Chapter 10

878 29 3
                                    


Namamanghang inilibot ni Mad ang paningin sa islang ginawang airport. Hindi ganoon kalalaki ang mga eroplanong nandoon na nakahilera pero kakitaan na matibay iyon at mahal. Ayon kay Bana, halos lahat ay pag-aari ng bawat pamilya at iilan lang ang pampublikong masasakyan papunta sa karatig bansa.

"Miss Mad, I can carry your bag," alok ni Greg, isa sa dalawang lalaking bodyguard ni Drax.

Umiling siya. "Thank you. But I can manage."

Pagkatapos asikasuhin ang lahat sa Pilipinas at makapagpaalam sa mga taong tingin niya'y magtataka sa biglaang pagkawala niya, hindi na nagtagal pa si Mad. Inisip niyang kung maaga siyang tutungo sa Zemlya Khrabrykh, ang bansang pinamumunuan ng ama ni Drax, ay matatapos niya agad ang mga dapat na tapusin at makakauwi.

Halos isang buwan din bago niya nabuo ang sariling desisyon. All throughout, Drax was with her along with his three bodyguards. Hangga't hindi raw sila kasal, manganganib daw ang buhay niya kaya maiging kasama niya ang mga ito. Buti na lang, babae si Bana. Ito ang nakakausap niya at siyang dahan-dahang nagpapaliwanag sa kung ano ang aabutan niya sa bansang magiging tirahan niya pansamantala.

"This way, Miss Mad."

Sumunod si Mad kay Bana. Drax was behind her. Hindi niya ito kinakausap sa buong durasyon ng biyahe nila. Kahit pa sabihing kumalma na siya at humupa na ang galit, mabigat pa rin ang loob niya sa nangyayari sa buhay niya. Kahit iyon man lang ang manatili sa kanya. Ang karapatang manahimik kung kailan niya gusto.

"Bana, bakit may iba't-ibang logo?" puna niya nang mapansin ang ibang eroplano. "Pag-aari ba iyan ng ibang airline company?"

"The one we used is owned by the Vaseliev family, Miss Mad. Particularly, that is Master Drax's private plane. Kapag nakita mo ang ganoong tatak," turo ni Bana sa puwetan ng eroplanong malapit sa kanila na may tatsulok na kulay itim at sa gitna ay may tatlong bilog. "...ibig sabihin, pag-aari ito ng emperador o ng isang Vaseliev. Other noble families have their own logo too."

"Para palang pagkakakilanlan."

"Yes. Sa bansang ito, kailangan iyon. Isipin mo na lang na bumalik ka sa era kung kailan may lebel ang estado ng bawat pamilya o angkan."

"And I hate it." Lalo na at lumaki siya sa bansang may gender equality. Sa lugar kung saan lumalaban ang mga kababaihan dahil may boses sila sa masa.

Natawa ito. "Masasanay ka rin, Miss Mad. Our country is not really that bad. Maaaring napakalaking pagbabago para sa iyo pero sinasabi ko na ngayon pa lang, hindi ganoon kahigpit dito gaya nang tingin ng lahat."

"Hindi iyan ang sinabi ng kaibigan kong si Code."

"Paano niya nasabi iyon? Articles?"

"No. She hacked the palace's system."

Napabaling ito sa kanya. "Seryoso ba iyan?"

"Yes."

"At hindi siya nahuli?"

"Posible mang mahuli siya, tingin ko nasa pinakamababa namang porsyento na mangyari iyon. She's that good."

"The emperor will like her, if that's the case."

Bigla siyang nabahala. "Sasabihin mo?" Lagot! Dapat hindi na niya sinabi iyon.

"Hindi, Miss Mad. My loyalty will remain to Master Drax. At sa iyo rin kapag naikasal na kayo. As for the emperor, it's my duty to report on what's happening to his son's life. But in terms of the palace's information and all, no. Labas kami nina Greg at Caro."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now