Chapter 5

834 35 2
                                    


Naabutan ni Mad na gising na ang lalaking niligtas niya. Sinubukan niya itong kausapin pero ang tingin yata nito ay amazona siya o terorista na may balak na masama. Nang isiksik kasi nito ang sarili sa dulo ng kama, kulang na lang ay atakehin ito sa takot. Kaya nag-desisyon siyang iwan na ito para maramdaman nitong malaya itong makakaalis sa maliit na bahay na kinalalagyan nila na yari sa kahoy na siyang tinutuluyan niya.

She couldn't blame him, though. Turista ito at nasa isolated island na hindi naaabutan at nadadapuan ng sibilisasyon. Tatlumpong minuto lang ang layo ng Isla Himaya sa Isla Riga pero pinanatili ng tribo na walang anumang mailalagay sa isla na ikasisira ng kalikasan.

Kinuha niya ang malong na nakasampay sa labas at ibinalot sa sarili. Pagkatapos ay nagsandok na siya ng makakain. She cooked a simple porridge and added different spices for her early dinner. Pagkatapos ay ginisa niya ang mga nakuhang edible seashells para e-pares sa lugaw. Bago siya pinayagan ng Ama, sinabihan muna siya sa mga kung anu-ano lang ang pwedeng gawin doon at isa na ang pagkuha ng laman dagat sa mano-manong paraan.

Hinuhugot ni Mad ang laman ng seashell na hawak gamit ang bagay na mukhang karayom pero walang butas, nang makita sa gilid ng mga mata niya si Drax na lumabas ng kwarto. Hindi niya ito nilingon at nagpatuloy. She smiled when she saw the shell's big content. Naglalaway na inisang kain niya iyon na sinabayan ng tunog.

Heaven! She loudly sighed in pure heaven when she tasted the fresh flesh in her mouth. Iyon ang meron sa mga tagong lugar na wala sa siyudad. Ang masarap at totoong lasa ng pagkaing kayang ibigay ng kalikasan na inaabuso ng karamihan.

Dinadama ni Mad at ninamnam ang pagkain nang umupo si Drax sa pahabang upuan na yari sa kahoy na nasa harapan niya. Bahagya siyang napapikit at pinigilan ang sariling mapailing nang sa pag-upo nito, tumuloy-tuloy ang puwet nito sa sahig na ipagpasalamat nitong lupa at hindi semento. Paano ba naman? Sa pinakadulo ito umupo kaya parang seesaw na umangat ang kabilang dulo nang bumigat ang isang banda.

Hindi niya alam kung lampa o minamalas ito. Nang magising ito mula sa pagkalunod, nasaktan ang ulo nito nang tumama sa kisame pagtayo nito. Sumunod agad ang tuhod nito nang mapaluhod ito.

Namumula ang mukhang naupo ito ulit subalit sa gitnang banda na, habang iniinda ang nasaktan nitong puwet. She wanted to laugh but it's not nice to do it for someone's misfortune. Hindi naman ang pagkakabagsak nito ang gusto niyang tawanan kundi ang nahihiyang itsura nito. Para kasi itong bata gaya nang inakto nito kaninang daig pa ang tinutukan ng baril na takot na takot.

Mad continued eating and ignored him.

"Ahmm..." ani Drax. Hindi niya ito binalingan at muling nakibaka sa malalaki at masasarap na nakuhang mga seashell. "Ahmm... Maria Dave...?"

She looked up this time, poker face. Sinalubong niya ang mga nababahala nitong mga mata. Mukha talaga itong bata. Napaka-fragile ng nakikita niyang ekspresyon nito. "You can call me Mad."

"Can I not?" She raised an eyebrow. "Ahh... I mean, Maria Dave suits you more. If I call you Mad, I feel like you're angry."

"I'm not. But I don't mind to be called Maria Dave." Nasanay na siya sa pamilya niya at Mama Ran mga tita-titahan. "Do you want to say something?"

Tumango-tango ito. "Yes. First, thank you. Thank you so much. I don't know how to repay you after saving my life. If there's anything I can do or any favor you would want to ask except marriage, I will gladly give it to you."

Hindi sumagot si Mad at namamanghang tumitig kay Drax. Gusto niyang pagtawanan ang kinasuungang sitwasyon dahil imbes na maasar ay natutuwa pa siya. It is her line! Marriage is not part of her list. Pero heto, ang anak ni Adan na una niyang nakasalamuha pagkatapos mangakong susubukang huwag lumayo sa kauri nito, ay inunahan na siya na huwag hilingin ang kasal.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon