Chapter 36

698 25 2
                                    



Hawak-hawak ang basket at pumpon ng bulaklak, nagtatalo nang husto ang kalooban ni Drax kung mag-do-doorbell o hindi. Halos mag-isang oras na siyang nakatayo sa pinto at unti-unti nang lumiliwanag ang kalangitan. Tiyak magigising na si Mad anumang oras at kailangan na niyang mag-desisyon.

He put down the things he's holding and turned around. Nadaig na naman siya ng kaba kaya magpapakapal na muna siya ng mukha. But he didn't able to make a step. He froze when he saw Mad, few steps away from him, looking at him with blankly.

"Go-good morning, Ma-Maria Dave," nauutal na bati ni Drax. Gulat na gulat siya na nandoon ito gayong ang pagkakaalam niya ay alas singko y media pa ito magigising.

"Morning," walang kabuhay-buhay nitong tugon at lumapit. Pinulot nito ang basket at bulaklak saka binuksan ang pinto. "Pumasok ka. Mag-uusap tayo."

Kinabahan siya. Alam nito ang ginawa niya at ng mga kaibigan nito kaya malamang kakastiguhin siya nito. But he has no choice so he went inside.

Umupo si Drax paharap kay Mad. Pawisan pa ito at mukhang galing sa pag-jo-jogging dahil naka-training clothes. Tinitigan muna siya nito. Maya-maya ay napailing ito at napabuntong-hininga.

"Maria Dave, galit ka ba?" nananantiya niyang tanong.

"Sigurado kang iyan ang itatanong mo sa'kin?" Naumid ang dila niya pagtataray nito. Mariin itong pumikit. But he was sure that he saw pain in her eyes. Bakit ito nasasaktan? "Kung ang tungkol sa mga hidden camera last Thursday ang tinutukoy mo... no. Hindi ako galit. I am here to tell you that I know the truth and you should have talked to me long ago."

"Truth?"

Tumango ito. "About your daughter."

"Daughter?" he repeated with a knotted forehead.

Kitang-kita niya ang nahihirapang paglunok nito. "Hindi mo kailangang ikaila, Drax, at dapat kinausap mo ako agad tungkol sa anak mo. Hindi naman kita pagbabawalan kung gusto mong... kung gusto mong makasama ang mag-ina mo. I won't mind."

"Teka lang, Maria Dave. What are you talking about?" naguguluhan niyang tanong.

"Alam kong nakabuntis ka at nasa iyo ang bata. My question is, did you not pursue the child's mother because of our agreement?" Hindi siya makasagot. Pilit niyang iniintindi ang pinagsasasabi nito. "Mukha nga. Kung sinabi mo sa'kin, baka masayang pamilya na kayo, Drax. Hindi ko ipagkakait sa bata iyon dahil lang nakatali ka sa'kin. You can marry the woman right after our divorce. Bakit hindi ka man lang nag-effort na ibigay ang primary needs ng bata at iyon ay ang buong pamilya? Drax-"

"Wait!" Itinaas niya ang dalawang kamay at napatayo. Pumaroo't-parito siya bago huminto at tinitigan si Mad. "You are telling me that I have a daughter and that because I am married to you, I didn't try to run after to the child's mother?" Tumango ito. "Kanino mo nalaman iyan? Kanino specifically?"

"Hindi na importante iyon."

"Sino ba kasi ang nagsabi?" pagpupumilit niya.

Imbes na sumagot ay inilabas ni Mad ang cellphone nito. Inilapag nito iyon sa mesa. Kinuha iyon ni Drax at tiningnan ang litratong nandoon. Siya ang nandoon, may karga-kargang bata. Pagkatapos ay hindi na nababahalang ibinalik niya ang mga mata sa asawa niya.

Malakas na bumuntong-hininga si Mad ng ilang beses na animo'y nahihirapan nang husto. Sa sahig ang paningin nito pero halatang malayo ang iniisip.

"Kamuka mo 'yong bata. Mag-a-apat na taon na siya, di'ba?"

"Hmm."

"What's her name?"

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon