Chapter 31

621 31 2
                                    


"Maria Dave, I think you're drunk."

Hindi napigilan ni Drax si Mad na inumin ang laman ng kopita nito. Naka-tatlong bote na sila ng red wine at siguro, dalawang baso lang ang kanya.

After dinner, every couple went on their own. Siya naman, naghanda ng sorpresa kay Mad. Sumakay sila ng gondola na silang dalawa lang. Nag-sweets trip at picture taking din. They talked endlessly, filling those days they haven't seen each other. Mula kanina pagkatapos ng photoshoot, hindi na nawala ang ngiti nito at pakiramdam niya, para sa kanya iyon.

Nang mag-aya itong uminom, um-oo siya. But he didn't expect they will end up drinking three bottles straight.

Ikinumpas ni Mad ang kamay, akmang o-order ng panibago pero pinigilan niya. "Drax, I'm really happy right now. Just let me drink."

"May bukas pa, Maria Dave."

"Uuwi ka na bukas. Wala na akong makakasabay." Itinukod nito ang mga siko sa mesa saka tumitig sa kanya. "Hindi ka ba pwedeng mag-extend?"

Tumatalon ang puso ni Drax. Iyon ang unang beses na ito mismo ang humiling na manatili siya. Too bad, he couldn't. May malaking pagtitipon sa Zemlya Khrabrykh at kailangan ang presensya niya.

"I can't."

Bumuntong-hininga ito, sumenyas sa waiter. "A bottle of red wine please."

"No. Kindly get our bill." Wala siyang narinig na protesta. Mad looked away. Iniusog niya ang upuan at itinabi rito. "Babawi ako. Promise."

"Huwag kang mangako. Hindi na naman matutupad iyan."

Nang mabayaran ang inumin nila ay nakaalalay si Drax sa asawa. Lasing na nga talaga ito at mas mainam na ibalik na niya sa hotel. He looked for a taxi boat. Sumakay na sila para mas mapabilis. Buti na lang, malapit sa parking area ang hotel. Ilang hakbang lang ay nasa lobby na sila.

He decided to carry her. Kinuha niya sa bag nito ang card na nagsisilbing susi at binuksan ang kwarto. Ilalapag niya na lang ito sa kama nang gumalaw ito at nadala siya. Mabilis na naitukod niya ang kanang kamay kaya hindi niya ito nadaganan.

"Maria Dave, nagiging careless ka rin pala. Paano na lang kung hindi ako ang kasama mong uminom?" Hinubad ni Drax ang sapatos saka ito pinaayos ng higa.

Mad lazily opened her eyes and encircled her arms around his nape. "Can't you extend your stay?"

Natawa siya. "Sa pagkakatanda ko, ako ang makulit sa'ting dalawa. Pangako, Maria Dave. Babawi ako."

Hinila siya nito. He landed beside her. Pagkatapos ay gumalaw ito palapit sa kanya. "Huwag kang umalis. Dito ka lang."

Kung maaari lang sana, nanamnamin ni Drax ang paghingi nito ng oras sa kanya. Bibihirang pagkakataon iyon na nagbibigay talaga ng saya sa kanya. It seems like he has worth. Ang mas nakakadagdag, wala sila sa Zemlya Khrabrykh at gusto pa rin siya nitong makasama.

"Hindi ko talaga alam bakit Paris ang pinaka-romantic na city sa mundo. It should be Venice. Hindi ba nakikita ng mga tao?"

"Kanina mo pa pino-problema iyan," aniya. Paulit-ulit ito nong nakasakay sila sa gondola at iniikot ang paningin sa magandang kapaligiran. "Next time, let's start a survey and vote for Venice to be the most romantic place in the world."

"We should. We must. My friends are happy with the man they love and it's romantic. I am happy."

"Because they are happy?"

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now