Chapter 33

697 21 2
                                    


Nagpasalamat si Mad sa guwardya ng private village pagkatapos siya nitong tulungang ibaba ang tatlong extra-large niyang bag. Binayaran niya ang drayber ng taxi. She took out her card and placed the part where there is a bar code on the gate's scanner. Nang bumukas iyon, isa-isa niyang pinasok ang mga bagahe.

"Ma'am Mad, kailangan niyo ba ng tulong papunta sa bahay niyo?" tanong ng guwardiya. Bawal kasing ipasok ang kahit na anong pampublikong sasakyan sa loob ng village. "Ginamit pa ng kasama ko ang sasakyan kaya kailangan niyo po muna saglit na maghintay."

"Hindi na." Kinuha niya sa knapsack ang bag belt at itinali ng magkakadikit ang mga bagahe. Hinawakan niya ang dulo nun. "I can manage. Thank you."

Mula sa entrada ay naglakad si Mad papasok. Hinugot niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.

"Hi! This is Aiea speaking. How may I help you?"

"Kailan ka pa naging call center agent?"

"Mad?!" bulalas nito, naninigurado.

"Hmm."

"Wow! May himala," sarkastikong sabi nito at nagsimulang magtaray. "What do you want?"

Napangiti na lang siya. "Pauwi na ako sa bahay ni Mama Ran. Padalhan mo ako bukas ng freshly bake bread mo, ha? Just like be-"

"Ang kapal ng mukha mo!" bulyaw ni Aiea.

Buti na lang at nakahanda si Mad. Ni-loudspeaker na niya ang tawag kaya hindi direkta sa tainga niya ang impak ng paninigaw nito. Nagbabago pa naman ang timbre ng boses ni Aiea kapag asar. Nagiging malalim at buo.

"Pagkatapos mong hindi magparamdam ng halos dalawang taon, tatawag ka sa'kin na parang wala lang tapos mag-de-demand ka pa ng tinapay?! And if I know, you want me to deliver it first thing in the morning, still hot and freshly out from the oven!"

"Iyon nga."

"Then go to hell!"

Doon na siya natawa. "I miss your rant, Aiea. Excited na akong makita kayong lahat."

"Huwag ka nang magpakita!"

"And I miss you, yourself. I miss everyone."

"Shut up! Tumatanda ka ng paurong, Mad!"

"Magbabago ako kapag thirty na ako. For now, intindihin mo na lang muna ako dahil ilang buwan pa bago sumapit iyon." She heard her sigh. "Babawi na lang ako. Masyado akong nag-enjoy sa bagong rota ng cruise line kaya hindi ako bumaba. Mag-honeymoon kayo ng asawa mo kasama ang iba. Ako ang bahala sa mga anak ninyo."

"Paano mo babantayan ang dose mong inaanak, aber?"

"Malalaki na ang dalawa. May katulong na ako. Sige na, ha? Huwag ka nang magalit. Isipin mong mas matanda ka sa'kin at prone na sa highblood."

"Heh!"

She chuckled. "Kakalma na iyan," pagbibiro niya. "I'll expect my breads tomorrow morning. Love you."

"Ihanda mo ang sarili mo dahil magigisa ka nang husto, 'langya ka."

"I will, Attorney Aiea."

Nang matapos ang tawag ay natatawa na napapailing na lang si Mad. Yes! She indeed missed the chaotic environment. Bibig pa lang ni Aiea iyon. Hindi pa kasama ang iba niyang mga kaibigan.

Nakarinig siya ng pugak. Binitiwan niya ang dulo ng belt at sinalubong ng yakap si Code nang umibis ito ng sasakyan.

"My ghad! Buhay ka pa pala talaga!" biro nito.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon