Chapter 1

1.6K 44 3
                                    


Tinanggal ni Mad ang suot na salamin nang papasok na siya ng building na tutunguhin. Hinayaan niyang dumaan ang napakalaki niyang hiking bag sa scanner at ilan pang dalahin. Tumunog ang machine. Kung hindi lang importante sa kanya ang taong nagpapunta roon ay isa na iyong malaking abala sa kanya.

Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang lumarawan sa isip ang magandang mukha ng Mama Ran niya. Hindi niya ito totoong ina subalit iyon na ang nakasanayang itawag niya dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya noong bata pa siya.

The night when she felt the most fear towards the bitter cruelty of the world she's living. Salamat sa mama niyang iyon na naging guardian angel niya kaya buhay na buhay pa siya at kaya pang manipa ng ilang daang walang kwentang nilalang sa mundo, kung pagbibigyan.

Nang matapos e-check ang mga dala ni Mad ay tumuloy siya sa elevator. Natigil siya sa paglalakad nang makita ang maliit na babaeng mukhang manika kung hindi ito gagalaw.

"I want to hug you because I miss you," sabi ni Alexis.

Matalik na kaibigan ni Ran ang babae at siyang babaeng namulatan niya nang magising mula sa biglaang pagkawala ng malay nang gabing iyon. Ito rin ang nagdala sa kanya sa presinto at naghatid sa bahay ng mga magulang niyang labis-labis ang pag-aalala.

She spread her arms like a bird. "Do it," aniya.

Ngumiwi ito. "Maligo ka muna!" bulyaw nito. "Ang baho-baho mo tingnan."

Tumawa siya. Ito ang tanging taong kilala niya na sobrang arte na kulang na lang ay magbabad sa alcohol. "Wala tayo sa hotel."

"You can use my husband's unit."

Nawala ang malokong ngisi niya. "Husband?"

"Yes. Makikilala mo siya sa taas. Tayo na."

"Teka! Nag-asawa ka na, Tita Lex?" Tita ang tawag niya rito dahil mama niya si Ran.

"Hindi lang ako. Pati ang iba. You will meet them too. Pati na ang asawa ng Mama Ran mo."

"What?!" She's freaking out.

Biglang nawala ang pagod na naramdaman ni Maria. Kakababa niya lang mula sa kung saang lupalop ng Pilipinas at tumuloy na doon kaya nga ngarag na ngarag pa ang pakiramdam niya. Tama ang narinig niya, di'ba? Napahilot siya sa magkabilang sentido. Pinagtritripan lang siya nito. Kumalma siya.

"Tita Lex, hindi mo ako maloloko," aniya. Lulan na sila ng elevator.

"Who says I'm kidding?"

Alexis looked up to her, grinning. Kailangan nitong gawin iyon dahil maliit talaga ito na umabot lang ng limang talampakan ang height. Iyon nga lang, walang dapat magpauto sa pisikal nitong anyo. Marahil para itong manikang hindi makabasag-pinggan pero kayang-kaya nitong mambasag ng mukha pababa at pumatay ng tao nang walang pag-aalinlangan.

"Mukha kang nanloloko."

Her face became serious. "I'm not. Dito tayo."

Sumunod siya. She badly needed a bath to freshen up. Para tumuwid ang wala sa huwisyo niyang pag-iisip at masabayan ang trip ng tita niyang walang magawa.

Alexis put her thumb on the room's scanner. Umilaw iyon ng kulay berde at awtomatikong bumukas. Bumungad sa kanya ang malapad at napakalinis na silid. Lumipad ang mga mata niya sa pigura ng lalaking kalalabas lang mula sa nakabukas na pinto.

Hindi nakahuma si Maria Dave at nag-iinit ang mukhang tumalikod nang patakbong tinungo ni Alexis ang matanglad at magandang lalaki at lundagin. Then the two shamelessly kissed each other as if she's not around! Narinig niya ang pagtawa ng tita niya.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now