Chapter 12

709 30 1
                                    



"Ako na."

Bahagyang lumayo kay Mad ang katulong na dapat ay magsusuklay ng mahaba niyang buhok. Hinding-hindi siya komportable sa presensya ng mga taong nandoon pero wala siyang magagawa. Kaya naman sa abot ng makakaya niya, ipinapaintindi niya sa lahat na kaya niyang asikasuhin ang mga bagay patungkol sa sarili niyang katawan.

She put the comb on top of the vintage dressing table. Nasa loob lang siya ng kwarto subalit dinaig pa nun ang panaginip dahil sa mga kagamitang nandoon at suot ng mga kasama siya. It felt surreal... far from the one she used to.

"Mad, are you okay?" tanong ni Empress Yuliya. May tatlong babaeng nag-a-assist dito mula buhok hanggang sa pagpahid ng kung anu-ano sa katawan.

"Y-yes." Pinilit niyang ngumiti. Napakabait ng empress kaya naman ayaw niyang inaalala siya nito ng husto. "Masasanay din ako."

"You will."

May kumatok kasunod ang pagpapakilala. Empress Yuliya responded and five more maids came in, holding two dresses each.

"Mad, choose what you want to wear," ani Yuliya.

"Ha?"

Biglang naalala Mad ang sinabi ni Bana na hindi katanggap-tanggap ang suot niya sa lugar na iyon. She stared at the dresses. Hindi siya kailanman nasanay na magsuot ng maiikling damit- mapa-besitida, short, o palda. Kahit ang pang-itaas niya, halos lahat long-sleeve. Kung t-shirt naman, parating may jacket na kapares, huwag lang ma-expose ang kahit anong parte ng balat niya maliban sa mukha at kamay.

Her reason? Because men turn to evil when they see women's bare skin. Lalo na sa mga dalagang gaya niya. Maraming hayok sa laman ang naninirahan sa mundo. Siya nga na bata pa lang noon, muntik nang mapagsamantalahan. Isang katibayan na ang mataas na porsyento ng rape sa Pilipinas kaya kung maaari, ayaw niya 'yong nakakaagaw ng atensyon kahit kanino.

"Akin ang mga iyan. But it's hand-made so I can assure the quality. Hindi ka pa nasusukatan kaya pagtiisan mo muna," pagbibigay-alam ni Yuliya. "Mad, may problema ba?" tanong nito nang marahil mapansin na hindi niya maialis ang mga mata sa mga damit.

"Do I need to wear those?"

"Its design is Zemlya Khrabrykh's national costume. Lahat ng tao rito, ganyan ang suot, Mad. Maliban na lang kapag nasa katungkulan sa ilalim ng emperador. Why? Are you also not comfortable?" Umiling siya bilang pag-amin. "Hmm. So you are not a typical lady."

"Pasensya na."

"No. Don't be. Ikaw iyan kaya nirerespeto ko. There are ladies who can lure everyone with shirt and jeans. Isa ka sa mga iyon. You're very pretty, for you to know, with that piece of towel." Yuliya smiled mischievously and winked at her. Nawala talaga siya sa katinuan kanina nang tumakbo na walang ibang saplot maliban sa tuwalya. "Tell me. Alin sa mga iyan ang ayaw mo?"

"Lahat."

Tumawa ito. "Mad, naiintindihan kita. But I want to remind you that you're in Zemlya Khrabrykh."

"I know," nanghihinang tugon niya saka bumuntong-hininga. Muli niyang inisa-isa ang mga damit. Nagtayuan ang mga balahibo niya. Lahat ng iyon, above the knee ang tabas. "Alin ba diyan ang susuotin mo, Empress Yuliya?"

"Wala diyan. Mahaba ang sinusuot ko."

"Mahaba?" As if on cue, another maid came in and brought a longer dress. Sa sobrang haba nun ay sigurado siyang sasayad iyon sa sahig. "Can't I have one of that?"

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now