Chapter 6

841 28 3
                                    


"Maria Dave!"

Nilingon ni Mad si Drax na siyang malakas na tumawag sa kanya. Nasa mataas ito na bahagi. Kumaway siya. Nagmamadaling bumaba ito at patakbong lumapit sa kanya.

"Kumalma ka muna," aniya nang subukan nitong magsalita kahit habol-habol na nga ang hininga.

"I'm good." He smiled at her. "Buti na lang at naabutan pa kita."

Sinulyapan niya ang lalaking hinahanda ang bangkang de motor na sumundo sa kanya. Iyon ang araw na babalik siya ng siyudad. It will take almost a day, though, to travel by land.

"May kailangan ka ba?" tanong niya.

"Yes. May gusto akong ibigay."

Inilahad nito ang palad na may hawak ng itim na kahon. Napagtanto niyang jewelry box iyon nang buksan iyon ni Drax. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito.

"Please, take it," anito.

Awtomatiko siyang umiling. "Hindi ko matatanggap iyan."

"Please, Maria Dave?" he pleaded.

"Drax-"

"Kahit ito na lang ang kabayaran maliban sa thank you sa pagsagip mo sa'kin."

"Hindi ako nagpapabayad ng tulong, Drax. Keep it."

Pinigilan siya nito sa braso nang talikuran niya ito. Mad faced him again but didn't able to say anything when she noticed two men and one woman in uniform who were approaching them. Agad siyang naalarma dahil unang-una sa lahat, hindi nababagay ang suot ng mga ito sa isla. Mukha itong mga high class goon na nakikita niya sa mga pelikula.

"They are my bodyguards," sabi ni Drax na sinulyapan ang tatlong tao na huminto, ilang hakbang mula sa kanila. "Don't worry."

"Bodyguards?" ulit niya.

Sa ilang araw na pananatili nila roon, nagkaroon sila ng bonding moment. It's like a teacher and student relationship. Sinusubukan nito lahat ng ginagawa niya. Ang hindi niya lang inaasahan, pati paghiwa o prito ay hindi nito kayang gawin. Na bukal naman sa loob niyang itinuro kahit pa nga nagkasugat-sugat at nagkapaso-paso ang mga kamay nito.

Ngayon alam na niya. Kaya naman pala wala itong alam na kahit na ano dahil may mga alalay ito.

"Oo. Don't mind them. Mabalik tayo rito." Inilapit nito ang jewelry box sa mukha niya. "Maria Dave, please accept it."

"Drax-"

"Serve this as a remembrance of our friendship. For the last days, niligtas mo ako, pinakain at tinuruan ng mga bagay-bagay at ang saya-saya ko. Wala na ngang kwenta ang mga dinala ko dahil ikaw ang sumalo lahat ng kakailanganin ko. You are so good to me even though I'm a nobody to you. Serve this as a remembrance from me because as much as I want to see you again, I know I won't be able to now."

Ngumiti ito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. Gusto tuloy magtanong ni Mad dahil sa ilang araw na nagkasama sila, napaka-sunny ng pinakitang personality nito at madaling pamanghain at patawanin. Naaaliw pa nga siya rito nang husto na sa tanang buhay niya ay hindi niya naisip na may lalaking magagawa siyang patawanin dahil sa kainosentihan nito.

Now that she can see loneliness and confusion in his eyes, maybe there are personal matters that he needs to handle just like her. At sa kalumbayang sumasalamin sa awra nito, mukhang hindi ito magiging masaya pag-uwi nito sa Canada.

"I hate the fact that we both just need to stay here for a week. Kung pwede lang mag-extend. Kung pwede lang na kalimutan ko lahat at manatili na lang rito," dagdag ni Drax at yumuko. "Kaso, may kanya-kanya tayong dapat gawin. Ikaw, para maging pinakamasaya at ako, para e-fulfill ang responsibilidad ko. Kaya pakiusap, tanggapin mo na, Maria Dave."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now