Chapter 23

602 22 3
                                    


Abala si Mad sa pagsusulat ng mga sangkap sa notebook. Hinihintay niya ring maluto ang inimbento niyang cookies para kay Drax. Dahil hindi pwede rito ang dairy products, gumawa siya ng paraan para makagawa na hindi nalalayo sa totoong lasa ng pagkain.

Simula nang magkaroon siya ng sariling kusina, iyon na ang naging pampalipas oras niya. Pangatlong notebook na iyon na mapupuno ng recipe na siya ang may gawa. She thought that it's the best way to prevent her husband from eating food that he is not allowed to. At ang una niyang siniguro ay magugustuhan nito ang lasa.

She heard a bell sound. Tumayo siya at inilabas ang tray na may cookies. She let it cool down and went back to her seat. Nasa pagde-desinyo siya para maging personalized tingnan ang notebook nang may umupo sa harapan niya.

"What's that?" Yuliya asked.

Nginitian niya ito at muling ibinalik ang paningin sa ginagawa bago sumagot. "Regalo ko kay Drax, Empress Yuliya. Para hindi na niya kailangang magtanong pa sa mga pagkaing inihahain sa kanya. He can cook now. Sundin niya lang itong mga recipe na nandito at safe niyang makakain lahat."

Isa sa naging bonding time nila ay ang pagtuturo ni Mad sa binata kung paano magluto. Pati ang salitan nila ng salita sa kanya-kanyang lenggwahe, in-apply nila habang ginagawa iyon. Gaya nang ano ang tawag ng bawang sa salita nito, atbp. Naging effective iyon sa kanilang dalawa.

"That's so nice of you."

"Para makasiguro akong hindi siya tatanga-tanga sa mga isusubo niya. Mahirap na. Lalo na at uuwi na ako."

Hindi man sinasadya ay mahina ang pagkakasabi niya sa huling mga salita. Lumunok siya at pasimpleng humugot ng hininga. Sinubukan niya ring huwag ipahalata sa kaharap na may nararamdaman siyang kakaiba. Because for some reason, she felt heavy with the fact that she's going home. Nang malaman niya kay Drax na nag-book na ito ng flight papuntang Pilipinas nang hindi man lang siya tinatanong, ang unang emosyong umusbong sa kanya ay pagkaasar.

Buong araw niya itong hindi kinibo. Hindi naman siya nito kinulit. Nang mapagtantong walang sense ang inaakto niya at dapat siyang matuwa dahil makikita na niya ulit ang pamilya niya ay nahimasmasan siya kahit papaano. But still, there's something inside her that she couldn't decipher. Malungkot siya na nalulumbay na hindi niya maintindihan. Na hindi naman dapat dahil ang mga taong madadatnan niya sa Pilipinas ay ang mga taong mahal niyang naghihintay sa kanya.

"Ayaw mo pa bang umuwi? Pwede naman na dumito ka muna," ani Yuliya. Hindi siya nagtagumpay na hindi ipakita rito ang pagdadalawang-isip niya.

"Hindi, Empress Yuliya. Siguro dahil sa sobrang saya lang o hindi pa rin ako makapaniwala na makakauwi na ako. Hindi ko alam paano e-express ang sarili ko," pagrarason niya.

Inabot nito ang kamay niya at pinisil. "Pero kung ayaw mo pa, sabihin mo lang kay Drax. Susundin ka nun." Hindi niya napigilan ang mapabuntong-hininga. "May problema ba?"

"Wala naman. Kaya lang, tatlong araw ko nang hindi nakakausap o halos hindi nakikita si Drax. Busy siya sa ipinapagawa ng emperador sa kanya."

"May pinapagawa si Arkady sa kanya?" Tumango siya. Kumunot ang noo nito.

Isa pa iyon sa nagpapabigat ng mabigat na ngang loob ni Mad. Ilang araw na lang, aalis na siya doon. Kung kailan maghihiwalay na ang landas nila, saka naman ito hindi maisto-istorbo at hindi siya mabigyan ng oras. Ilang beses na siyang nangulit na mag-video games sila o gumala pero ang tanging sinasabi nito ay busy ito.

Ang mas ikinangitngit ng damdamin niya ay hindi siya nito ihahatid kahit man lang sa karatig bansa kung saan siya sasakay ng eroplano na direktang lalapag sa Pilipinas. Nang sabihin nitong si Bana ang makakasama niya, agad siyang tumanggi at sinabing kaya na niya ang sarili niya. For the first time, Drax didn't insist what he wants. Tiningnan lang siya nito at wala nang ibang sinabi bago siya iniwan.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now