Chapter 34

625 20 1
                                    

Oplan: Gawing topiko si Drax

Hindi malubayan ni Drax ang monitor kung saan nakikita niyang nag-iikot-ikot si Mad sa malaking hotel room. Nag-iisa pa lang ito dahil pinapatulog pa ng mga kaibigan nitong kasama niya ng mga oras na iyon ang mga anak. It's been what? More than two years since the last time he saw her moving. Indirectly man o hindi sa personal, at least nakikita niya.

After she almost caught him following her around, he realized he can't do that all the time. Itinatak niya sa sarili na sa susunod na magkikita sila ni Mad, may ibubuga na siya at hindi na ang dating Drax na anak lang ng emperador. Naisip niya na masyado itong magaling, maganda, maabilidad at kung anu-ano pang ma na positibo. At siya, ano lang? Ni walang trabaho dahil iyon ang nakasanayan niya. Na nakukuha lahat isang sabi niya lang.

Habang nagpupursige kasi si Mad na mapabuti ang kalagayan, biglang naitanong ni Drax sa sarili kung ano sa tingin niya ang ginagawa niya. He won't evolve by just tailing her like a shadow. He is good for nothing. After few thoughts and motivation, nakapag-desisyon siyang baguhin ang buhay niya. Subalit siniguro naman na may balita pa rin siya kay Mad. Mostly, sa mga magulang siya ng asawa nakakarinig ng konkretong kalagayan nito.

His heart jumped when Mad took the teddy bear on the sofa. Hindi 'yon ordinaryong stuff toy lang. Hidden camera iyon na nilagay nila sa iba't-ibang parte ng kwarto para pati siya ay makita ito at marinig ang mga sasabihin nito.

Tinitigan nito ang mga mata ng teddy bear. When she smiled, Drax's heart melted. Siya na talaga ang hopeless dahil kahit hindi sila nagkakausap at nagkakasama, hindi man lang nabawasan ang nararamdaman niya rito.

Ngumiti siya, wari'y para sa kanya ang nasisiyahang kurba sa mga labi nito. How he wished it's really for him. Ilang beses niyang hiniling na sana, bumalik sila sa panahon nong nasa Isla Himaya pa sila. Nag-e-enjoy lang. Nag-uusap na parang matagal nang magkakilala.

Sana may pagkakataon pa ako, Maria Dave.

Umupo si Mad sa sofa, hawak-hawak pa rin ang teddy bear at inilapag sa lap nito. "Ang cute mo naman. Pwede ba kitang iuwi?" anito at niyakap iyon. Nahihibang na siya dahil naiinggit siya sa isang hamak na stuff toy! He missed hugging her every time he has the chance. "Tayo na muna ang mag-usap. Busy pa ang mga kaibigan ko sa mga anak nila at asawa kaya hindi ko na lang iistorbohin." She roamed her eyes around. "Pero hindi man lang nag-order ang mga babaeng iyon ng pagkain. Gutom pa naman ako."

Drax stood up and took the wireless phone. Dali-daling nag-order siya ng maraming pagkain at pinauna ang mabilis lutuin. Para hindi ito magtaka, naghabilin siya na pre-order na ang mga iyon upon booking at kapag may nag-okyupa na ng silid ay agad e-de-deliver.

Maya-maya lang ay may naghatid na sa kwarto nito na ikinagulat nito. Na ikinatuwa nang husto nang hindi pa man nagtatagal ay may bago na namang pagkain. Kahit sa ganoong paraan man lang, mag-effort siya para rito. Kahit hindi nito alam, masaya na siya na napapasaya niya ito.

"Teddy, ang daming pagkain. Sabayan mo ako," patuloy ni Mad na pakausap sa teddy bear. Naaaliw siyang tingnan na ganado ito. "Teka! Bakit wala man lang inumin? Nagbagong-buhay na ba ang mga babaeng iyon at hindi na nag-aalak?"

Drax dialed the customer's service number. Um-order siya ng brandy, champagne, red at white wine, tequila, gin, vodka, at iba pa at ipinag-utos na agad ipa-deliver sa kwarto ni Mad. Few minutes then viola.

"Babawiin ko ang sinabi kong nagbago na sila, Teddy. Iinom na ako ng marami para hindi ko masyadong dibdibin ang pagtatatalak nila mamaya." Mad opened the champagne. Nag-dial ulit siya at may in-order. Nang buksan nito ang pinto, higit pa sa kontento ang nakita niyang reaksyon nito habang kumikinang ang mga matang napatitig sa pumpon ng bulaklak. "From whom?"

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now