Chapter 22

714 23 0
                                    


"Busy?"

Nakangiting umiling si Mad. Tumabi si Yuliya sa kanya saka tiningnan ang mga nagkalat na imbitasyon. Kasama niya si Drax kanina habang nag-aayos ng schedule nila para matugunan ang paanyaya ng lahat ng pamilya. Iniwan siya nito nang ipatawag ito ng emperador.

"Hindi pa ba sa lagay na iyan?" turo ni Yuliya sa malakaing calendaryo kung saan sinusulatan niya ng magiging gagawin nila ni Drax sa mga susunod na araw, linggo at buwan. Punung-puno iyon at wala nang bakante.

Natawa siya. "Ang sabi ni Drax, hindi naman kailangang um-oo kami sa lahat. Ang kaso, nakakahiya naman humindi."

"Ganyan din ako nong una. Mahirap tumanggi. Masasanay ka rin."

"Ngayon lang naman ito. Kapag nakabalik na ako ng Pilipinas, pahirapan na akong hilain ulit maliban sa kung ang selebrasyon ay kinakailangan ang presensya ko."

Hindi pa nila napag-uusapan ni Drax kung kailan siya uuwi. Hindi rin siya makapagbigay ng eksaktong araw dahil na rin sa ang limang buwang nauna sa isang taon ay puno ng aktibidades ng bansa.

"Mag-honeymoon muna kayo ni Drax bago ka magkulong sa bansa mo," ani Yuliya na bahagya niyang ikinatigil. "Kami ang bahala ni Arkady sa lahat ng gatsos."

Tipid na ngumiti si Mad nang balingan niya ito. Walang anu-anong binitiwan niya ang hawak at yumakap kay Yuliya. Kapag nauungkat talaga ang tungkol sa kanilang dalawa ni Drax, hindi niya maiwasang makonsensya. Walang alam ang mga ito. Akala ng lahat na magiging isang pamilya sila ng lalaki. Kung pwede niya lang sabihing huwag umasa dahil hindi mangyayari ang inaasahan ng mga ito, ginawa na niya.

Ang kaso, ipinapaalala ng asawa niya sa kanya na huwag na huwag sabihin kahit kanino. Baka magkaroon sila ng problema at maudlot pa ang nauna na nilang napagkasunduan.

"Ang bait mo, Empress Yuliya. Salamat sa lahat, ha?"

Yuliya gently rubbed her back. Napapikit siya nang mamuo ang luha sa mga mata niya. "Walang anuman. Gaya ng sabi ko, natutuwa ako na may ibang babae na ang palasyo. Hindi ko man inaasahan na maglalagi ka rito, masaya ako sa katotohanang may anak na akong babae. Mahirap nga lang bihisan." Natawa ito sa tinuran.

Tiningnan niya ito sa mukha. Mas lalong nadagdagan ang naramdaman niyang bigat sa kalooban dahil sa nag-uumapaw nitong kasiyahan. Habang nakatingin pa ito sa kanya, ramdam na ramdam niyang hindi na siya iba rito.

"Alagaan mo lang ang anak ko, Mad. Iyon lang at wala na akong ibang hihilingin. Bilang ina ni Drax, napakalaki ng pagkukulang ko hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa mga kapatid niya. Pero nakatali ang pamilya namin sa regulasyon ng bansa bilang pamilya ng namumuno. I'm just glad that all my sons understand our situation. Isa na si Drax na hindi pinasakit ang ulo namin ni Arkady kahit hindi namin nagabayan araw-araw," mahabang wika ni Yuliya.

Yumuko siya para itago ang nararamdaman. She sighed. "He is a nice guy. Ang dami kong masasakit na salitang nasabi sa asawa ko pero napakabuti niya para intindihin ako."

"Ganoon talaga kapag mahal ka ng isang tao. Walang hindi kayang maintindihan."

Napaangat siya ng mukha. Parang may sumipang kabayo sa puso niya dahil sa narinig. "Ano'ng sinabi mo, Empress Yuliya?"

"Narinig mo na. Huwag mo nang ipaulit sa'kin."

Kinutingting nito ang mga imbitasyon. Habang si Mad, daig pa ang nabingi sa pagtatambol ng dibdib niya. She heard everything right, right? Mahal siya ni Drax? Pero paano...? Bakit?

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now