Puno ng kasiyahang tumayo si Mad. Bago siya bumalik sa magulong mundo, pagsasawain niya muna ang sarili kasama ang kalikasan. Bibihira pa naman ang makatunghay ng napakalinis na karagatan at makipaglangoy kasama ang mga isda. Mag-fe-feeling serena muna siya hanggang mapagod siya.

Inihanda niya ang sarili. Kalahati ng paa niya ay nakaapak pa sa bato at ang kalahati ay lagpas na sa dulo. She breathed in and out and was about to jump when her eyes caught something. Dahil maganda ang panahon at mahinahon ang mga alon, kitang-kita niya ang mga kamay na kumakampay.

Bakit may ibang tao rito? Iyon ang unang pumasok sa isip niya kasabay ng pagkunot ng noo nang mapagtantong lalaki iyon. Na agad naglaho nang makitang tumigil ito kakagalaw at unti-unting lumulubog.

Without hesitance, Mad dove in the water. Mabilis na lumangoy siya patungo sa direksyon ng lalaki nalulunod. Hinihingal na huminto siya at nagpalinga-linga pero hindi niya na talaga makita. She thought of the worst.

"Shit! Shit!"

Sumisid siya, iminulat ng husto ang mga mata kahit mahapdi dahil sa tubig-dagat. Patuloy siya sa paglangoy. Nauubusan na naman siya ng hangin. Iaangat niya sana ang katawan nang mapansin ang malaking pigura. Hindi na siya nag-abala at lumangoy papunta rito.

Mad caught his hand before he went deeper. Pumwesto siya sa likuran nito, ini-lock ang leeg nito sa braso niya pero hindi naman ito nasasakal, at mabilis na iginalaw ang mga paa at isang kamay para umangat. Nanatili siyang kalmado kahit pa nga kinakapos na siya ng hininga. Nang tuluyan niyang maiangat ang mukha nila pareho ay malakas na bumuga siya at humugot ng hininga.

But she didn't waste any time. Emergency iyon kaya kailangan niyang lumangoy papuntang dalampasigan. She stayed focus, making sure she swims as fast as she could. At nang magawa niya ay buong lakas na hinila niya ang lalaki sa buhanginan.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now