Chapter 3

1K 30 8
                                    

Author's note:

Hello!  May kaunting paalala lang ako.  

Parating tandaan na ang lahat ng sinusulat ko ay gawa-gawa lamang.  Ang mga pangalan, lugar, pangyayari, atbp. ay nabuo lang sa'king isipan at walang bahid katotohanan.  Kung may mga detalye mang pamilyar at talagang totoo, malalaman niyo iyon agad dahil Pilipino ka.  ^^

Enjoy reading!







Nababagot na binabasa ni Drax ang bawat profile ng mga babaeng pwede niyang pagpilian bilang mapapangasawa. Kanina pa siya sa loob ng kwarto at pinaalis ang mga bodyguard niya para makapag-pokus. Pero imbes na ituon ang pansin sa folder na hawak na naglalaman ng mga dokyumento, mas lalo lang siyang tinamad kaya sa huli ay isinantabi niya ang hawak.

Bumangon siya at nag-inat. He turned the television and PS4 on. Nagsimula siyang maglaro ng God of War 3. Engross na engross siya at tutok na tutok ang mga mata sa nilalaro nang maramdaman ang tatlong tao sa likuran niya.

"What do you want?" he asked without turning. Pinapatay ng karakter niyang si Kratos si Hades.

"The empress wants to summon you, Master."

"I'm busy." Ina niya ang tinutukoy nitong nagpapatawag sa kanya.

"But-"

"No buts."

"Kazuki is here, Master," pagbibigay-alam ng tanging babae sa tatlong nagbabantay sa kanya.

Drax was leaving alone since when he didn't know exactly. Sa Canada siya lumaki kasama ang tatlong bodyguard na nagbibigay ng lahat ng pangangailangan niya. Dinadalaw naman siya ng ina niyang si Empress Yuliya buwan-buwan pero nananatili lamang ito ng ilang araw.

His father is Emperor Arkady Vaseliev of Zemlya Khrabrykh. Ang naturang bansa ay nasa hilagang bahagi ng Europa. Kumpara sa iba, maliit na bansa lamang iyon na binubuo ng tatlong isla na may sapat na mamamayan. But it doesn't mean it's not strong and powerful. In fact, sa sobrang yaman at makapangyarihan niyon, napaka-pribado at secretive ng bansa na hindi napapasukan ng mga media. The emperor is in control of everything, including the only information to be released in the world.

Wala namang kaso sa mga mamamayan ng bansa. Everybody seems following the rules and voice of Emperor Arkady. Nang subukan niyang mag-search ng impormasyon tungkol sa kanyang ama at lugar gamit ang Google, wala gaanong nakalagay. Kahit isang eskandalo ay hindi nga nadawit ang pangalan ng emperador. Which he is really proud of.

"Yes!" Drax victoriously shouted as he defeated Hades. "Who again, Bana?"

Bana is his language and history teacher. The other two are Caro and Greg. Ang babae ang nagturo sa kanya ng iba't-ibang lenggwahe kasama na ang Khrabryyskiy na ang mga taga- Zemlya Khrabrykh lang ang nakakaalam. The country's language is like a combination of different languages in Europe. May mga salita kasing halos magkakatulad ang pagkakabigkas at kahulugan sa ibang lenggwahe. Ang pagkakaiba lang, may sarili ring karakter ang lugar nila na sila lamang ang nakakabasa na ayon sa pagkakaalala niya, kanunu-nunuan niya ang bumuo, ilang daang taon na ang nakararaan.

"Kazuki."

He threw his joystick and stood up after hearing the same name. "Nasaan sila?"

Sumunod si Drax sa mga ito. Mula nang magka-isip siya, ang mga ito na ang kasa-kasama niya. Masyado na siyang komportable na nandiyan ang tatlo kaya kahit saan siya, gusto niyang nandoon din ang mga ito.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora