Chapter 21

738 28 4
                                    


Mad and Drax were swaying side by side. Pinipilit niyang huwag matawa dahil isang napaka-espesyal na pagtitipon iyon na dapat seryosohin. Pinipigilan din ng huli ang humalakhak at sinusubukang mag-iwas ng tingin sa kanya kahit required ang makipag-eye-to-eye contact habang sumusunod sa saliw ng tugtog.

Para silang bangag na dalawa. Wala namang nakakatawa pero iyon ang ginagawa ng mga mata nila. Maybe because everybody was serious and they were not. Maybe because they know that their wedding is just in front and nothing beyond.

Subalit hindi maipagkakaila ni Mad na masaya siya. Nakatuwaan man nila ni Drax ang sayaw, masasabi niya naman in sync sila. They are both having fun and like each other's company. Hindi nahirapan ang instructor na turuan sila.

When the music ended, they secretly grinned at each other and seriously faced the crowd. Isang masigabong palakpakan ang natanggap nila. Drax guided her to her seat. Pagkatapos ay tumabi ito sa kanya at nagsimulang magsalita ang emcee.

"You look stunning in your wedding dress, Maria Dave," bulong ni Drax.

"So are you. Lalaking-lalaki ka. Hindi ka nagmumukhang bata basta hindi ka lang magsalita."

Impit itong natawa. "May problema ka ba sa boses ko?" Pinilit nitong magtunog bata. Pasimpleng dinala niya ang hawak na panyo sa bibig para takpan ang pagsilay ng ngisi sa mga labi niya.

"Hindi sa boses mo. Kundi kung paano ka umakto."

"Should I grow now?"

"No. Ganyan ka lang. Mas gusto kong bata-bata ka. Baka manibago ako."

"As you wish, my wife."

Hindi tipikal na wedding ang naganap. Hindi gaya sa Pilipinas na may seremonyas, doon ay pinalakad lang sila ni Drax ng sabay papasok sa venue kung saan nandoon na ang lahat ng bisita. Ang mga guest, kung hindi siya nagkakamali, ay mula sa maharlikang pamilya. Siya naman, ang tanging inimbitahan ay ang tatlong bodyguard at siniguro niyang VIP ang trato sa mga ito.

Pinili ni Mad na walang papuntahin. Baka kasi kapag may dumalo ni isa sa pamilya niya ay sumama na siya pauwi. Hindi pa tapos ang mga kailangan niyang gawin doon kaya naman mas mainam na wala muna siyang makikita. Iisahin na niya pagkauwi ng Pilipinas.

"Now, the sign of the paper."

May dalawang naka-unipormado ang lumapit sa kanila. Binasa niya iyon. Napatitig siya sa apelyedong karugtong ng apelyedo niya. Vaseliev... Her heart thumped. Hindi na nga siya dalaga. Kapag pinirmahan niya iyon, magiging married na ang estado niya sa buhay. At siya na ang opisyal na asawa ni Master Drax Vaseliev.

"Doubting?" mahinang sabi ni Drax sa tabi niya. Dire-diretso ang pagpipirma nito sa ilang pirasong papel bago siya binalingan. "Gusto mong umatras?"

Iningusan niya ito saka sinimulan ang pag-pirma. "Why would I?"

"Baka kasi may natipuhan ka sa isa sa mga bisitang lalaki na single. Just want to make sure. Kanina pa sila titig na titig sa'yo. Gusto ko na silang palayasin."

"Jealous, my husband?" Hindi ito sumagot kaya naman sinulyapan niya ito. Muntik na siyang matawa nang makitang nakatanga lang ito sa kanya habang namumula ang magkabilang pisngi. Cute!

"You called me husband..." hindi makapaniwalang usal nito.

She signed the last paper. Ipinakita niya iyon dito at ngumiti. "Because you are my husband now. Hindi ka na pwedeng mamili ng iba. Ang lagkit pa naman ng tingin ng mga kabaro ko sa'yo. Tsk! Tsk!" biro niya.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora