Chapter 30

692 32 2
                                    


Hearts are everywhere...

Iyon ang nakikita ni Mad sa apat na pares na walang hiya-hiyang naglalambingan sa kabila ng maraming tao sa paligid. Hindi niya naman magawang sawayin ang mga kaibigan niya dahil unang-una sa lahat, may lebel ang relasyon ng mga ito sa mga lalaking katabi.

They are in Venice. It was Raise and Shido's pre-nuptial shoot. Dapat, hindi siya kasama dahil hindi pa umiinit ang puwet niya sa trabahong na-miss niya nang husto. Ang kaso, tinawagan siya ni Ran at binantaan na kapag hindi siya sumama, tatanggalin siya nito.

Who would want that? Lalo na at hindi lang siya ang napilitan. Pati na rin si Aiea at Shana na wala rin sanang balak sumama, nahila roon.

"Next!" Alexis shouted. Ito ang naging photographer kaya naisip niyang hindi na rin masama na nandoon siya. Kanina pa tapos ang ang photoshoot nina Raise at Shido. Inengganyo nito ang ibang mag-pares na kuhanan din dahil nasa mood ito.

Pati si Mad ay natatawa nang si Aiea na ang kinukuhanan kasama ang ama ng anak nito. Her friend looked extremely uncomfortable and has a never-ending complains. Buti at sa huling pares, mabilis na natapos dahil walang kaarte-arte sa katawan ang mga ito. And all she could feel was pure happiness towards Shana.

Nang makapag-ayos ay ipinakita ni Alexis ang lahat ng litrato. "I feel like I had pre-nup shoot for five wonderful couples," kontentong sabi nito. "I really like it."

"Correction! Four lang, Alexis. Hindi kami counted ni Logan," sabat ni Aiea.

Alexis zoomed one of Logan and Aiea's photos. Iyon ang parteng nagtitigan ang dalawa. Itinuro nito ang screen ng laptop. "The two of you look like an uncomfortable but so-in-love-with-each-other couple. Kungbaga sa relasyon, nagsisimula pa lang at may ilangan pa pero hindi naman magawang lumayo sa isa't-isa.."

"Huwag kayong manukso. Masasakal ko kayong lahat," banta ni Aiea sa kanila na ikinatawa nila.

"Lex, bigyan mo kami ng copies, ha?" ani Krit.

"Sure. Siyanga pala, uunahan ko na rin kayo. There's this international magazine called Couple that will be out in December. Isa iyon sa newest magazine na e-lau-launch sa New York. Maliban sa may shoot ako rito para sa Pinas, the following week ay iyon naman ang aasikasuhin ko. Gusto niyo bang e-forward ko sa management ang mga picture niyo? I'm sure they'll accept it. Lalo na at ang first issue ay tungkol sa couple ng iba't-ibang lahi. Kaya lang, magkakaroon ng kaunting interview. Like a simple outlook in life about having a husband-wife, fiancé-fiancée, boyfriend-girlfriend."

Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Mad. Tapos halos sabay-sabay na binalingan ang mga lalaki na napapaisip yata kung tatango o hindi. But in the end, everybody agreed. Pagkatapos ipaliwanag ni Alexis na hindi naman tungkol sa personal na buhay ang interview kundi sa pagkakaroon ng katuwang sa buhay. And also, the names won't be dropped.

"Lex, labas kami ni Logan diyan," sabi ulit ni Aiea.

"Bakit?"

"Dahil hindi naman kami couple."

"Let's negotiate. How can I push you to say yes?"

Napaisip si Aiea. "Kung si Mad, mag-po-post kasama ang asawa niya, then go na ako para kompleto kami."

"That's impossible," mariing kontra ni Mad. "Hindi pwede at-"

"Pwede iyon dahil kasal na kayo," putol ni Alexis sa protesta niya. "He's not as private as before. Where the heck is your husband, by the way?"

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon