Chapter 35

673 25 1
                                    


Patuloy sila Drax sa panonood at pakikinig.

"Ano ang tingin mo kay Drax?" diretsang tanong ni Raise kay Mad. Nakakapigil-hininga na ang kaseryosohan ng mga ito. "Sa totoo lang, tingin namin ay perfect pair kayong dalawa. Nagbabangayan nga kayo noon pero na-e-enjoy niyo ang company ng isa't-isa."

"Tingin pa nga namin, masaya ka kapag magkasama kayo," dagdag ni Aiea.

"I am," pag-amin ni Mad. "Hindi ko naman itinatanggi iyon. Drax is a kind of person who is easy to get along with. Nong nasa Isla Himaya kami, aminado akong magaan ang loob ko sa kanya sa kabila nang kaka-desisyon ko lang na alisin ang takot sa loob ko. And that impression will never fade."

"Kung saka-sakali ba na ligawan ka ni Drax, may pag-asa siya?" nananantiyang tanong ni Krit.

"Ang ibig sabihin ni Krit, paano kung hihilingin niyang subukan niyo? Para hindi mauwi sa hiwalayan," paglalawig ni Alhe. "We really like him for you. Kahit si Jared, hindi niya man sinasabi sa'yo, okay para sa kanya na si Drax ang makatuluyan mo. He trusts the guy."

"Kung intensyon ni Drax iyan, matagal na dapat niyang ginawa. Kaso wala. So I don't think I need to answer that question."

"Ikaw ba walang nararamdaman sa kanya? Kung meron, huwag mong itanggi."

Hindi agad nakasagot si Mad. Para 'yong one billion question na hinihintay ng lahat na masagot ng contestant. Pigil-hiningang naghintay sila sa sagot nito. At nang magsalita ito, pakiramdam ni Drax ay nagbunyi ang buong kalooban niya.

"Meron."

"Pareho kayo! Alam mo bang gusto ka niya?" naka-korong sabi ng mga kaibigan nito.

"Talaga?"

"Oo!"

"Sinabi nga ni Empress Yuliya na mahal niya ako."

"And?"

"Hindi ako naniwala dahil mas pinili niyang ipagtabuyan ako." Napailing ito. "He's the worst."

Naalala niya ring nasaktan ito noon nang mag-desisyon siyang pauwiin na ito nang hindi ito tinatanong. Tama siya. Hindi ito basta-basta nakakalimot.

"Mad, nakaraan na iyon. Ang importante ang ngayon," pang-aalo ni Krit. "Mahal ka ni Drax. Inamin niya 'yon sa'min. At naniniwala kami."

"Kinakausap niya pala kayo." It's more of a statement than a question. Tumango ang iba.

"Paano kapag nagtapat siya? Will you give him a chance? May nararamdaman ka kamo sa kanya," ani Alhe.

"Natatakot lang iyon sa'yo kaya hindi nagpapakita."

"Hindi ako naniniwalang takot si Drax sa'kin, Aiea."

"Iniisip niya kasing galit ka pa at nirerespeto ang desisyon mo."

"Galit ka rin naman kay Shido noon, Raise. Nirerespeto niya iyon pero dahil mahal ka niya, gumawa pa rin siya ng paraan."

"Mad-"

"Don't defend someone just because he said he has a thing. Hindi ko ikinukumpara si Drax. Iba siya at iba ang mga asawa niyo. Pero iba pa rin ang sinasabi ng diretso at harap-harapan at ipinapakita sa gawa kaysa naririnig sa iba." Walang nakaimik. Bumuntong-hininga si Mad. "Drax is really nice. Hindi ko alam bakit ko siya nagustuhan pero hindi ko na kinikwestyon ang sarili ko. He is worth to like. I even fell... hard." Umawang ang bibig ng lahat pati na siya sa deklarasyon nito. Nagkibit-balikat ito maya-maya. "Pero nakaraan na iyon. In short, noon. Nasa kasalukuyan ako at hindi ako lilingon dahil lang sinasabi niyong mahal niya ako at boto kayo sa kanya. I won't settle for that."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now