Chapter 26

679 23 5
                                    



"Maria Dave!"

Nagkatinginan ang lahat. Gulat na napatitig si Mad kay Drax na nakaakbay na sa kanya ngayon. Abot-tainga ang ngiti nito samantalang siya ay nagmumukha nang tanga sa pag-iisip na aparisyon ang nakikita niya. But it's very far from it. Dahil ramdam na ramdam niya ang pamilyar na presensya ng asawa sa kanyang tabi.

"A-ano ang ginagawa mo rito?" Nang mapagtantong mahina ang boses niya ay tumikhim siya at inalis ang pagkakaakbay nito. Binalingan niya si Aiea. "You were serious?" Akala niya talaga ay napagtripan lang siya ng mga ito nang sabihing nasa baba ang asawa niya.

"No...? Teka! Sino ba iyan?"

"Siya si-"

Drax leaned towards her. "I can smell alcohol. Nakainom ka ba?"

Kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib niya ay ang pagsinghap ng mga taong nandoon. Hindi makagalaw si Mad. Sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya, pakiramdam niya, ang pinakamabisang paraan para hindi maglapat ang mga labi nila ay manigas na parang yelo.

Maya-maya...

"Ouch!" daing ni Drax. Pinitik niya ang noo nito pagkatapos kalmahin ang sarili. "What's that for?" anitong sapo ang noo.

"Wala ka bang kahihiyan? Hindi mo ba nakikitang nandiyan lang ang kuya ko?" nanggagalaiti niyang turan.

"Bakit? I'm not doing anything wrong."

"Meron. At iyon ay ang paglapit sa'kin."

"I have all the rights in the world as your husband." Umiling-iling si Drax at lumabi. "That hurts, you know."

Gusto niya itong bigwasan nang may gana pa itong magpa-cute at umaktong inosenti. Kunsabagay, baka nga wala naman talaga itong balak na halikan siya. She knew better. But still...

"Kung tuluyan kaya kitang saktan, gusto mo?"

Drax laughed to everybody's surprise. Hindi talaga ito natatakot sa kanya kahit kulang na lang ay bumulagta ito sa talim ng tingin niya. "Ikaw naman, Maria Dave. I can feel that you miss me too. Come on. Introduce me to your ates. I'm so excited to meet them."

Hindi na pumalag si Mad nang akbayan ulit siya nito at sapilitang inilapit sa mga kaibigan niyang natutuwa sa natutunghayan. Sa estado ng kakulitan nito, matatalo siya dahil pasensya niya ang mauubos at nararamdaman niya ang sobra-sobrang naaapektuhan.

"I'm Drax, Mad's husband. You must be..." Inisa-isa nito ang mga kaibigan niya sabay banggit ng pangalan. Bumaling ito sa kanya. "Did I get it right?"

"Hmm," simpleng tugon niya.

"Cool! Mag-da-date tayo bukas dahil tumama ako."

"Kung papayag kang tamaan ng kamao ko, bakit hindi?"

Mabilis na lumayo ito sa kanya. "My dear wife, bumalik na tayo sa'min. Naaapektuhan ng init ng Pilipinas ang mood mo. And your boiling point is unexpectedly uncontrollable."

Tumawa ang lahat. Pero si Mad, hindi niya iyon magawa. Dahil walang nakakatawa sa magulo niyang sistema. She needed some space. Kailangan niyang mag-internalize saglit para maabsorba na nasa harapan niya ngayon ang asawang ilang beses ipinagdikdikan sa mukha niya na hindi ito pupunta ng Pilipinas. Tinalikuran niya ito at naglakad pabalik sa kusina.

"Where are you going?" Drax asked. "I've been waiting for you and I'm hungry. Let's grab something. Alam mo namang-"

Itinikom nito ang bibig nang marahas niya itong binalingan. "Alam ko. Kaya kung ayaw mong lagyan ng lason ang iluluto ko sa'yo, maupo ka diyan at tumahimik."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now