Chapter 11

770 31 1
                                    


"Hindi ka ba pagod?"

Pagkatapos bahagyang yumuko sa mga magulang si Drax ay inokyupa niya ang isa sa mga upuan sa napakahabang mesa. After the food was served, Emperor Arkady commanded everybody to leave. Ganoon ito parati kapag sabay-sabay silang tatlong kumakain.

"Magpapahinga ako pagkatapos kong kumain, Empress Yuliya," sagot ni Drax at nagsimulang sumubo.

"You look so stress, my son."

"Who wouldn't? If my sole father couldn't understand the situation I'm into. At pagkatapos ay ipinagutos pang ipapatay ang babaeng nagligtas sa buhay ng anak niya. Kunsabagay, ano lang naman ang buhay kapalit ng napaka-importanteng eskandalo?"

Walang sumagot sa mga ito. That's the first time he said something bad towards Emperor Arkady. Nang malaman niya ang tungkol sa mando nitong ipapatay si Mad, naglaho sa isang iglap ang paghanga niya. At wala siyang ibang sinisisi sa galit ng dalaga sa kanya kundi ito.

"There are rules in the world that is unbreakable, Drax," simpleng sabi ni Emperor Arkady. "If you'll become the emperor, you'll know exactly what I mean."

Nagtagis ang mga bagang niya. "But being an emperor and a father at the same time, I'll surely be more of a latter."

Walang paalam na tumayo si Drax at lumabas ng komedor. Didiretso na sana siya sa kwarto nang maalalang hindi na siya ulit kinibo ni Mad pagkatapos nitong makita ang emperador. He went to her room and saw Bana outside.

"How is she?" nag-aalala niyang tanong. Baka kasi hindi ito makatulog dahil namamahay.

"She's fine, Master Drax. Natutulog na siya."

"Papasok ako." Pinagbuksan siya nito ng pinto.

Dalawang maliit na ilaw na nakadikit sa dingding ang nagbibigay liwanag sa silid. Dahan-dahan siyang naglakad palapit at umupo sa gilid ng malaking kama. Bakas sa mukha nito ang pagod at malalim ang pinapakawalang paghinga. Habang nasa biyahe sila, hindi niya magawang umidlip man lang at nakatutok dito kahit hindi siya tinatapunan ng tingin. Gusto niya kasing kahit sa galaw nito, malalaman niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

Drax hated the fact that she was forced to go there. Kung kaya niya lang magpakamatay, bakit hindi? Kung wala sana siyang konsesnya, hinayaan niya ang emperador na gawin ang gusto nito sa dalaga. But he couldn't do both. Una, dahil may iba pang paraan. At pangalawa, gusto niyang ito naman ang magligtas sa kanya sa kabila nang siya mismo ang nagpasok kay Mad sa mundo niya.

No matter what it takes, the pain he caused her was enough. Hinding-hindi na niya iyon dadagdagan at ipaparamdam dito na kaya pa rin nitong gawin lahat. Ibabalik niya ang tiwala nitong nawala at ipapakita niya na hindi nito kailangan maging ilag ulit. Because if only he has more choices, he will choose not to harm and hurt her in every possible way.

Gumalaw si Mad patagilig kaya mas naklaro niya ang mukha nito. Hinaplos niya ang pisngi nito. Wala sa sariling yumuko siya at kinintalan ito ng halik sa sentido.

"Don't worry, Maria Dave. I will always be here. This will be the last time you'll hate me."








"Huwag!!!"

Isang napakalakas na sigaw ang pinakawalan ni Mad umaga pa lang. Nasa banyo siya na dinaig pa ang kwarto ng bawat hotel na natuluyan niya. Everything in there is different. Meaning, even the bathroom is not for her. Lalong-lalo na ang limang babaeng naka-chambermaid uniform na sa ikinagimbal niya, walang katok-katok na pumasok habang sinusubukan niyang e-adjust ang hubad na katawan sa kaartehan ng malaking bathtub na nandoon.

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now