Chapter 28

718 23 0
                                    


"Miss, paki-charge na lang sa account na 'to ang duration ng stay."

Inabot ni Mad ang ATM card sa receptionist ng Sky Luxury. Pagkatapos kumain ay siya na ang umakong maghatid kay Drax sa hotel na tutuluyan nito.

"Let me check it first, Ma'am." Nagtititipa ang receptionist sa computer nito bago siya binalingan. "Ma'am, it is reserved under the name of Mr. Kazuki Yatsunaga. He's a VVIP so the indefinite stay has no charge at all."

Agad niya namang nakuha kung bakit. Mag-pinsan ang CEO ng hotel at si Kazuki. Kaya malamang na hindi na nito kailangang magbayad pa.

"But I need some information of the person who will occupy the room, Ma'am."

Tumango siya at binalingan si Drax sa tabi niya. "You have your passport, right?"

He nodded and took it out from his small bag. Ibinigay niya iyon sa babae. Saglit lang at nakuha na nila ang card na magsisilbing key ng hotel room. One of the hotel staff guided them. Tahimik lang silang dalawa sa loob ng elevator.

Napasulyap si Mad sa kanang kamay nang hawakan iyon ni Drax. He intertwined their fingers. Hindi niya ito sinaway hanggang sa makarating sila sa kwartong gagamitin nito. Bago umalis ang staff, nag-iwan muna ito ng iilang impormasyon at kung ano ang numerong tatawagan kung saka-sakaling may kailangan. May brochure din sa mesa na nasa living room kaya hindi mahihirapan ang kasama niya.

"Hindi ka naman na siguro maninibago dahil ganito rin kalaki ang kwarto mo sa Zemlya Khrabrykh," basag ni Mad sa katahimikan. Ilang sandali nang nakaalis ang staff pero walang kumikibo sa kanila. Magkahawak pa rin sila ng kamay, nakatayo sa gitna ng living room.

"But I'm still in daze knowing that you're really in front of me now, my wife."

Lihim siyang napangiti at binalingan ito. Drax looks so tired but he's wide awake. Hindi siya nito nilulubayan ng tingin mula pa kanina, kahit nong nasa loob na sila ng sasakyan niya habang nagmamaneho siya.

"You will be fine here."

"Hindi naman ako nababahala," tugon nito at ngumiti. "Lalo na at inaasikaso mo ako ng ganito. Sana hindi kita naaabala, Maria Dave," may kaingatan nitong sabi. "Pasensya ka na kung bigla akong sumulpot."

"Parati ka namang bigla-bigla na lang sumusulpot," biro niya. Pati nga sa puso ko. "At asawa kita. Ano sa tingin mo ang dapat gawin ko bilang asawa mo?"

His eyes twinkled. "Galit ka pa ba sa'kin?" Umiling siya. "Sigurado?"

"Yes."

Nang hilahin siya nito at niyakap, hindi na nangime si Mad na gumanti. She wanted to do it the moment she saw him but restrained herself. Dahil kasama nila ang mga kaibigan at kapatid niya. Now that they're alone, she just wants to feel him.

Habang nagluluto siya kanina, nakatanggap siya ng tawag mula kay Bana. Kinausap siya ni Empress Yuliya at nababahalang nagtanong tungkol kay Drax. She informed that she will look after him while in the Philippines. Kaya naman nakahinga ng maluwag ang empress.

Susunod na sana ang mga bodyguard ng asawa niya doon pero ang sabi ni Mad ay hindi kailangan agad-agad. Hiningi niya lang ang medical record ng huli para makapunta sila ng ospital at ipa-check up ito para makabili ng gamot. Dahil gaya nang nasa isip niya, wala nga itong ibang dala at pati ang importanteng bagay na iyon nito ay kinalimutan nito. It is because of the fact that he missed her so much he didn't think of anything. Basta at makarating lang ito ng Pilipinas para makita siya.

She was overwhelmed, her feelings were beyond happiness. Pagkatapos niyang maasar araw-araw at murahin ito sa isip dahil sa ginawa nito, parang walang nangyari na pinatawad niya ito dahil sa impulsive nitong aksyon. Though she really finds him reckless for doing that, she thought it was sweet.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon