Chapter 9

770 32 1
                                    


"Maria Dave, magpahinga ka muna."

Sinulyapan ni Mad ang ama. Ngumiti siya saka marahang umiling bago ibinalik ang mga mata sa mama niya na halos dalawang oras nang hindi nagigising. Tumabi ito ng upo sa kanya.

"Galit ka ba sa'kin, anak? Maging honest ka lang, tatanggapin ko kung ano man ang isasagot mo," tanong ni Mario.

"Ikaw, Pa? Hindi ka ba galit sa anak mong ito na napakasama ng ugali? Na makitid ang utak at ang kapal ng mukhang sumbatan kayo gayong bilang anak ay wala naman akong naibigay sa inyo maliban sa sakit sa puso at pag-aalala?" Bumuntong-hininga siya. She felt her something grip her heart. "Tama si Mama Ran. Wala akong karapatan at ni minsan ay hindi ako nagkaroon. Pasensya ka na, Papa. Sorry kung ang parati kong pinapakinggan ay ang sarili ko nararamdaman. Siguro dahil hindi pa ako nakapag-adjust nang tuluyan ay may ganito na naman. Hindi ko na alam, Papa. Naguguluhan ako. Hindi ko alam bakit parati itong nangyayari sa'kin. Wala naman akong natatandaang may inapakan akong tao."

Tinapik-tapik nito ang likod niya para aluin siya. "Anak, manalig ka. Bilang ama mo, kahit ako ay walang maintindihan. Kung pwede ko lang akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Hinihiling ko ng paulit-ulit na sana, ako na lang ang pinapahirapan. Pero may plano ang Diyos. Hindi man natin makuha ang sagot ngayon, balang-araw, ipapaintindi Niya sa'tin lahat at sigurado akong makakabuti iyon."

Gumalaw siya paharap dito. "Ano naman iyon? Anong klaseng kabutihan iyon na kailangang ilayo Niya ako sa inyo? Nagsisimula pa lang tayo, Papa. Wala pa ako sa kalingkingan na gusto kong gawin para makabawi sa inyo. Tapos heto na naman? Mas matindi ngayon dahil kailangang umalis ako."

Kinabig siya nito at niyakap. Hindi na napigilan ni Mad ang umiyak. Narinig niya ang usapan kanina ng magulang niya at ni Drax. She heard Jared's anger. Subalit natakpan ng galit ang dapat na inintindi niyang pag-aalala nang ipagkatiwala siya ng mga ito kay Drax nang ganon-ganon lang. Para siyang nabingi na hahayaan siya ng mga ito sa isang lugar na walang kakilala at napaka-estranghero sa kanya.

Just because of a stranger's promise.

Nang matitigan niya ang sarili sa salamin, kitang-kita niya ang unti-unting pagkamatay niya. Dumilim ang paningin niya at sinipa ng malakas ang salamin kaya nabasag iyon. Pinulot niya ang matulis na basag na parte at akmang isasaksak iyon sa sarili nang matauhan siya sa sigaw ni Ran. And for the second time around, the latter became her guardian angel.

"You are still my vulnerable princess. At napakasakit sa akin na makita kang nasasaktan. Pasensya ka na, anak. Ordinaryong tao lang ang papa mo na hindi ka kayang proteksyunan sa kahit na sino. Tama ka. Wala akong kwenta dahil parati na lang kitang ipinapaubaya sa iba gayong ako dapat ang kauna-unahang taong mag-alaga sa'yo," malungkot na sabi ni Mario. "Hindi ako galit sa'yo. Hindi ko kayang magalit dahil nagsasabi ka lang ng totoo."

"No, Papa. Hindi totoo iyan. Parati kayong nandiyan sa tabi ko. Hindi niyo ako iniwan at ako itong tumalikod sa inyo. Wala kayong ginagawang mali ni Mama. Ako itong may problema na hindi kayo iniintindi. Ako itong makasarili."

Suminghot-singhot si Mad at sa hilam na mga mata, tiningnan si Mario sa mukha. She harshly wiped her tears, took a deep breath and filled herself with understanding. Kahit pa nga napaka-blangko ngayon ng isip niya at wala siyang ibang nararamdaman kundi ang paulit-ulit na pagpiga sa puso niya. Nasasaktan talaga siya at hindi niya kayang alisin iyon.

"Papa, I'll be strong. Para sa inyo. Pero sa ngayon, kakausapin ko na muna siguro ang sarili ko at ang Diyos. I need to think. But don't worry about me. Hindi ako gagawa ng kahit na ano na ikasasama ko. I promise."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now