Chapter 7

796 27 1
                                    


"When will i be able to see you again?"

Isang napakahigpit na yakap ang binigay ni Mad sa kaibigang si Raise. Nasa airport sila. Aalis ito papuntang New York para magpahinga at paghilumin ang puso nitong nasasaktan dahil sa nakaraan nito.

"Pwede mo naman akong bisitahin," tugon ni Raise. Nginitian siya nito. "Susubukan kong makabalik agad para sa Karma's Appetite. Sigurado akong mami-miss ko ang kusina kong maingay. Pero alam ko namang hindi pababayaan ng mga tauhan ko ang haven natin dahil mahal na mahal din nila ang restaurant. Kaya panatag din ako at hindi ma-stre-stress. And might take my time."

"Na baka matagalan," nalulungkot niyang dugtong.

She couldn't keep her emotion after knowing that Raise's lost her daughter years ago. Nabuntis ito ng ex boyfriend nitong si Shido na matalik na kaibigan ni Jared. But it's no one's fault. Sa pagkakaintindi niya nang gabing naisiwalat ang lahat, hindi naman nagloko ang lalaki. Sadyang sinubok lang ang mga ito ng pagkakataon.

"I need this, Mad. Sorry kung iiwan ko kayo sa ere pansamantala."

Ngumiti siya. "Don't worry. Sabi mo nga, pwede ka naman naming puntahan. And you're just a call away. Isasali ka pa rin namin sa mga meeting natin para hindi ka ma-behind."

"Please, do that." Pinakatitigan siya nito.

"Bakit?"

Marahan itong umiling. "Wala naman. Parang may nagbago lang sa'yo."

"There is. Pero sa susunod na natin pag-usapan pagkabalik mo."

Nang lumipad ang eroplanong sinasakyan ni Raise ay umalis na si Mad. Palabas na siya ng airport nang muntik na siyang mabangga ng isang trolley. Tiningnan niya ang tumutulak nun at nagulat siya nang makita si Bana.

"Miss Mad?" gulat na pagkilala nito sa kanya.

Ngumiti siya. "Hi. Nandito ka ulit sa Pilipinas?" Halos dalawang buwan na mula nang makilala niya ito.

"Yes. May dadalawin ako. Ikaw?"

"May hinatid akong kaibigan. Paalis ka na rin?"

"Oo. Bale, mag-lu-lunch muna. Can you suggest where to eat? Or perhaps, can you join me? Kung hindi kita maaabala."

Pumasok sa isip niya si Drax kaya naman um-oo siya. "Hindi naman. Tulungan na kita. Nandoon sa labas ang sasakyan ko."






Nasa Makati branch sila ng Karma's Appetite. Doon dinala ni Mad ang hindi inaasahang taong makakadaupang-palad sa airport.

"How are you, Miss Mad?" tanong ni Bana.

"Mad na lang, Bana. Hindi ako sanay na mini-miss. I'm good. And you?"

"Mabuti rin, Miss Mad." She chuckled when Mad snorted. "Sorry. Sanay na sanay akong tinatawag na Miss ang mga babaeng kakilala ni Master Drax."

Nilunok niya ang karneng nasa bibig saka tinantiya kung magtatanong. Nang maisip niyang wala namang masama ay nag-go na siya.

"How about Drax? Kamusta na siya?" Bana's lips curved into a joyful smile. "May problema ba?" aniyang naramdaman ang pagkailang sa klase ng tinging ibinibigay nito.

"My Master is fine, I guess. Matutuwa iyon kapag nalaman niyang nagkita tayo at kinumusta mo siya."

"Is he... married?" Lumawak lalo ang pagkakangiti nito. "Hindi mo kailangang sagutin kung hindi pwedeng malaman," agad niyang dagdag.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang