Chapter 37

760 29 2
                                    


Mad has Drax's schedule. Nandoon siya ngayon sa Millenial Convention Center dahil may event ang La Sierra University kung saan professor na si Drax ng Language at History. Lumapit siya sa reception at nagtanong. Saka tumuloy sa kwartong inokyupa ng unibersidad.

"Excuse me, Ma'am. Your invitation, please," sabi ng lalaking nasa labas ng silid. May mesa sa harapan nito at ilang folders na marahil ay listahan ng imbitado.

"Ahh. Is it necessary? Asawa ako ng isa sa mga guro na nasa loob," may ngiting sabi niya.

"Ano po ang apelyido, Ma'am?"

"Vaseliev." Hinanap nito sa listahan. Marahan itong lumingo.

"Wala po, Ma'am. Baka sa ibang event po kayo."

"This is La Sierra University's event, right?" pagklaklaro niya.

"Opo, Ma'am."

"Then my husband is inside. Ako na ang titingin, pwede po ba?"

"Sorry, Ma'am. Privacy purposes po."

"Ganon ba?" Napaisip siya. "Pwede po bang patingnan sa loob?"

Mad took out his phone. Ipinakita niya ang litrato nila ni Drax. Matagal na iyon. Lagpas apat na taon na. Kuha iyon nong nagkaroon sila ng biglaang pre-nup shoot kuno sa Venice. She has a copy of her own. Kapag na-mi-miss niya ito na kadalasan siyang inaatake kapag oras na ng pagtulog, iyon ang tinititigan niya.

"Siya ang asawa ko. His name is Drax."

"You're Drax's wife?" gulat na tanong ng kung sino.

Napalingon siya sa likuran. She saw a rugged looking guy staring at her face intently after giving her a head-to-toe look. Nakalugay lang ang maalon nitong buhok na lagpas balikat. May bigote at balbas itong sinadya yatang hindi ahitin dahil hindi na makokonsiderang bagong tubo pero bumagay naman dito. Naka-itim pa ito lahat.

"I am. Kilala mo siya?"

"I'm his co-teacher." Bahagyang ikinakunot ng noo niya ang sinabi nito. Mas mukha itong rakista kaysa guro. "What's your name? I'm Indi."

Tinanggap niya ang nakalahad nitong palad. "Ako si Mad. But Drax always calls me Maria Dave which is my complete name."

"Then you are his wife." Binalingan nito ang nagbabantay. "I'll accompany her." Pumirma muna ito na tingin niya'y attendance bago siya giniya sa loob. Nagpasalamat naman siya sa nagbabantay.

Maraming tao sa loob ng silid pagpasok nila. Puro guro ang mga nandoon dahil ayon kay Van, anak ni Bana at drayber ni Drax, isa 'yong awarding ceremony.

"For the Most Outstanding Teacher of the Year, let's give a round of applause to..." Binuksan ng emcee ang envelope. "To Professor Drax Zima."

"There he is."

Itinuro ni Indi si Drax na naka-pwesto sa bandang unahan. Tumayo ito at pumunta sa stage para tanggapin ang tropeyo nitong yari sa salamin. Nakipag-kamay muna ito sa emcee bago inilapit ang bibig sa mikropono para magsalita. Tumigil ang lahat sa pagpalakpak. Siya naman, nagtataka nang husto kung bakit iba ang apelyido nito.

"First and foremost, I don't think I deserve this. It's not been so long since I started teaching. But as what the award is pertaining, it's Teacher of the Year." Ngumiti ito ng matamis sa lahat, sinulyapan ang tropeyo at bumuntong-hininga. "For the last days, I feel like my hard work has finally been paid. Hindi man pinapaniwalaan ng lahat, pero vocal ako at parating sinasabi na may asawa na ako."

KARMA'S Appetite Series 4:  Chef Mad ( COMPLETED)Where stories live. Discover now