Chapter 25

697 27 2
                                    


"Mad, tama na 'yang kakaiyak mo."

Imbes na tumahan ay dumoble yata ang lumalandas na luha mula sa mga mata ni Mad. Code kept on wiping her tears; the latter's palm was cupping her face. Nakaluhod siya rito, nakatitig sa maganda nitong mukha. Ang mga mata nito ay nakatingin sa kawalan.

"I can't believe this might happen to you. Ganoon ba ako katagal nawala?" naghihinagpis na sabi niya.

Mula mall, dumiretso siya sa bahay ni Ran sa isang private village. May bahay din doon si Code. Tinawagan niya ito kanina na dadalawin niya ito at nagpahabilin nga na kung pwede ay bilhin nito ang librong may title na 'Paano Mag-move On?'.

Dahil masama ang pakiramdam niya at kasalanan iyon ng asawa niya, naisip niyang makipag-sparring sa kaibigan para mailabas kahit papaano ang nararamdaman. Pero paano pa nila magagawa iyon kung tinanggalan na ito ng kakayahang makakita? Worst, naka-wheelchair pa ito at nag-u-undergo pa lang ng therapy.

Kanina pa hindi humihinto sa pag-iyak si Mad simula nang makita ang kalagayan nito at nalaman ang buong istorya ng nangyari sa buhay nito habang wala siya. Nasasaktan siya para rito dahil napakabuti nitong tao pero binigyan ito ng ganoong dagok.

"Lagpas isang taon ka lang nawala. Pero hindi naman nangangahulugan na walang pwedeng mangyari sa loob ng isang araw," ani Code. "Okay lang ako, Mad. Masaya ako at nakauwi ka na. Kamusta ka na?"

"Sarili mo nga ang atupagin mo. Hindi ka pwedeng ganyan habang-buhay."

"Kung ito ang ibibigay ng Diyos sa'kin, tatanggapin ko, Mad. Huwag kang mag-alala. Magaan ang pakiramdam ko. Nawala man halos lahat sa'kin, nagagalak naman akong nandiyan ka pa at sina Ate Ashlie." Ngumiti ito. Ngiting nasisiyahan at hindi kabakasan ng anumang kalungkutan at panlulumo. "Gusto ko ng sariwang hangin. Lumabas tayo. Para naman makapagpahinga ang nurse ko."

"Sige."

Tinawag nito ang lalaking nagbabantay dito. Tinulungan siya nitong mailabas ng gate si Code. Bago sila umalis ay sinenyasan niya ang lalaki na sumunod sa kanya. Nagpaalam siya sa saglit sa kaibigan. Matalim ang tinging ibinigay niya sa nurse.

"Sino ka? You look familiar," ani Mad. Wala siyang tiwala rito. Nang magsalita ito, halos magsugpong ang mga kilay niya dahil ang sabi ni Code ay pipi ito.

"Itanong mo na lang kay Ate Ashlie kung sino ako, Mad. Sa ngayon, pwede bang humiling na huwag mong sabihin kay Code na may alam ka?" Nababahalang tinanaw nito sa labas ang kaibigan niya. Binalot ito ng lungkot. "Aaminin ko naman sa kanya kung sino ako. Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo."

Hindi siya tumugon at tumango na lang. Kung hinayaan ito ni Ashlie na magbantay sa kaibigan niya, ibig sabihin ay hindi ito masama at walang binabalak na hindi maganda.

Tulak-tulak ni Mad ang wheelchair. Sinasabi niya kung ano ang mga nakikita niya. Nakarating sila sa park. Umupo siya sa bench at ipinaharap si Code sa kanya.

"Nabili mo kamo ang libro. Basahin mo, please."

"Saglit." Kinuha niya sa dalang maliit na bag ang aklat.

"Favorite ko ang author n a 'yan. Kahit hindi ako nakaka-relate, na-a-amaze ako sa kung paano siya mag-advice. Pero sa librong iyan tiyak makaka-relate na ako."

"Gusto mong mag-move on?" Bahagya siyang nagulat. Wala siyang natatandaang may lalaki itong nagustuhan. Pero lagpas isang taon siyang walang balita rito kaya naman baka sa mga panahong iyon nangyari.

Tumango ito at ngumiti ng matamis. "For the first time, Mad, na-in love ako! Akalain mo iyon." Tumawa ito. "Masarap sa feeling. Masakit din kaya kailangan ko nang mag-move on."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now