Chapter 38

851 23 3
                                    


Mad kept waving her hands. Iniengganyo niya si Drax na tumalon mula sa itaas na bahagi. Nauna na siya at nasa tubig na.

"Maria Dave, it's not scary, right?!" sigaw nito.

"Hindi! Halika na!"

"Okay!"

Sumisid siya para hindi ito ma-pressure. She was enjoying the scenery under the water when she heard a splash. Lumangoy siya pataas at hinanap si Drax.

"Drax?" Nagpalinga-linga siya pero hindi niya ito makita. "Drax!" sigaw niya. She swam under and looked for him. Pero kinakapos na siya ng hininga kaya kailangan niyang umahon. "Damn it! Drax!" Nababahala na siya. Ayaw niyang isipin na mauulit na naman ang nangyari nong unang pagtatatagpo nila sa Isla Himaya.

Napatili si Mad nang biglang may humawak na mga kamay sa baywang niya mula sa ibaba. Dali-dali siyang gumalaw. Akma na niyang bibigwasan ang sinumang pangahas nang mula sa tubig ay umangat ang mukha ni Drax.

"Maria Dave- Aww!" malakas nitong daing nang makatikim nang malakas na hampas mula sa kanya.

"Bwesit ka! Pinag-alala mo ako!" angil niyang habol-habol ang hininga. Natawa ito. Mas lalo siyang naasar dahil mukhang pinagkatuwaan pa siya nito. "Malunod ka sana!" Lalangoy na sana siya pabalik sa dalampasigan nang hapitin nito ang baywang niya at ipulupot ang mga braso.

"Hey. Nagbibiro lang naman ako. I'm sorry."

"Kung lunurin kaya kita?" Marahas na bumuntong-hininga siya at kumapit sa mga balikat nito.

He released another smooth chuckle. "Hindi mo naman magagawa iyon. You're too nice to be a killer."

Tumingin si Drax sa mga mata niya. He removed strands of hair away from her face. Napalunok si Mad nang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Kasabay ng paglaho ng paligid at ang tanging natitira ay silang dalawa lang ay ang pabilis ng pabilis na tibok ng puso niya.

His light brown eyes looked at hers again, asking for permission. Pumikit siya, puno ng antisipasyon sa susunod na mangyayari. His fingers held her chin. She felt his warm breath against her skin. Nang may maramdaman siyang malambot na bagay na dumapo sa mga labi niya ay kusa 'yong naghiwalay at nagpaubaya.

Drax's lips were soft, caressing hers with pure gentleness. Unti-unti, sinasabayan niya ang paggalaw ng mga labi nito hanggang sa ma-perpekto na niya ang ritmo. He pulled her closer, so as what her arms did to his nape. Kung hindi lang kailangan ni Mad ng hangin, wala siyang balak putulin ang nakakalilong pakiramdam na tinatamasa niya ng mga oras na iyon.

They were both panting. But Drax didn't stop and rain her face with small kisses.

"Mainit ang pisngi mo," pamumuna nito.

"Kamusta naman 'yang mukha mong walang ibang kulay kundi pula," bawi ni Mad na ikinatawa nito. Yumakap siya kay Drax. Nanghina siya bigla. Goodness! Totoo pala ang kwento ng mga kaibigan niya na nakakawala ng ulirat ang halik.

"Umahon na tayo. Let's have an early dinner."







"No, Maria Dave. Umupo ka lang diyan."

Bumagsak ang mga balikat ni Mad. Nakasimangot na rin siya. Kanina pa siya na-bo-bored dahil hindi siya hinahayaan ni Drax na tumulong magluto. Inaako nito lahat. Nagpapa-impress. Mag-iisang linggo na iyon na tuwing maghahanda ng agahan, pananghalian o hapunan, ito ang gumagawa lahat at siya, walang ibang ginagawa kundi ang panoorin ito.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now